Kabanata 39: This Is Goodbye

54 2 0
                                    

[Aezelle's POV]

"Sobrang daya mo, basketball player ka, e." Reklamo ko kay Griffin. Kanina pa kami naglalaro ng basketball dito sa timezone. Naka-tatlong laro na kami at syempre, siya palagi ang panalo.

"Fair ang laban, basketball coach ang daddy mo." Napanguso ako. "Anong connect? Hindi naman niya ako tinuruan maglaro. Iba na lang kasi para patas yung laban."

Nagkapustahan kami at pipili kami ng isang laro. Kung sino yung may pinakamaraming panalo ay siya raw ang manlilibre ng dinner.

"Mortal Kombat tayo!" Masiglang wika ko nung may isang table na bakante para sa mortal kombat.

"Akin na yung card." Agad ko namang inabot sa kanya ang card pero nalito ako kasi akala ko isu-swipe na niya para makapaglaro kami.

"Hoy, sa'n ka?"

"Bibili ng points."

"Seryoso ka?" Halos hindi makapaniwalang ani ko. Sabi ni Uno ay kuripot daw siya.

"Yeah, umupo ka na roon para hindi tayo maunahan." Tumango ako at sumunod.

Griffin feels normal today. Well, hindi naman sa sinabi kong abnormal siya pero nasanay ako kasi na may pagka-mysterious at halos hindi niya maibuka ang kanyang bibig lalo na at nasa public place kami. I've also noticed that Kishmar and Griffin have a lot in common. Parehos sila na medyo feminine kung pumorma at mas malinis pa sila kesa sa akin. They're also both gentle and quite formal to talk to.

"Let's start?" Tumango ako nung sinauli na niya sa akin ang card para mai-swipe ko na. Napalaglag ang panga ko nung umabot ng isanlibo ang points namin.

"Hindi ba ako namali? Baka dalawang zeros lang." Inilapit ko muli ang mukha ko sa machine para makumpirma ang balance ng points namin pero 1,000 talaga ang nakalagay.

"I hate spending a lot, but I also hate the idea of not giving things you deserve."

"T-thank you." I honestly don't know what to say. Never na umabot ng isang libo o kahit five-hundred ang perang ginagastos ko sa arcade.

"Shall we?" Tumango ako at nagsimula na kaming pumili ng characters namin. Si Scorpion yung gamit ko at yung sa kanya naman ay si Sheeva. Nagsimula na ang round 1 at napatingin ako sa kanya nung magsalita siya.

"Buti naman at pinayagan ka ni Uno. What made him? I know Uno and he's selfish, he hates sharing." Nakatutok lang ang mga mata niya sa screen at yung mga kamay niya ay mabilis kung humawak ng joystick at pagpindot ng mga buttons.

"Nakokonsensya siya... at ako rin, to think na umaasa ka. I want you to hear about my decision at para magkaroon ng closure sa kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin, and then we can maybe start again as friends." Napabitawan ko ang joystick nung matalo ko siya at nung tumingin na ako sa kanya ay doon ko lang napagtanto kung bakit nanalo ako sa first round. Hindi na niya kinkontrol ang kanyang character at naiwan lang siyang nakatitig sa akin.

"You make it sound so easy to do." Napalunok ako at umiwas ng tingin dahil sa kanyang sinabi.

"But i'll eventually get over you, Aez. Not now but maybe soon. Nung una pa lang alam ko nang malabong mapantayan ko ang nararamdaman mo kay Uno pero kinumbinse ako ni Kishmar." Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi bago humarap muli sa screen at nagsimulang pumili ng panibagong character.

"You and Uno deserves each other. Madaming bagay ang kayang gawin para sayo ni Uno na hindi ko kaya. I was never the right guy for you, I couldn't take the risk." Nananatili lang akong tahimik habang pinapakinggan siya. I know that his heart is aching right now pero mas okay na 'to kesa sa papatagalin ko pa at baka mas lalo lang siyang masaktan.

"After this, i'll distance myself from you. Not because i'm upset, but because I want to find myself. I want to learn my lessons and be a better person."

"That's a good thing."

"Yeah," tango niya.

"I'll also help you by maintaining the distance. Hindi man ikaw ang pinili ko but I want you to remember that I never regret those moments that i'm with you... moments where I felt your love. Thank you."

"And I will also forever be grateful to you, Aez. You made me experience different feelings that I never thought I have. Thank you and I guess... this is goodbye."

.

"We both need to keep distance. Para mas mabilis siyang maka-move on." Kinuwento ko lahat kay Uno tungkol sa nangyari sa date namin ni Griffin.

"I'm sorry, I know you're hurt that you needed to stay away from him. Alam kong mahalaga rin sayo si Griffin." Tumango ako. Naiintindihan niya ako and I can't be more happy. He's growing up, adjusting and being more gentle to me.

"This is for the best," mapait akong ngumiti at sinuklian niya ako ng tipid na ngiti. Maingat niya akong hinila at binalot niya ako sa loob ng kanyang braso. "I'm so proud of you," bulong niya habang hinahagod ang buhok ko. "I love you, Uno, and i'm willing to be your girlfriend."

Hindi siya sumagot pero humigpit lang ang yakap niya sa akin. "I love you two billion times more than you love yourself. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting boyfriend para sayo." Sumiksik ako sa dibdib niya at tumugon sa kanyang yakap... feels like home to me.

.

"Tito Xavier? Anong ginagawa mo rito?" Kakagaling ko lang ng grocery at nagulat ako nung maabutan ko si Tito Xavier sa loob ng kwarto namin ni Nette at mukhang hinihintay niya ako.

"We need to talk about your Mother and... your sister." Ipinilig ko ang ulo ko at mabilis na umiba ang mood ko nung marinig ang salitang 'sister'.

"I've talked to Josefina and-"

"No, Tito, there will be no talking about the two of them. They made my life twice harder after my Father died. So, please huwag na natin silang pag-usapan." Tumalikod ako at nilapag sa mesa ang mga pinamili ko. Narinig ko ang mabigat na buntong-hininga ni Tito mula sa aking likod.

"Then make it three times more easier. Hindi ka makakatakbo habang buhay, Aezelle. So, please do it for your Father at least."

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon