Chapter 53 *My Last Days with Him in Counting*

371 9 4
                                        

Chapter 53 (My Last Days with Him in Counting)

--*Majj's POV*--

isip ako ng isip sa mga nangyari kaya bumalik ako sa ospital hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang kwento at isa pa nasali ako sa usapan nila kanina, kahit gabing gabi na pumunta pa rin ako sa ospital

pasimple akong dumaan sa tapat ng kwarto kung saan nagtatalo sila Drew, may kurtina yung glass window kaya hindi ko nakita yung loob, nakalagpas na ako dun sa kwarto, lumingon ako ulit at may nakita akong isang nurse na lumabas dun

makikichismis nga ako

sinundan ko yung nurse

"nurse!" - ako

"ye ma'am?" - nurse

"ikaw?"- gulat na sabi nung nurse sya din pala yung nurse na dating pinagtanungan ko kay Andrei

"may itatanong lang po sana ako... kung ok lang po....." - ako sabay ngiti sa kanya ng maamo

"ano yun?" - nurse

"sino po yung naka-confine sa room?" - ako

naglalakad kami parehas sa hallway, snusundan ko lang naman sya

"sorry.. but I can't tell you that... the person confined their is a VIP meaning hindi pwedeng ikwento kung anuman ang pwedeng ikwento" - nurse

"pero.. kailangan ko po talagang malaman" - pakiusap ko dun sa nurse

"please...." - ako with matching puppy eyes

"sorryy.. but its for security reasons.. kilalang tao kasi sila" - nurse

"please miss... I really need to know.. at saka kilala mo na ako hindi ba? hindi rin naman ako masamang tao kaya safe sakin ang mga sasabihin mo" - ako

"haist.. sige na nga mapilit ka e" - nurse

Yes!!

- - - - - - 

sana pala hindi ko nalang tinanong

("kung nakita mo lang yung apo nila maaawa ka... halos buong gabi syang nakaluhod sa tapat ng kwarto at nakikiusap sa lolo nya na papasukin sya sa loob ng kwarto ng lolo nya... and I heard na inatake na sa puso ng dalawang beses yung lola nya kaya nga kritikal ang lagay ng lola nya ngayon at dahil dun kaya nagmamakaawa talaga ng sobra yung guy pero his grandfather keeps on refusing and refusing..." - kwento nung nurse

"pero... ang alam ko binigyan ng kondisyon nung lolo yung guy... yung about yata sa babae na gusto ng guy... sabi nya pa nga papayagan nya lang yung guy na makadalaw kung iiwan nung guy yung girl" - dagdag nung nurse)

("mahal ko si Majj at hindi ko sya bibitawan.. nangako akong hahawakan ko sya ng mahipit so please don't make me choose.. Pa. please...." - Drew)

naalala ko na naman yung mga sinabi ni Drew sa Lolo nya.. ako pala ang dahilan

ang lola ni Drew

(".........and I heard na inatake na sa puso ng dalawang beses yung lola nya kaya nga kritikal ang lagay ng lola nya ngayon at dahil dun kaya nagmamakaawa talaga ng sobra.........")

ang gulo tuloy ng isip ko ngayon

sobrang gulo

papasok ako ngayon ng kwarto ng lola ni Drew.... kanina napilitan akong aminin sa babaeng nurse na yun na ako yung babaeng sinasabi nya at pinagtatalunana nila Drew kaya pinahiram nya ako ng extra nurse uniform para makapasok ako sa kwarto ng lola ni Drew

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon