Chapter 16 *His Brother*

469 8 6
                                        

Chapter 16 (His Brother)

"dre? Sinu bang may gawa sayo niyan?" -Drew na sobrang seryoso

"dapat siguro wag nyo nalang alamin...mas makakabuti kung di nyo nalang alam" –Erick

"anu?!" –kambal

"bakit naman dre? Ayaw mo bang makabawe ka sa---" –Chris

"yun nga eh.. Pag nalaman nyo reresbakan nyo...tapos ano?.. reresbak din sila...wala nang katapusan to dre" -Erick. Di nya pinatapos si Chris sa pagsasalita. Tinignan nya isa isa lahat, mata sa mata tapos umiling

"anung gusto mo dre? Tutunganga nalang kame?" –Chris

"di pwede yun dre. Lugi ka" –Girlie

"di nyo ko maintindihan eh!" –Erick

"edi ipaintindi mo" –Angie

tinignan ko si drew nakaupo sa sa sofa tapos medyo nakabukaka yung siko nya nakapatong sa hita niya tapos magkahawak yung dalawang kamay niya na pinatungan ng baba nya yung parang cool na pose ng lalake kapag nag-iisip ng malalim Tapos napakaseryoso

"yun na nga! Hayaan nyo nalang sila!....baka....baka madamay lang kayo sa gulo ko! Di naman ako papayag na may masaktan sa inyo.. Kaya mas mabuti nang wala kayong alam" –Erick

"tsss..dre ganun din kame! Ayaw din naming may nadidehado saten kaya nga bago pa mangyari yun unahan na natin" –Chris

"pss..labo nyo!" –Erick

"mas malabo ka!" –kambal

"tama si Erick!" –Drew

napatingin kaming lahat kay Drew pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon

"ANO?!" -Chris at Girlie

"panung tama?" –kambal

"walang katapusang gantihan lang ang mangyayari" -Drew na nakacool pose pa rin

"so ganun lang yon?! Wala tayong gagawin?!" –Chris

"ah... lalabas muna ako" –ako

sersyoso ang mga mukha nilang lahat at saka feeling ko di ko na dapat malaman pa kung anong pinag-uusapan nila. Labas ako dun at saka natetensyon lang ako dito sa loob kaya ayun lumabas na muna ako at naglakadlakad sa hallway

"Doc dito po! Nagkamalay na po yata yung pasyente. Bigla po kasing bumukas yung mata niya pero sumara din agad" –nurse

"chineck mo ba yung vital signs?" –Doctor

"opo" –Nurse

"good" –doctor

nakasunod yung tingin ko dun sa nurse at sa doctor na halos tumatakbo na sa bilis nilang maglakad. Parang madaling madali sila parang napakaimportante nung pasyente nila nacurious tuloy ako kaya sumunod ako sa kanila pero mabagal lang ang lakad ko. Nakita ko sila sa isang room sa kaparehas na floor. Nakaglass window yung kwarto.

"ok inform me immediately kapag may ginawa pa syang paggalaw o signs" -doctor na lumabas na ng kwarto. Nakasilip ako dun sa loob ng kwarto

"ok doc" –nurse

Tapos napatingin sakin yung nurse

"miss? Kakilala mo ba sya?" –nurse

napansin nya pala ako na nakatingin sa loob ng kwarto. Umiling ako sa tanong niya

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon