Chapter 25 (Jealous Girlie)
--*Majj's POV*--
Meron silang 5 guest rooms yung 3 dun may dalawang kama kaya saktong sakto. Kasama ko sa kwarto si Girlie. Humiga na kami pareho, magkahiwalay ang kama namin na medyo malaki ang space na naghihiwalay samin. Nakatalikod sya sakin ako naman nakaharap sa kisame. Nag-iisip ako iniisip ko lang kung wala kaya akong amnesia kakaibiganin kaya nila ako? Kung di siguro ako naaksidente di ko sila makikilala. May kaibigan din kaya akong tulad nila nung bago pa mangyari yung aksidente? May nagustuhan na kaya ako? May naging karelasyon naba ako? Masyado na naman akong nag-iisip dapat nga kung gusto ko talagang malaman lahat ng sagot ko sa mga tanong ko dapat gumagawa ako ng paraan para malaman ko, pero kung gagawin ko yun saan ako magsisimula?
"Majj..." -Girlie "gising ka pa?" -dagdag ni Girlie
"ou" –ako
humarap sakin si Girlie. Kung titignan ko sya sa itsura nya ngayon mukhang hindi pa sya nakakatulog. Siguro may iniisip din sya kaya di pa sya natutulog
"Majj..." –Girlie
"hm?.." –ako
"anu...kase..." –Girlie
nakita ko sya na tumingin din sa kisame mukhang nag-aalilangan syang sabihin sakin yung gusto niyang itanong.
"wag na nga lang" -Girlie. Tapos tumalikod ulit sakin. Ako naman napatingin lang sa kanya. Nagtataka. Anu kayang gusto niyang itanong
"Majj...di mo naman sasabihin sa kahit kanino diba?" -Girlie. Nakatalikod pa rin sakin "kase...si.." dagdag niya. Ako naman nakatingin sa kanya kahit nakatalikod sya sakin"kase si Chris....uhm...sa tingin mo? Sa tingin mo ba may gusto sya sayo?" –Girlie
"huh?!" –ako
nakakapagtaka naman bakit kaya?
"kase..sa nakikita ko iba yung pagtrato niya sayo..parang napaka espesyal mo sa kanya" –Girlie
"Hindi naman siguro" –ako
"may gusto kaba kay Drew? Si Drew ba ang gusto mo?" -Girlie. Nakaharap na sya sakin ngayon tapos nakatitig sakin. Teka bakit nasama si Drew sa usapan at saka bakit kelangan niyang malaman yun. Di bale di ko nalang sasagutin yung tanong niya
"sa nakikita ko kay Chris ganun naman talaga sya sa mga babae hindi ba?" –ako
binalik ko ulit ang usapan kay Chris
"yung iba kasing babae hanggang ganun lang.. Yun bang textmate tapos makikipagdate sya tapos maghahanap ulit..parang wala lang pero ikaw. Parang iba sya pagdating sayo" –Girlie
"bakit mo ba naitanong?" –ako
"kase….” - Girlie
"tomboy ka ba talaga?" –ako
nakakapagtaka lang kasi maganda syang babae pero lalaki pumorma. Pero kung babae sya manamit sigurado akong gugustuhin din siya ni Chris
"di naman talaga ako tomboy" -Girlie. Sabay tingin sa kisame
"ang totoo ginagawa ko to para kay Chris. Ito kasi yung gusto niya. Kaya ginawa ko" –Girlie
gusto ni Chris? Mahilig naman si Chris sa magaganda at sexy bakit naman niya gugustuhing magbihis lalake si Girlie?
“magkakakilala na kami nila Drew at Chris simula bata pa kami pati na rin si Leonn…….. ako lang ang babae sa kanila kaya naging ganito ako dahil na rin sa impluwensya nila, tapos si Chris pressured pa dahil sya lang ang nag-iisang lalaki sa bahay nila kasi ang papa niya laging nasa abroad kaya kahit may dalawa syang nakakatandang kapatid na babae parang sya ang panganay” – Girlie
“Kaya nga ang galling nya mambola eh kasi puro babae kasama niya sa bahay” – Girlie
Parang medyo nagsungit sya dun sa huli niyang sinabi.
