[Aezelle's POV]
Napanguso ako para pigilan ang aking pagngiti habang nakatingin sa kotse ni Uno na dahan-dahan niyang ipinaparada sa aking harapan.
"Good morning," nakangiting bati niya sa akin matapos makalabas ng sasakyan niya.
"Good morning," bati ko pabalik bago pumasok sa front seat nung pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Kailan mo ipapaayos ang mga gulong ko?"
"Depende." Napakunot ang noo ko na siyang ikinangisi niya. "Hoy, anong depende?"
"Hindi mo naman ako boyfriend para magpaayos ng gulong mo, duh."
Did I just heard him say 'duh'?
"May I just remind you na ikaw yung nag-displace ng mga gulong ko, Mr. Navarro."
Makalolokong tumingin siya sa daan habang nagmamaneho. "Really? Nakita mo ba? May ebidensya ka?" Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Sabi mo kagabi-"
"I offered to drive you to school last night. Hindi ko maalalang sinabi ko na ako yung sumira ng kotse mo."
Napanguso ako. Tss, ang galing talaga niyang makahanap ng lusot. He's a weird suitor. Displacing my wheels just to ride with him... ibang klase.
"Fine, ako na lang-"
"Pero dahil gwapo at sobrang bait ng manliligaw mo, ipapaayos ko na."
Ba't parang ipinaparating pa niya na utang na loob ko pa? Tumingin ako kay Uno at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa masigla niyang mukha habang nagd-drive.
"Saan ka? I thought your room is in that building."
"Mamaya pa ang klase namin, pupunta akong library para mag-review. Akin na," turo ko sa pink kong bag na dala-dala niya.
"No, ihahatid na kita." Tanggi niya at iniwas ang bag ko mula sa aking pagkakahawak.
"Mali-late ka kung ihahatid mo pa ako. Nasa kabilang side pa ng school ang library." Pamimilit ko. Ang hirap namang pilitin ang isang 'to.
"That's why I want to walk you there. Ang layo-layo tas ang bigat pa ng bag mo. Hindi pa nagsisimula ang klase, maasim ka na." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ako? Maasim?
"Ang harsh mo!"
.
"Aez," tumigil ako sa pagbabasa at iniangat ko ang aking tingin. Nalito ako at nagulat nung makita si Kishmar dito sa library. Akala ko busy ngayon ang Student Council Officers.
"Bakit?"
"I need to talk to you."
"Sure-" Agad niya akong hinatak papunta sa pinakasulok ng library, siguro para hindi kami marinig ng librarian.
"Hmm? What's up?" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga nung humarap siya sa akin.
Bigla akong nagtaka nung makita ang nag-aalalang ekpresyon niya. He looks uneasy as he starts to ruffle his hair as a sign of frustration.
"Why are you letting Uno to court you? Akala ko nagkaintindihan na tayo." Napalunok ako dahil mukhang galit siya.
"W-what are you saying, Ymar?"
"You said you'll fall for Griffin. You even agreed with me when I said that he's better than Uno. Aezelle, yung kaibigan ko, umasa. Umasa siya na idededma mo na si Uno para sa kanya. Uno wasn't treating you right. Ni ilang araw ka nga niyang hindi pinapansin tas isang salita lang mula sa kanya nahulog ka na ulit agad." Parang mababawian ako ng hininga. I never seen him getting mad with me. My heart is racing as I looked at him with mixed confusion and fear.
"I thought you were different. Akala ko sasaya na ulit si Griffin dahil sa pinakaunang beses, may pumili sa kanya pero si Uno... si Uno pa rin palagi. Griffin is better than him but why Uno?" He looks so exasperated. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kanyang mga kilay.
"Sagutin mo ako, Aez. Bakit si Uno?"
"W-wala akong pinipili, Ymar-"
"Bullshit!" Napatalon ako at ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko.
He just cussed at me. Hindi ganito si Ymar. He never cuss nor yelled at me. He's fuming mad and I can't help but to be guilty as his words are all true.
"Maging prangka ka nga, Aezelle. Naging okay lang kayo ni Uno, hindi mo na inaalala si Griffin. Simula nung ligawan ka na ni Uno, ni kamusta man lang kay Griffin hindi mo na nagagawa. Is he just a crying shoulder to you? Kailan mo itutupad ang pangako mong pupunta kayo sa timezone? Kapag nag-away kayo ulit ni Uno?"
I was too stunned to speak. Yeah, I did promised to him na pupunta kaming timezone pagkatapos ng exam, and the exam already ended... I literally forgot.
"I thought you were different than the other girls, Aez... but it looks like you're starting to be like them." Disappointment flash through his eyes and my heart aches because of guilt.
Bumuntong-hininga siya at napayuko. "Talk to Griffin, Aez-"
"It's Elle. You're not calling me by my nickname anymore, Ymar. Simula nung ligawan ako ni Uno, hindi na Elle ang tawag mo sa akin. Nung nakaraan pa pala yung problemang kinikimkim ninyo ni Griffin, hindi niyo ako sinabihan kaagad-"
"You're too naive! Naghihintay kami na ikaw mismo ang makapansin. Well, hindi mo nga naman mapapansin kasi nasa kay Uno ang buong atensyon. I thought you're our muse... our innocent muse but I guess you're starting to turn into just somebody's girlfriend."
Napalunok ako at buong lakas akong tumingin sa kanyang mga mata. "You said i'm your friend, that we're best of friends pero parang hindi mo ako kilala. You know how hard it is for me to say no to anyone. My life doesn't revolve around the Summoners. I have studies and other obligations. Hindi pwede na kay Uno lang at Griffin ang time ko. Hindi ko sinabi na mamahalin ko si Griffin kahit ayaw ng puso ko. Kung gusto niya talaga ako, he'll pursue me just like Uno. Gusto niya ako pero aatras na agad siya dahil lang may manliligaw ako. Ni hindi pa nga nagsisimula ang laban. I don't need someone who is coward enough to hide."
Naging mainitin noon ang ulo ni Uno at sinubukan niya akong saktan dahil sa selos but I understand, he was confused for having foreign feelings and now that he has confirmed that it is really love he's actually feeling, he's doing his best to take care of me and make me feel his love. He's not running away from anything.
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
Teen Fiction[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...