[Aezelle's POV]
Pagpasok ko ng room para sa panghapong first period ko ay nagsilingon sa akin ang mga kaklase ko pero mabilis din na nagsi-iwas nung makita si Kishmar.
"Bye," bulong ko at kumaway sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumalikod na.
"Una si Uno tas ngayon si Kishmar."
"Baka next time si Tyler naman."
"Ewan ko nga. Hindi naman maganda."
Matalas talaga pandinig ko. Kahit gaano kahina ang mga boses nila ay dinig na dinig ko pa rin. It's better this way, kesa naman mapapahiya ako ulit sa cafeteria o hindi kaya ay sa hallway.
Bago ako umupo ay tumingin ako sa gawi ni Tess. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin pero mabilis din siyang umiwas at itinuon ang mga mata sa sinusulat.
.
Tahimik ako at kinakabahan habang hinihintay ang mga sasabihin ni Tito Xavier. Isa-isa niyang tiningnan ang mga designs ko at kakailanganin ko ang approval niya.
"Hindi ako makapili, Aezelle. Your works are splendid." Matamis akong ngumiti nung marinig ang pagpuri niya sa mga designs ko.
Napawi ang ngiti ko nung tinawag ni Tito Xavier ang Summoners. It's fine, I already hang out with them but Uno is making me uncomfortable especially with his eyes on me. Pawisan at seryoso siyang nakatingin sa akin. Ginagawa ko naman ang lahat para hindi magtagpo ang mga mata namin.
"Aezelle has eight designs prepared here. Choose the one that your attention catches." Nagsitumpukan sila at inabot mula kay Coach ang mga papel.
Tumikom ang bibig ko nung makita ang pagkunot ng noo ni Uno. Kinakabahan ako na baka wala ni isa sa mga designs ko ang nagustuhan niya.
"Cool!"
"Ito ang atin. Tiyak kong mas hahabulin pa ako ng mga chicks pag ito ang suot ko."
"Huwag yan, mukha akong tutoy."
"Ganda, mala-slamdunk."
Bumungisngis ako habang pinapanood sila. Ang tatag nilang team. Ang close nila sa isa't isa at hindi rin basta-basta ang try-out para sa mga freshmen.
"Baka abutin tayo ng isang linggo niyan." Nakahalukipkip na sabi ni Tito sa kanila nung ilang minuto na silang nagtatalo-talo.
"Ito na lang, nakaka-intimidate tingnan!" Sabi ni Kuya Yvo habang nakaturo sa design ko na kulay purple ang uniform at puti ang neckline.
"Para tayong kontrabida sa anime. Huwag yan!" Sinamaan ng tingin ni Kuya Yvo si Vance dahil sa ginawa nitong pagtutol.
"Anong design ba?"
"Heto! Heto! Tas magpapakulay din ako ng orange para maging kagaya ko si Hinata!" Parang bituin na kumikislap ang mga mata ni Vance at tinaas ang isang papel kung saan kulay orange at itim ang kulay, may mga designs din sa sleeve na moon and stars.
"Ulol! Volleyball ang Haikyuu, basketball ang lalaruin natin!" Nakatanggap siya ng batok mula kay Tyler.
"Ito na lang kasi!"
"Ba't ba palagi kayong nag-aaway?"
"Hindi kayo nakikinig kasi!"
Napailing kaming dalawa ni Tito nung panibagong round na naman ng away ang natutuklasan namin.
"Quiet!" Sigaw ni Tito at agad naman silang tumahimik. Napabuga siya ng hangin at mukhang nas-stress na sa pagiging matigas-ulo ng Summoners.
"Si Griffin na lang ang tatanungin ko, tutal siya lang naman ang may matinong utak sa inyo." Ang buong atensyon ay napatutok kay Griffin na tahimik lang na nakatayo at pinaglalaruan ang bola sa kamay.
"Griffin, what do you think?"
"Pink. I like the pink one." Agad na nagtawanan ang ibang members ng Summoners at umangal.
"Bading yan eh!"
"Putcha, bawas pogi points."
"Ayoko na lang maglaro."
"Shut up, dorks!" Suway ulit ni Tito. Tumingin ako kay Griffin at nakayuko lang siya.
"Why pink?"
"I-i want to wear pink since it's the designer's favorite color. Our uniform should resemble her." Nanlaki ang mga mata ko at laglag ang aking panga. Paano niya nalaman?!
Kita rin ang pagkagulat sa mga mukha ng Summoners. Hindi sila makapaniwalang tumingin kay Griffin. Unti-unting nagsitango ang lahat ng mga members at mukhang aprubado ang desisyon ni Griffin.
"I'll go with pink."
"Aezelle is doing a tough job. We should carry her dignity in our game."
"I agree."
Napangiti ako at tumingin kay Griffin. Nanlaki ang mga mata ko nung mahuli ko siyang nakatingin pero natataranta siyang umiwas at napalunok.
Tumingin ako kay Kishmar at kumibit-balikat siya. Mukhang napansin niya rin.
.
"Close ba kayo ni Griffin?" Tanong sa akin ni Ymar. Katabi ko siyang umupo sa bleachers habang pinapanood ang ibang Summoners na mag-practice.
"Hindi. Never pa kaya kaming nag-usap, kasi mukha siyang hindi approachable at sobrang tahimik."
"Paano niya nalaman ang favorite color mo kung ganoon?"
"Kahit ako ay hindi rin alam. Hindi naman kasi ako open sa mga bagay na paborito ko."
Umaktong parang nag-iisip si Ymar at nanliliit ang mga matang nakatingin kay Griffin na nagpa-practice sa pag-shoot ng bola habang nakatayo sa may 3-point shot lane.
"Hindi kaya... stalker mo siya?"
"What?!" Halos pasigaw na responde ko.
"Yeah, he's your stalker. Malaki ang possibility na stalker mo si Griffin. Isipin mo nang mabuti, hindi pa kayo nag-uusap at walang tao ang nakakaalam ng paborito mong kulay. Kaya sa tingin ko ay binabantayan niya ang bawat galaw mo. Matanong ko nga, ano ang kulay ng kwarto mo?"
"P-pink."
"Phone case?"
"Pink din."
"What about yung paborito mong dress?"
"Pink."
Nagkatinginan kaming dalawa at isa lang ang ibig sabihin nun. Tama siya! Stalker ko nga talaga si Griffin.
"Pero bakit niya naman ako iso-stalk?"
"Dalawa lang yun. It's either baliw na baliw siya sayo at gusto ka niyang maging girlfriend o pinaplano niya nang maigi kung paano ka niya patayin." Napasinghap ako sa huling sinabi niya.
"Just kidding!"
.
Hindi pa rin mawala sa isip ko. Paano? Ako? Stalker ko si Griffin Ortiz? Parang malabo na gusto niya ako... baka naman gusto niya talaga akong patayin? Huhu, kaloka!
"May relasyon ba kayo ni Griffin?"
"Ay!" Napabalikwas ako ng bangon nung makarinig ng boses ilang metro lang mula sa kama ko.
"A-ang weird mo!" Sigaw ko kay Uno. Parang aatakihin ako sa puso. Gabi na at baka maligno kasi.
"Answer me."
"Wala! Eh hindi nga kami nag-uusap nun. Pake mo ba?"
"20,000 pesos. Hindi ko gustong lumapit ka nang dalawang metro kay Griffin o kay Kishmar."
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
Teen Fiction[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...