“bakit kelangan mong magbihis lalake?” – ako
“sabi niya kasi nagsasawa na sya sa mga babae dahil problema lang daw sila. Sabi niya kung pwede nga lang tama na yung mga babae sa bahay nila wala na daw sanang dumagdag pa. sinabi niya sakin yun. Nung mga panahong yun…….gusto ko na si Chris………..sobra” – Girlie na medyo natatawa. Natatawa siguro siya sa sinasabi niya.
“lahat ng bagay na trip nila sumasali ako, pero sinasabi ni Chris babae daw ako at hindi ko kayang makipagsabayan sa mga trip nila. Kaya minsan di nila ako sinasama. Pero matigas ang ulo ko kaya para di nila ako iwan o hindi ako iwasan ni Chris nagbihis lalaki ako” – Girlie
“sumali ako sa mga inuman nila, sa gimik, sa mga riot, pero parang lalo siyang nainis sakin pero lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya. Ginawa ko ang isang bagay na kahit ako di ko akalaing gagawin ko para lang sa isang lalaki” – dagdag pa ni Girlie
"pero wala e. Parang lalo siyang naiinis sakin tapos araw araw lagi na kaming nagbabangayan. Parang di natatapos ang araw namin ng walang asaran. Pero ayos lang sakin kahit ganun basta kasama ko siya lagi" -Girlie
grabe naman ang sacrifice niya for love. Sinakripisyo niya pati ang pagkababae niya para lang kay Chris tapos si Chris napakamanhid parang di niya nararamdaman yung ginagawang sakripisyo ni Girlie para lang magustuhan din siya nito
"ang sabi mo inis siya sa mga babae bakit babaero siya?" –ako
sa nakikita ko kay Chris hindi naman siya ganun kainis sa mga babae parang tuwang tuwa pa nga siya kapag nakakakita ng babae lalo na kapag maganda at sexy
"di ko rin alam basta simula nung nag-asta akong lalaki parang lagi syang asar tapos parang lagi nang nambababae" –Girlie
“kung gusto mo sya.. hindi ba dapat nag-aayos ka? Dapat magbihis babae ka” - ako
"bakit di ka magbihis babae?" –ako
"bakit naman?" –Girlie
tinignan ko sya kahit nakatalikod sya sakin
"maganda ka naman kasi at sexy pa" –ako
nakita ko kasi yung katawan nya nung nagswimming kami flawless sya tapos flat ang tyan
"maganda? Sexy?" –Girlie
sabay humarap sakin at tinignan ako ng mata sa mata
"oo..di ba mahilig sya sa maganda at sexy.. Siguro kapag nakita ka niyang mag-ayos gugustuhin ka din niya" –ako
Tumahimik si Girlie siguro napaisip sya
.
.
"Majj..." -Girlie tapos tumalikod ulit sakin
"hm?" –ako
"wag mo na sanang ikwento sa kanila yung pinag-usapan natin. Sayo ko lang naikwento ang tungkol dito kasi alam kong di ka naman madaldal" –Girlie
may ganun?
"hm" -ako tapos tumalikod na rin sa kanya tapos pumikit na
"Majj" –Girlie
"hm?" –ako
"wala...ang haba na kasi ng mga sinasabi mo" –Girlie
"ah…" –ako
.
.
"susubukan ko" -Girlie "sige tulog na ako..salamat" dagdag niya. Feeling ko pumikit na sya
"sige" –ako
ano kayang itsura ni Girlie kapag nagbihis babae? Susubukan niya daw. Sigurado ako mabibigla si Chris maganda naman kasi talaga si Girlie
BINABASA MO ANG
1st Time Lover's Amnesia Girl
Fiksi RemajaCOMPLETED leave a comment po for your feedback. I hope you will like my work ( ^.^ )v - - - - - The story is all about a girl name Majj but the big question is, is it really her name? Majj forgets about her past and seems like she doesn't care about...
