Chapter 5 *Meeting New Friends*

713 16 3
                                    

Chapter 5 (meeting new friends)

--*Majj’s POV(girl duyan)*--

nakaupo na ako sa duyan at hihintay siya sabi ko dito nalang nya ako sunduin sabi niya mga 2 andito na siya pero 2:15 na wala pa sya.

"HEY!!" boy exag habang tumatakbo papalapit sa kin

"hah! Ka...ni...na...ka...pa?" hingal na hingal na sabi nya umiling naman ako kahit ang totoo 20 mins na akong naghihintay 2:20 na eh. Ang sabi niya ipapakilala niya ako sa mga kaibigan nya para madagdagan yung kaibigan ko at saka para experience ko ang teenage life. Di ko nga alam kung teenager pa ako eh pero sabi naman nila mukha daw akong 16 yrs old pero ewan siguro nga

"MANONG! MAY SASAKAY PA HO!" sigaw ni boy exag ayun dahil dun tumigil yung bus tapos pagkatingin ko marami nang nakatayo

Nagcommute kami sumakay kaming bus ang daming nakasakay muntik na nga kaming maiwan ng bus eh kaya medyo tumakbo kami para habulin

"Ladies first. Mauna ka na" - boy exag. Tumango naman ako at umakyat na ang daming tao kaya medyo masikip na tapos may space akong nakita kaya nga lang nakaharang yung isang lalaki na nakatayo gusto ko sanang pumunta dun sa space kaya nga lang ayaw nya akong pasingitin tinignan ko siya tapos napayuko ako kasi parang tinignan nya lang ako ng masama nasa likod ko si boy exag

"tol! Pasingit lang oh. Kung ayaw mo atras ka konti laki ng space sa likod oh" nagulat ako sa sinabi ni boy exag medyo mataas yung boses nya tapos medyo nakatingala yung parang boss ang asta niya. Umatras naman si kuya kaya ayun medyo lumuwag

"salamat" nagpasalamat naman siya pero medyo bossy parin ang dating. Tapos natanaw na namin yung school nila ayun bumaba na kami ang daming tao sa labas tapos pagpasok namin sa gate ang dami lalong tao yung mga babae medyo napapansin ko napapatingin sa kanya tapos parang kinikilig? Nakatingin ako sa kanila at sa reaksyon nila nakatingin talaga sila kay boy exag kaya tinignan ko rin siya baka may dumi yung mukha niya pero wala naman. Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa mukha niya tapos ayun parang naramdaman nya na naman na nakatitig ako sa kanya medyo nagkatitigan kami mata sa mata

"bakit?" tanong nya. Umiling naman ako tapos yumuko na ng biglang may bumangga sakin medyo malakas yung pagkabunggo na muntik na akong matumba pero nahawakan ako agad ni boy exag sa bewang sinalo niya ako

"ok ka lang?" tumango lang ako tapos nilingon niya yung nakabunggo sakin tinignan niya ng masama hawak parin ng kanang kamay niya yung likod ko nakaikot yung braso niya sa likod ko nailang akong konti ang lapit pa ng katawan ko sa kanya. Napansin niyang nakahawak pa rin siya kaya tinanggal nya agad tapos sabay yuko tapos bumilis yung lakad niya

"halika na... Bi... Bilisan natin" - boy exag tumango lang ulit ako

"YUN OH! PATAY KANA!" pabirong sigaw nung isang lalaki na may mga kasama

"HAHAHAHAHAHA!" nagtawanan silang lahat siguro lima sila tatlong babae yung isang babae parang medyo pormang lalake tapos dalawang lalake

"LUL! DRE! HANAP KA NG TRIP MO! Hahahaha!" - boy exag

"ikaw trip ko dre! Tahahaha!" sagot nung lalaking nakaleather jacket

"di tayo talo! Hahahaha" sagot nya

"Nice!" sabi pa nung isang nakaleather jacket tapos nakatingin siya sakin parang pacute na ngiti nahiya tuloy ako kaya napayuko ako tapos nakahakbang ng isa paatras

"mahiyain dre!" sabi nung lalaking nakaleather jacket

"Shet! Pre di sya nahiya natakot lang! Hahahaha!" sabi nung lalaking nakashirt

"ou nga! Ayos kasi mukha!" tumawa silang lahat dun sa sinabi nung babae OP ako di makarelate (?.?)

"hahahahaha! Mukhang maniac ka dre!" biro ni boy exag tapos tumawa ulit silang lahat

"nga pala" sabi niya sabay tingin sakin tumingin din ako

"siya si Erick" sabay turo dun sa nakashirt ngumiti sya sakin medyo ngumiti din ako

"ito si boy chansing" sabay tingin dun sa nakaleather jacket

"dre walng laglagan" sabi nun tawa ulit sila

"deh! Si Chris" ngumiti na naman sya na parang nagpapacute tapos kaway cute naman sya kaya okay lang \(^.^)

"si Girlie kahit di halata" sabay turo dun sa babeng parang tibo

"T*ng ina mo dre!" umamba ng suntok yung babae.. Lalake? Both na nga lang

"Joke lang dre! Hahahaha! Tapos sila super twins.. Si Angie tapos si Ginet" kambal pala sila kaya pala magkamukha

"Helow!" sabay na sabi nung kambal, sabay tingin ng masama kay boy exag lahat sila nakipagkamay sakin nginitian ko silang lahat kahit na medyo tipid na ngiti

"anong pangalan mo?" chorus na naman yung kambal

"ah..." napatingin ako kay boy exag silang lahat naman nakatingin sakin nagaabang ng sagot ko

".....majj yata...." sabay yumuko ako lahat sila nagtaka

"bakit may yata?" sabi ni boy pacute Chris

"di... Di ko kasi alam tunay kong pangalan eh" ayun nakayuko pa rin ako

"ha?" sabay silang lima

"tama na nga! Umikot na tayo sa mga booth" sabi ni boy exag tumingin sya sakin tapos ngiti.

--*Drew's POV (boy exag)*--

pagpasok namin sa school daming nakatingin sakin napansin siguro ni girl duyan kaya napatingin sakin kaya napalingon tuloy ako tapos medyo nagkatitigan. Kakaiba, weird, parang may tumusok sa dibdib parang biglang nagfroze yung puso ko ewan

"bakit?" tanong ko sakanya tapos biglang syang napayuko, parang nailang ako dun sa tinginang yun. may nakabunggo si girl duyan muntik na ngang matumba eh buti nalang nahawakan ko agad yung likod nya na parang nakaakbay pero sa bewang ang hawak at hindi sa balikat. shet! (O.O) Parang may kuryente may ground anu yun? Napatingin ako ng masama dun sa nakabunggo sa kanya ewan ko ba parang nabatrip ako sa pagbunggo niya kay girl duyan

"okay ka lang?" tumango naman sya tapos nakita ko na yung lima at pinakilala ko sya parang natakot nga siya kay Chris eh. Mukha kasing maniac kung ngumiti si gagu eh. Tahahaha! tapos nung napakilala ko na silang lahat siya naman ang tinanong kung anong pangalan niya bago sya nagsalita tumingin muna siya sakin nginitian ko lang siya napaisip siguro siya ng isasagot

"......majj....yata....." majj pala ang pangalan niya tapos ayun nagtanong sila kung bakit parang di sya sigurado ramdam ko na medyo uneasy sya sa mga tanong nila kaya sumingit na ako

"tama na nga! Umikot na tayo sa mga booth" pinutol ko na baka putaktehin pa siya ng tanong nung lima naglibot na kami dun sa ground ng school tumitingin ng mga booth

1st Time Lover's Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon