Kabanata 1: Summoners

191 5 0
                                    

[Aezelle's POV]

Unbelievable! He clearly knows that he's hot and famous, and he's taking advantage of it.

Lumapit ako sa bintana at nakitang nakatayo ito malapit sa kanyang sasakyan habang kausap si Mr. Chavez, I guess they're talking about sa paglipat niya ng room.

Napairap ako, as if I would die and beg him to stay with me. He's such an ignorant brat.

Except from his personality, he's cool, hot, smart, gorgeously handsome... what's there not to like?

Napalingon ako sa kama niya nung may sunod-sunod na tunog. Looks like nakalimutan niya ang kanyang phone. It won't hurt to take a peek right? Hindi naman sa nagiging chismosa pero curious ako at baka kasi importante...

[+445 67: Are we hanging out later, babe?]

[+453 65: Last night was awesome, looking forward for next time.]

[+473 55: Can you call me?]

Napairap ako at tinapon pabalik sa kama ang phone niya. Iba't ibang number and seriously, he didn't even register their numbers? What a playboy!

"How did I freaking end up in this situation? I will really talk to Tito Xavier– Oh, gosh! Sheez!" Napatalon ako nung aksidente kong nasagi ang lamp niya sa kanyang side table. Natataranta kong pinulot yun and I turned it on but it's not working anymore.

Geez! Wala ako pambayad, yung allowance ko ay sakto lang. I can't even afford to buy new socks especially na nasa dorm ako ay doble gastos na. Can I just pretend that nothing happened? Tama, tama. Hindi naman niya malalaman–

"Ano ang ginawa mo?" Bigla akong namutla nung bumukas ang pinto at narinig ko ang boses niya sa likuran ko.

"N-naihip nung hangin at nalaglag. Haha... nasira." I awkwardly laugh at dahan-dahang naglakad patalikod para hindi ko makita ang mukha niya.

Napalunok ako nung kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Naihip ng hangin? Wow, what a good liar. Nice try, do you know how important this lamp to me? It costs twice than your laptop."

"Babayaran naman kita eh!" Kinakabahan akong napanguso. It took four years for me before I bought my laptop. Baka nga ten years pa bago ko siya mabayaran.

Natatawa niyang iniling ang kanyang ulo at napameywang, "You know what, nevermind! Sisilingin na lang kita sa oras na kailangan ko."

"Pinagsasabi mo? Kasalanan mo rin naman, iniwan-iwan mo ang phone mo. It's an important belonging, you should take it wherever you go!"

"My phone? Paanong nadamay ang phone ko rito? Did you check my phone?" Napatikom ang labi ko. I hate my tongue! Ba't kasi padalos-dalos ako ng desisyon? I'm doomed!

"A-akala ko kasi may urgent text kaya I checked it." Sumilay ang ngisi sa labi niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ginalaw mo ang phone ko at nasagi ang paborito kong lamp and now you're saying that it's my fault? Let me get this to you, the lamp won't be broken if you didn't trespassed my space here," he pointed out the invisible line that aligned with the door. Parang nahahati yung room sa dalawa, sa left side ay akin tas sa right side yung sa kanya. Yung door ang nagsisilbing basehan ng right of way namin.

"Fine, fine! I'm sorry!" I genuinely said. Gusto ko naman talagang mag-sorry, ayoko lang lumaki pa lalo ang ulo niya. Ayaw ko namang matabunan ng suplado niyang personalidad ang kagwapuhan niya.

"Tss," yun lang ang narinig ko sa kanya bago kinuha ang lamp at inilagay sa basurahan.

"Ipa-repair na lang kaya natin?"

"Don't mind it, it'll make me look cheap. Sisingilin na lang kita pagkailangan ko." Kailangan mo? I can't imagine kung ilang years pa yun bago kayo maging pulubi. Baka nga mauuna pa ako.

.

"S-sorry!" Inirapan ako ng babaeng aksidente kong nabunggo at itinutok ulit ang mata ko sa phone.

Nasaan ka na ba, Tess? Kanina pa ako nagt-text, hindi siya nagre-reply.

It's almost ten. Hayst! Sana nagsabi siya kung hindi siya papasok. Kailangan ko na kasing puntahan si Tito  Xavier. Magt-text naman siguro yun kapag wala siyang kasama? Ah, bahala na! Late na ako.

Alas onse pa yung klase ko kaya pupuntahan ko na lang si Tito. May ipapagawa kasi siya.

Hindi ko maiwasang kabahan habang naglalakad na ako papunta sa gym. Alam kong naroroon si Uno. Si Tito Xavier ay ang coach ng Reamwork University basketball team, he's my late Father's best-friend, nagc-coach din kasi noon si Dad.

Ugh, I also need to talk to him regarding sa pagkakaroon ng kaparehong room kay Uno. It's not that I don't want to stay on the same room with him, but it's awkward. Mabuti nga at wala pang nakakaalam na taga-Reamwork, kung hindi ay dudumugin ako ng girls at baka bugbugin.

Napalunok ako nung agad na narinig ang pagtalbog ng bola at nakakangilong tunog ng mga sapatos. Nakayuko akong tumakbo papunta kay Tito na nakaupo sa may bleachers at may hawak na folder. Napalingon ito at unti-unting sumilay ang ngiti sa seryoso niyang mukha.

"Aezelle!" Sinalubong niya ako ng yakap dahilan para bigla kong maramdaman ang paghinto ng Summoners sa pag-training.

"Buti at dumating ka."

"Oo naman, you said you need my help. Sa ano ba yun, Tito?" Nagulat ako nung bigla na lang ako hinila ni Tito papunta sa gitna ng court.

"Summoners!"

"Coach!" Nakaramdam ako ng ilang nung nagsitumpukan ang Summoners sa harapan ko. Pawisan na sila dahilan para mas naging mukhang attractive sila lalo. I never thought na ganito talaga sila kagwapo sa malapitan. Nakita ko si Uno sa gilid na nakahalukipkip at seryosong nakatingin kay Tito.

"She's Aezelle Cabrera, she'll be the one to make your new uniforms. Aezelle, meet the Summoners!" Ako?... ang gagawa? Ba't hindi niya ako na-inform nang mas maaga? Gusto kong mag-panic pero ayaw ko namang masabihan na weirdo.

"Hi, Aezelle!"

"Nice to meet you."

"Hello there, Aez."

"Hi."

I smile and wave at the eight of them. Natutuwa ako nung makitang mukhang mabait silang lahat except sa supladong antipatiko na nagngangalang Uno Navarro.









Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon