Chapter 48 *I'm certain about my Feelings*

368 7 2
                                        

Chapter 48 (I'm certain about my Feelings)

---*Majj's POV*---

"NAIINIS AKO SAYO!" - ako, hindi ko alam kung bakit ko sya gustong sigawan pero, gusto kong magalit sa kanya, bakit ba kasi sya nagkakaganyan, bakit ba sya nagpakalasing, bakit ba tinalikuran nya ako

ang tahimik nya

tumalikod ako, at lalakad na sana para kumuha ng gamot o kaya ng kahit anong pwede kong gamitin para linisin o gamutin sya

bigla nyang hinawakan yung wrist ko, pinigilan nya akong umalis

"Don't leave.... please.... please stay here... please stay by my side"

pakiusap ni Drew, parang nanginginig yung boses nya, ramdam ko na may mabigat syang dinadala, pero ano?

hinawakan ko yung kamay nya nanakakapit sa braso ko at pinilit kong tanggalin, pero mas hinihigpitan nya, nakayuko pa rin sya at nakatingin sa ibang direksyon

"Just Don't leave.. Don't leave me..." - Drew

"I won't" - ako habang tinatanggal ko pa rin yung kamay nya sa braso ko

nung natanggal ko na yung kamay nya sa braso ko, pumunta ako sa kusina, kumuha ako ng isang plangganang may tubig tapos naghanap din ako ng isang face towel sa kung saan at bumalik ako sa kung saan nandun si Drew

nakapagtataka lang kasi wala sya tapos may narinig akong nagdabog sa taas

*BLAG*

*BLAG*

umakyat agad ako daladala ko parin yung planggana, pumasok ako sa kwarto niya

"DREW!!"

gulat na sabi ko tapos nilapag ko muna sa maliit na mesa sa tabi ng kama nya yung planggana

"DREW! ano ba!?" - ako na kinakabahan ng sobra, natatakot din ako, hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan

ang gulo ng kwarto nya, mukhang kinalat nya yung mga gamit nya tapos sinasapak ni Drew yung pader, tumingin sya sakin, nakakatakot yung mga mata nya, yung tingin nya kinilabutan ako

"Why? bakit hindi ako maintindihan ng lahat ng tao? anong mali sakin?! bakit lahat kayo iniiwan ako?" - Drew

*BLAG* paulit ulit nya pa ring sinasapak yung pader

"itigil mo na yan! Drew!" - ako

natatakot ako, nag-aalala sa sugat na lalong dumadami, at sa dugo na bumabakat sa pader

"bakit?! bakit?! bakit hindi nila ako maintindihan? bakit ba lahat kayo iniiwan ako?" - drew

galit na galit ang mga mata nya tapos yung boses nya nanginginig, hindi ko sya maintindihan

"DREW!! TAMA NA!! sinasaktan mo lang ang sarili mo!!" - ako

tinigil nya yung pagsapak sa pader tapos tumingin ulit sakin

napatakip na naman ako ng bibig sa nakikita ko, bakit ganyan sya makatingin? natatakot akong lumapit sa kanya, tumalikod ako, gusto kong tumakbo palayo, natatakot ako, pinipigilan kolang ang luha ko

nakarinig ako ng yabag, nagulat nalang ako ng nasa harap ko na si Drew at humarang sa pinto

"please... please don't leave... wag mo kong iwan..." - Drew nakikiusap yung boses nya tapos yung mga mata nya parang nagmamakaawa

"Drew.. anong nangyayare sayo?" - ako

"wag mo kong iwan tulad ng ginawa nila... please" - Drew

sumandal sya sa pinto tapos umupo

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon