[Aezelle's POV]
"Uno, sino ang nandiyan?" Tanong ko at napalingon siya sa akin.
"You should get some rest-"
"Aezelle, anak." Mabilis na napaatras si Uno nung nagpumilit na makapasok ang isang taong hindi ko inaasahang dadalaw sa akin. "M-mom, ano ang ginagawa niyo rito?" Naguluhan ako nung nag-aalala siyang lumapit sa akin.
"Aezelle... sa labas lang ako." Tumango ako kay Uno nung nagpaalam na siya.
"I heard you were hurt."
"Yeah... I am, I don't understand how it affects you."
"You're my daughter-"
"You only have one daughter and it's not me. Aminin mo na lang kasi, Mom, nasasarapan kang makita akong masaktan. You want to get even with me for all the blame I threw at your precious favorite daughter." Napalunok ako nung bahagyang pumiyok ang boses ko.
After Dad died from a car crash because of the typhoon, I blamed my sister for it. She's an insecure brat, she wanted to have it all. Mas mahal ako ni Dad dahil nakita niyang mas mahal ni Mom si Ate Joyce. She's selfish and when I blamed her, Mom backfire me. She blamed me for being Dad's favorite and it triggers my sister's insecurity. Huh, she just can't find any faults if it is Ate Joyce we're talking about.
"Aezelle, this is not about your Father's death anymore-"
"Really? Then why isn't she here? Nasaan si Ate Joyce? Bakit hindi siya bumisita? Nakonsensya pa rin ba siya sa ginawa niya-"
"It's not your sister's fault, Aezelle!"
"Then sino ang dapat sisihin? Ako?" Napalunok ako at sunod-sunod nang pumatak ang luha ko nung bigla siyang tumahimik.
All this time... ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkawala ni Daddy. "Umalis ka na. Get out of my sight."
"Aezelle-"
"Please, Mom, gusto kong magpahinga." Humihikbing sambit ko bago humiga na at nagtaklob ng kumot.
.
"Dahan-dahan lang." Uno chuckled as he was holding my back, so I can walk properly. Natatawa rin akong napapadaing dahil sa sakit ng katawan ko pero panay biro niya.
"Shouldn't you be in school? Uno, you shouldn't skip school."
"Napasa ko na yung mga kailangan kong ipasa, huwag mo na akong alalahin tsaka... kahit nasa school ako ay kalagayan mo pa rin ang iniisip ko."
"Liar," nakangusong sabat ko pero pigil na pigil akong ngumiti. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
"By the way, kamusta ang pag-uusap ninyo ni Tita Josefa?" Binasa ko ang pang-ibabang labi ko nung mag-open up si Uno ng topic tungkol sa ina ko. Kagabi, after my Mom left, the Summoners went inside my room but didn't bother to ask. Alam kong naa-awkwardan lang sila siguro at base sa mukha ko kagabi, alam nilang may problema sa naging pag-uusap namin ni Mom.
"You don't need to answer. Want some banana cereals-"
"She still blames me for what happened to my Dad," mapait kong tugon bago umupo sa mga benches sa hardin ng ospital.
"It's okay, i'm listening." Napabuga ako ng mabigat na hininga at nararamdaman ko na ang mga luha kong nangingilid sa aking mga mata.
"It feels so unfair. My sister forced our Dad to buy a stupid ice cream kahit na alam niyang may bagyo. Siya yung nagpumilit, siya yung rason kung bakit nangyari iyun kay Dad, and Mom... she keeps pushing that if I wasn't a brat to Dad, hindi ako magiging paborito... hindi maiinggit sa akin si Ate Joyce." Mapakla akong napatawa at tumangla bago ko pinunasan ang mga luha ko.
"Yeah, that is so not fair. Your Mom is taking side, she's acting blind. Maybe that's the reason why you left home."
"Yun nga... may pera naman ako, e. Malaki yung iniwan na pera sa akin ni Dad." Umupo siya sa tabi ko at hindi ko maiwasang mapapikit sa sobrang tahimik. Ang ihip lang ng hangin na nagpapasayaw sa mga puno ang tanging musika na naririnig ko.
"Tita Josefa... alam mo pala ang pangalan ni Mom."
"I know that because she's Coach Denise's wife. Hindi ko lang inaakala na may bunso pala silang anak." Nahihiya siyang napakamot sa kanyang ulo.
"Really? So, kilala mo si Ate Joyce?"
"We were playmates." Napaawang ang labi ko at pinanliitan ko siya ng aking mga mata at halos mapatawa na ako dahil sa mukha niyang natataranta. "W-well, we used to be. Matagal na iyun at hindi naman kita makikilala kasi hindi ka naman masyadong lumalabas sa bahay niyo." Mabilis at hinihingal niyang depensa.
"Talaga? Sa buong 17 years mo rito sa mundo, ni isang beses hindi mo ako nakita na sumisilip sa bintana ng kwarto mo? Ang galing mo naman, Uno." Sarkastiko akong pumalakpak nang nakangisi. Pinapakita ko lang sa kanya na hindi ako apektado... medyo lang, mga 100% lang naman.
"Wait, sumisilip ka sa kwarto ko?"
"H-huh?" Natigilan ako. Nasabi ko ba? Did I really let those words slipped from my tongue?
"Gosh, what a perv." Ngumingisi siyang tumangla at maya-maya panay tawa na niya.
"N-no, no! That's not what I meant. Yung sa akin, magkaharap ang bintana ng kwarto natin. Ni hindi mo lang ba ako napansin mula roon?" Napalunok ako dahil sa aking inirason. Keep your cool, Aez, para hindi niya mahalata na sumisilip ka sa binata niya para panoorin siyang magbihis.
"I don't like windows. Si Dad yung nagpumilit na maglagay ng bintana sa kwarto. Hmm, now i'm excited to go home."
"So? Umuwi ka." Magkasalubong ang kilay kong sabat. Why is he here anyway? I can handle myself. May mga doctors and nurses naman.
"No, I mean... excited akong umuwi na alam ko na ngayon na kapit-bahay kita."
Ngumiti ako bago napayuko. "I don't think I can go back home, Uno."
"Hindi na ba maaayos pa yung problema niyo?"
"Kahit gusto kong maging maayos na kami nina Ate Joyce at Mommy, hindi pa rin iyun magwo-workout dahil habang buhay akong sisisihin ni Mom." Tumatango-tango siya at alam kong naiintindihan niya ako.
"Kung ano man ang maging desisyon mo, nandito lang ako."
"Parang boyfriend, ah."
"Doon din naman tayo papunta."
"Sure ka?" Napatawa ako nung ngumuso siya na parang tuta.
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
أدب المراهقين[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...