Kabanata 18: Her Offer

81 5 0
                                    

[Aezelle's POV]

"Magsho-shopping ba tayo?" Tanong ko nung makababa na kami ng mall. Mukha kasing hindi nila aprobado yung porma ko at sana huwag lang, wala kasi akong pambayad. Malaki pa yung utang ko kay Uno at ayokong sumakit pa lalo yung ulo ko.

"Hindi, papagandahin ka lang namin lalo at syempre, need natin ang help ng isang fashion expert," kinindatan ako ni Natalie at agad akong nag-assume sa isip ko kung sino yun.

"S-si Antoinette ba?" Nanlaki ang mga mata ko nung natatawang tumango lang sila. Magpupumiglas pa sana ako pero pilit nila akong tinutulak papasok sa kapehan kung saan sana kami magkikita-kita.

"Kambal!!" Sigaw nila pagkapasok. Lahat ng costumers pati yung mga staffs ng café ay napapatingin sa mga kasamahan ko lalo na yung mga bakla na kung pumorma ay mas maarte pa sa akin.

Napalaglag ang panga ko nung makita si Antoinette. She's shorter than me, she has a cute slender body and flaxen blonde hair like Uno. She's wearing a polka dotted cropped top paired with white plain shorts. Even with simple clothes, she still looks stunning. The Navarro blood is really within her.

Napaangat siya ng tingin at parang kinapos ako sa hininga nung ngumiti siya. Kitang-kita ang malalim niyang dimples. She looks so cute! She's really the female version of Uno Navarro.

"Why were you guys so tagal? You said 35 minutes ago na papunta na kayo," ngumuso siya na parang bata.

Antoinette is just the same age as me but she's childish and has more fashion sense compared to me. Kaya nagmumukha akong matanda dahil losyang ako. Sina Natalie at yung mga bakla ay inakala na ka-age ko si Uno at sina Ymar, but i'm just 15.

"Madami kasing ganap. By the way, Kambal, we brought someone. She's Aezelle Cabrera and she's also your neighbor. Kinuwento ko na siya sayo and you said that you want to meet her."

Hindi pa sana ako aalis sa kinatatayuan ko pero marahan akong tinulak ni Rebecca at George. Biglang lumiwanag ang mukha ni Antoinette at tumayo nung makita ako na siyang ipinagtaka ko.

"B-bakit?–" Nagulat ako nung mahanap ko yung sarili kong kinakaladkad ni Antoinette palabas ng café. Gusto kong magtanong kung saan kami pupunta pero nahihiya ako, so I just let her drag me to wherever hell she's going.

Lumingon ako at nakitang naiwan na namin sina Natalie sa café. "Teka lang, sina Natalie pa." Hindi ito nakinig at mukhang walang pake sa sinabi ko.

Napahingal ako nung tumigil siya sa pagkaladkad sa akin. Tumingin ako sa kanya at bakas ang sobrang excitement sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Magkahawak ang magkabila niyang kamay at nakapangalumbaba.

"You're really Aezelle Cabrera? Yung kapit-bahay namin?" Tumango ako at napatili siya. Gusto kong magtago sa sobrang hiya dahil naaagaw na namin ang attention ng ibang mga tao sa mall.

"You're really gorgeous. Naturally flawless in a good way." Hinawakan niya ang dulo ng kulot kong buhok at napapahanga habang hinahaplos ito.

"I don't think you're seeing me right."

"Right? The eyes of a beholder are never wrong. You just lack confidence and... that's it! Ang ganda ng kulay ng balat mo, ang pagiging natural na pagkakulot ng buhok mo at yung mga mata mo, mapupungay. You're also tall for a 15-year-old, I think you're perfect to be a model." Napalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi.

"M-model? Ako?" Turo ko sa sarili ko at parang aso lang siyang tumango.

"No, no. No way! That's nearly impossible to happen."

"But not completely impossible." Iniling ko ang ulo ko at napabuntong-hininga siya, "well, you don't need to decide now. You can think about it for a few days but for now, gala muna tayo. Nasaan na ba sila?" Inosente niyang inilibot ang tingin at napa-face palm na lang ako. Hindi ba niya ako narinig kanina?

"Look, they are so far from us. Hindi pala sila nakasunod," she squinted her eyes at them who are meters away from us. Natalie is frowning while the gays are busy checking something on Peppa's phone.

"Anyways, you should consider my offer, Aezelle. May training pa naman and I can help you make it through. Pwede kitang papasukin sa modeling agency na pinasukan ko rin. I know a lot of staffs there."

"I-i don't think of considering your offer, Antoinette." Nahihiya man ay prangka ko siyang sinabihan. I know myself better than her and I have negative zero potential when it comes to modeling. I am not attractive and walking in a runway or posing for pictures are not my thing.

"I'll give you days to decide. Huwag ka munang magsalita ng tapos, okay?" Tumango ako at hindi na nakipagtalo. I know she won't back down. Tumingin ako sa kinaroroonan nina Natalie at nakitang malayo pa sila.

"You're Kuya's dorm mate, hindi ba?"

"O-oo."

"Did something happened to him? Nagulat ako nung dumating siya kagabi sa bahay na mainit ang ulo. His room is hella mess." Parang tinusok ang lalamunan ko at nanunuyo ang gilagid ko.

"I-i don't know."

"Really? I thought may alam ka since dorm mate mo si Kuya." Inosente niya akong tiningnan na tila nag-iisip.

I honestly don't know what's wrong with him. Nagtalo kami kahapon at galit nga siya, hindi ko lang makita ang punto niya kung bakit naging ganun yung reaksyon niya nung makita niya akong kasama si Griffin.

"He keeps blubbering about a deal with someone, like na parang hindi tinupad. May kilala ka bang nagkautang kay Kuya?"

"A-ako, may utang ako sa kanya," I told her the reason why and almost everything that lead me having a debt. She gasped after hearing everything.

"Oh my gosh!" Nakatabon ang mga palad nito sa kanyang bibig at halata sa kanyang mga mata na natutuwa siya. Natutuwa ba siyang nahihirapan ako?

"Bakit?"

"You have a reason to be a model! With that natural face and body you have, you can earn big time! Yung sweldo ng mga model ay dalawa o tatlong endorsement ay umaabot ng ₱100,000. I can help your name grow in an instant with my connections inside the fashion industry."

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon