Kabanata 30: I Want It Now

56 3 0
                                    

[Aezelle's POV]

Seryoso ba siya? First time kong bumili ng mamahalin na inumin and it costed three-fourth of my allowance. Hayst! Ba't ba nasali ako sa grupo ng mga mayayaman? 'Di ko keri ang mga binibili nila. Four Seasons na juice drink? Sina Katy Perry at Stephen Curry lang ang nakikita kong umiinom nito, e.

Mabigat ang dibdib na inabot ko na yung pera ko sa cashier para mapuntahan ko na agad si Randall. Mabilis pa namang
mainip ang isang yun, baka masakal na naman ulit ako.

Paglabas ko ng convenience store ay agad akong napaatras nung may mga taong hindi ko inaasahang nakaabang sa akin.

"The bitch is here, holding Randall's favorite drink." Cassie's stone cold face stood before me. I went pale to see her with her cousin, Trice and my bestfriend, Tess.

Napayuko ako and I was about to ignore them but Cassie stopped me. "There will be no Uno nor any Summoners to defend you." Napalunok ako at bakas sa mukha ko ang pagkatakot. They will either hurt me physically or expel me from this city at alam ko na wala akong kalaban-laban sa kanila.

"Bring her, girls." Naghaharumentado ang puso ko sa kaba nung bigla na lang akong hawakan nina Trice at Tess sa magkabilang pulupulsuhan ko.

"A-ano ang gagawin niyo? Bitawan niyo ako." Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya ang lakas nilang dalawa. Napangiwi ako nung bumaon ang mahahabang mga kuko ni Trice sa balat ko.

Hinila nila ako papunta sa likod ng convenience store. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Sasaktan nila ako!" Umiiyak na sigaw ko at ang iilang mga tao ay napatingin sa akin. They look so worried and was about to help me but they automatically took a step back after seeing Cassie Villaflor.

Is that it? Is that the only thing that matters? Fame, physical appearance, and money... is that the only thing they can see between me and Cassie Villaflor? Is that why they didn't offered help?

I was crying as I let them whatever damn thing they want to do with me... as if may magagawa pa ako. I've always been like this, a dumb loser in life who needs other people for protection.

Mahina akong napadaing sa sakit nung napadausdos ang pwetan ko sa sahig matapos akong itulak ni Tess... of all people.

Parang natigilan ako sa paghinga nung makita ko ang piercing sa kanyang labi at sobrang pula rin ng lipstick niya. Hindi ito ang Tess na nakilala ko. Tess hates to look like a cougar but now she's becoming one of them. She's now a clout chaser... I never thought she'd be like this.

"What are you planning?" Pinigilan kong umutal pero nanginginig pa rin ang labi ko.

Trice squatted in front of me. "Why don't you take a guess... bitch," she hit me in the head before grabbing a handful of my hair strands. Nakahawak ako sa kanyang kamay habang pilit na pinapalayo ang ulo ko. Binigyan niya ako ng matalim na mga tingin dahil akala niya ay hindi ako gagalaw at hahayaan ang sarili kong mabugbog sarado.

Binitawan niya ang buhok ko pero hindi ko inaasahang may kapalit iyun na sampal. Hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa niya at malakas niya akong tinulak sa magkabilang braso ko dahilan para mapahiga ako at mabunggo ang ulo ko sa sahig.

"You think you can just get all the guys you want? I don't think so."

"Ah!" Malakas akong napadaing nung parang bola niya akong sinipa sa may tiyan. Hindi pa siya nakuntento at sunod-sunod niya akong sinipa sa iba't ibang parte ng katawan ko hanggang sa nakisali na rin si Cassie.

It felt painful... I felt so much pain, both physically and mentally but as soon as I started closing my eyes, my body went numb. Ang mga sipa nila ay parang cotton lang sa sobrang gaan, hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kanilang mga paa. Napamulat din ako nung makarinig ng mga singhap.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o nasa purgatoryo na ako. I saw Randall standing few meters from me with his eyes burning in anguish as he looked at the two girls that got me into this hellish situation... hindi na mahanap ng mga mata ko si Tess at hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Randall's sight starts shifting towards me and he went pale after seeing the position that i'm in. I grinned like an idiot, it's funny to see someone who is so rude and cold being worried.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil unti-unti nang umikot at lumabo ang mga tingin ko.

.

"Iangat mo nang kaunti, Aezelle." Sinunod ko ang payo ng kapatid ko na si Joyce, dalawang taon ang tanda niya sa akin.

Inangat ko ang camera na bagong bigay sa akin ni Dad. Ngumiti kaming dalawa sa camera bago ko pinindot iyun at kasabay nun ang pag-flash.

"Patingin!"

"Teka lang." Nag-swipe ako at tiningnan ang larawan naming dalawa sa camera. Napangiti ako dahil maganda ang quality ng litrato.

Napaangat ako ng tingin nung makarinig ng pamilyar na boses. Dali-dali kong inabot ang camera ko kay Joyce bago tumakbo papunta kay Dad nung makapasok na siya ng gate.

He was out of town for a week because of a basketball clinic. He was holding a huge bag which I know has dozens of balls inside.

"How's the trip, Dad?" I asked him after he took me into his arms, letting all his things drop just to carry me comfortably.

"Dad met a lot of new guys, yung iba ay kaedad mo. Mmm, na-miss ko ang bunso ko." Napahagikhik ako habang pinapaulanan niya ako ng halik sa leeg na nagpapakiliti sa akin.

Natigilan kami nung makarinig ng malakas na kulog. "Where's Joyce?"

Tumingin ako sa puno kung saan kami naglalaro kanina at wala na siya roon. "Baka nasa loob."

"Get inside the house. Baka may bagyo." Tumango ako at sumunod na. Pagbukas ko ng pinto ay napaupo ako sa sahig nung biglang lumabas si Joyce na tumatakbo nang sobrang bilis papunta kay Dad.

"Daddy, where is my ice cream? You promised you will buy me some."

"Daddy forgot, but i'll buy you tomorrow. Now, get inside."

"No!" Panay dabog ng kapatid ko at maya-maya pa ay dumating din si Mom. "Joyce, sundin mo na ang utos ng Daddy mo. Bukas na lang kayo bumili ng ice cream, isama niyo na rin si Aezelle."

"No, I want it now! Kung ako ang hihingi, palaging delayed pero kapag si Aezelle ang nanghingi, instant agad. Pareho lang naman kaming anak mo, ah? Pero ba't ang gusto lang ni Aezelle ang laging nasusunod?" Napaawang ang labi ko dahil sa bulalas ni Joyce. Hindi ko inaakalang masama ang loob niya sa akin dahil palagi ako ang inuuna ni Dad.

"Joyce, stop being a brat. Your Father needs to rest." Suway sa kanya ni Mom.

"No, it's fine. Malapit lang naman ang convenience store, e. Now, I want the both of you to get inside the house as I buy some ice creams for Joyce."

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon