Chapter 38 *Ambush Make-over*

363 11 1
                                        

Chapter 38 (Ambush Make-over)

"manuod muna tayong sine" –Erick

magkano kaya yung bear? Baka maubos yung pera ko. Pero di naman ako gumastos sa pagkain inabot din ng isang libo yung pagkain namin. Kung gumastos si Erick akala mo walang problema financially.

"my treat?" –Erick

umiling ako. Nakakahiya naman kung pati sa sine ililibre nya pa ako.

"KKB?" –Erick

tapos tumingin ako sa kanya yung tingin na nagtatanong. Ano ba ibig sabihin ng KKB?

"ahahaha! KKB. Kanya kanyang bayad" –Erick

tumango ako ng mabagal yung parang aaahhh... Yun pala yun. Umakyat kami sa movie house tapos pumili ng movie. Nakatingala kami ngayon sa mga poster na nakadisplay.

"anong gusto mo?" –Erick

ano bang gusto ko?

"lets see..Bourne legacy...expendables 2...brave...hhmmm..." -Erick na nakakunot ang noo

"pwede bang.....ito nalang?" -ako sabay turo dun sa horror movie na ang pamagat ay possession

"y...yan? Seryoso ka?" –Erick

tumango ako. Ewan ko kung bakit yun ang pinili ko.

"sige" –Erick

bumili na kami ng ticket tapos nanood.

.

.

"M...Majj...." -Erick na mukhang natatakot pa sa napanood namin. Di naman siya nakakatakot. Nakakadiri lang. Panu ba naman may lumalabas na kamay dun sa bunganga nung babae na bida. Sabi dun true to life story daw yun. Ang weird naman kung totoo nga yun. Tumingin ako kay Erick nanlalaki pa yung mga mata.

"ha..halika na dun sa bear shop" –Erick

tapos hinawakan niya yung braso ko at lumakad na kami

"welcome ma'am, welcome sir!" -babaeng crew

"ah! Nagpacustomize kami kanina. Kukunin na sana namin" –Erick

"ok sir. Sumunod nalang po kayo sakin" - babaeng crew. Sumunod naman kami.

"Sir! Ma'am! Tapos na po siya... Siguradong magugustuhan nyo ang kinalabasan" -yung baklang Crew kanina. Tapos pinakita samin yung finished product

"Astig!" -Erick tapos nakangiti ng malaki ako naman nanlaki ang mga mata at napangiti din. Ang cute ng kinalabasan.

"ok sir?" -Crew tapos nagtwo thumbs up

"ayos!" –Erick

"magkano po?" -ako baka naman kaya maganda yung kinalabasan dahil sa napakamahal nun. Sana swak sa dala kong budget.

"sa cashier nalang po ma'am" -Crew tapos dinala yung Teddy Bears sa counter

"thank you" –Erick

"bagay talaga kayo!" -Crew na bakla tapos umalis na din. Inasikaso yung iba pang costumer

"P3,000 po sir" -cashier.

what? 3,000? Nanlaki yung mga mata ko sa gulat. 3,000 talaga? 2,000 lang ang budget ko tapos nanood pa kami ng sine ni Erick. Anong gagawin ko? Nakakahiya naman to

Hinawakan ko si Erick sa braso sabay hinila ko palayo sa tapat ng cashier

"E...Erick...." -ako. Uutang ba talaga ako? Nakakahiya.

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon