Chapter 31 *I Miss Him*

396 9 1
                                        

Chapter 31 (I Miss Him)

Teka may pasok pala ako sa school ngayon. Anung oras naba? 7:56 am? Hays! Kelangan ko na palang maghanda para sa pagpasok! Malapit na finals namin kaya kelangan pumasok ako

pagkatapos kong maligo at magbihis kumuha ako ng dalawang slice ng tinapay tapos umalis na din. Nagcommute ako as usual. Pagkadating ko ng school nakita ko na parang lahat sila nakatingin sa kin. Lahat sila parang hinintay talaga akong dumating

"dre!" nakita ko si Erick tumatakbo papalapit sakin. Teka wag mo sabihing may nabugbog na naman ha

"problema?" - ako. Medyo inis yung pagkakasabi ko. Siya naman medyo hinihingal hingal pa.

"andyan siya" - Erick na mukhang biglang bigla ang itsura

"sino?" – ako

--*Majj POV*--

kanina nagwalkout si Drew pero bakit kaya may nagawa ba ako sa kanya? Bakit parang galit yata sya sa akin? Gusto ko lang naman sana siyang pasalamatan sa pagdala sakin dito. Sinabi kasi nila mama sakin na siya daw ang nagdala sakin dito sa ospital.

--flashback—

"anak...Majj...bakit ba nawalan ka ng malay?" –mama

teka sasagutin ko ba in sentence? Wag na lang? Tinuro ko yung ulo ko

"sumakit ba yung ulo mo?" -mama. Tumango naman ako. Ang naaalala ko nagbabasa ako sa duyan nun tapos may parang kumirot sa ulo ko. Sobrang sakit tapos parang may tumitibok sa ulo ko. Sobrang sakit talaga na nawalan ako ng balanse sa duyan at nahulog ako tapos ayun naging itim na lahat.

"may...may...may naaalala ka na bang kahit ano?" –mama

si papa naman nakatingin lang samin ni mama. May naaalala nga ba ako? Parang meron. Isang...isang lalaki nakita ko yung mukha niya pero blurred

umiling nalang ako sa tanong ni mama

"ganun ba...." –mama

"nasa labas si Drew siguro nahihiyang pumasok dito sa loob... Siya ang nagdala sayo dito" –papa

si Drew pala naghatid sakin dito. Tumayo ako at lumabas para pasalamatan sya pero parang inis siya tapos nagwalkout pa

--end of flashback—

anu kayang problema ni Drew? Sa tanong ni mama kung may naaalala ba ako sa totoo lang wala pa naman talaga kung meron man blurred, malabo ang mukha nung lalaki pero feeling ko nakangiti siya sakin at ganun din ako. Mukhang masaya kami parang magkasundong magkasundo kami pero di ko pa rin makita ang mukha niya. Pero may narinig akong sinabi niya sakin

"sasama kaba? Ilalayo kita sa kanila" sabay yung kamay niya ini-stretch out niya sakin nakabukas ang palad niya na parang hinihintay na hawakan ko ito tapos hinawakan ko din siya at tumakbo kami mukhang gabing gabi na nung nangyari yun kasi madilim.

"aa..Majj.." –mama

tumingin ako sa kanya

"gusto mo ng makakain? Bibili ako ng prutas sa labas?" –mama

umiling ako

"sige..bibili kami ng papa mo maiwan ka na namin? Ok?" –mama

sabay hinila si papa palabas. Teka umiling ako nung tinanong ako ni mama pero bakit lumabas pa rin siya? Sinama pa si papa. Siguro naiilang si mama sa katahimikan ko o kaya tulad ng dati nararamdaman niyang gusto kong mapag-isa. Sabagay gusto ko naman talaga.

Ang tahimik dito sa kwarto. Tumayo ako tapos lumakad papunta sa pinto.

lumakad ako sa hallway di ko alam kung saan ko gustong pumunta pero bigla ko nalang naramdaman na may gusto akong puntahan na nandito sa ospital at heto ngayon ako sa tapat ng kwarto nung lalaking comatose.

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon