Chapter 40 (Feelings Revealed)
Part I: Chris & Girlie
“Majj!”
“hm!!” – nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko at tinawag ako bigla
“Girlie!” – ako sabay harap ko sa kanya
( O/// ^ ///O ) < - - ako
Si Girlie batong nakikita ko? Girlie? Girlie? Si Girlie nga!
“oy ganda mo ha!” – Girlie sabay kurot sa pisngi ko
“mas maganda ka” – ako
“Di naman” – Girlie kahit girl na girl ang itsura ni Girlie ngayon medyo lalaki pa rin ang galaw nya.. pero slight lang naman
“asan sila?” – Girlie
“ah doon” tinuro kung saan naduon sila Chris medyo malayo kasi ako kasi pumunta ako sa buffet table kung saan lahat ng pagkain at inumin ay naroon at medyo malayo ito sa mesa kung saan sila nakapwesto
“ahh.. geh sabay nalang tayo papunta dun” – Girlie
Tapos sumunod sya sakin habang tumitingin ako ng nakahain sa mesa.. hmmm… dapat talaga tubig lang kukunin ko kasi nauuhaw na ko pero nung nakita ko yung nakahain natakam na akong kumain
“gutom kana agad?” – Girlie
Umiling naman ako nakatalikod ako sa kanya kasi sya nakasunod lang sa likod ko
“Drinks?” may lalaking nagsalita mula sa likod ko…
Nakayuko ako sa mga nakahaing pagkain kaya di ko nakita kung sino yung nagsalita at kung sino ba ang kausap niya kaya tumingala ako at tumalikod para tignan kung sino yung lalaking nagsalita
“ah.. Nope…I’m good” – Girlie
Kausap pala si Girlie.. si Girlie mukhang nakangiwi ang ngiti siguro di nya feel yung lalaking kumausap sa kanya and I don’t know why kasi gwapo naman yung lalaki. *ehem* anu ngayon kung gwapo yun diba? E muka namang napakapresko niya kaya siguro parang ayaw syang kausap ni Girlie
“ah.. Majj… Lets go back to our table?” hinawakan ako ni Girlie sa wrist at hinila papunta dun sa table kung saan nandun sila Angie
“uhm wait!” – yung lalaki at hinahabol kami
“go away… go away… go away… go away” - binubulong ni Girlie habang mabilis kaming naglalakad papunta sa table
“bakit—“ itatanong ko sa sana sa kanya kung bakit sya nagkakaganun pero pinutol nya ang pagsasalita ko
“I’ll explain it to you later” – Girlie na mukhang troubled
Lumingon ako sa likod at mukhang tumigil na yung lalaki sa pagsunod samin
“haist! Bakit ba nandito yun” – Girlie
“hm?” – ako
“ay sorry! Si George kasi e” – Girlie
“George?” – ako
“manliligaw ko na classmate na sinapak ni Chris” – Girlie
“eh? Sinapak ni Chris?” – ako
“hm (oo)… pero nagsorry naman na ako sa kanya kaya nga lang nung isang araw lumapit sya sakin at pinagtapat na inlove na daw sya sakin... naiilang lang ako sa kanya kaya ganun reaksyon ko…” – Girlie
Di na ako nagtanong sa kanya ng iba pang detalye kasi mukha naming ayaw niyang pag-usapan
“Have a wonderfull night everyone!” babae na nasa stage mukhang sya at yung kasama nyang lalaki ang hosts sa gabing ito… tapos may tumugtog na music… first dance siguro
BINABASA MO ANG
1st Time Lover's Amnesia Girl
Ficção AdolescenteCOMPLETED leave a comment po for your feedback. I hope you will like my work ( ^.^ )v - - - - - The story is all about a girl name Majj but the big question is, is it really her name? Majj forgets about her past and seems like she doesn't care about...
