Kabanata 35: Junjun

49 2 0
                                    

[Aezelle's POV]

"SUMMONERS! SUMMONERS! SUMMONERS! REAMWORK SUMMONERS!"

"SERPENTS! SERPENTS! SERPENTS! EMPIRE SERPENTS!"

Malapad ang ngiting tinatabunan ko ang magkabilang tenga ko dahil sa umaapaw na ingay na nagmumula sa gym. Inter-high na ngayong araw at sa dami ng sports, basketball talaga yung pinakahinihintay ng lahat.

Well, sino ba naman ang hindi maaatat na manood? Back-to-back champion ang Summoners at thrilling dahil baka matalo sila at ang Empire High naman ang hahari o mananalo sila ulit at alam kong malaking celebration agad ang mangyayari.

Super special ang inter-high dahil last year na lang nina Kuya Yvo at Faxton dito sa Reamwork. I'm quite sad, time really flies fast. Parang kahapon lang nung makilala ko silang lahat nang harap-harapan.

"VANCE, LODI BOI!"

"YVO HALL, GALINGAN MO!"

"TYLER, STRIP FOR ME!"

"CONTROL THE GAME, GRIFFIN!"

"KISHMAR, WE LOVE YOU!"

"SAYONG-SAYO AKO, RANDALL MY LOVES!"

"FAXTON, NUMBER 1 FAN MO AKO!"

"What a bunch of hoes," dinig kong reklamo ni Antoinette sabay irap sa mga nagsisigawan pero hindi siya pinansin ng mga ito.

Kahit nasa bleachers ako ay damang-dama ko ang pagpintig ng mga puso ng bawat players, even yung puso ni Tito Xavier.

Isa-isa silang lumabas mula sa locker room at agad na hinanap ng mga mata ko si Uno pero hindi ko siya makita.

"ORUS! ORUS! ORUS! ORUS!"

Kahit yung Empire High ay sumali rin sa chant sa pangalan ni Uno nung lumabas siya sa locker room at natatarantang tinali ang shoelace niya.

"ORUS! ORUS! ORUS!" Pakikisali rin namin ni Antoinette. He's the crowd's MVP afterall. Tumingin ako kay Antoinette at kahit hindi niya man sabihin ay kita ko kung gaano siya ka-proud kay Uno.

Nung magsimula ang laro, unang pumasok ay sina Uno, Griffin, Randall, Tyler, at si Kuya Yvo na siyang rebounder. Napahiyaw kami at hindi ko maiwasang mataranta nung nakuha agad ng kalaban ang bola at walang kahirap-hirap silang nakapuntos.

Nakatutok ang mga mata ko kay Uno at pinanliitan ko siya ng mga mata dahil hindi man lang siya nakitaan ng kaba. Ni hindi nga siya nagbalak pa na agawin ang bola.

REAMWORK - 4
EMPIRE - 11

Malaki yung abanse ng kalaban pero si Uno... haysst, paano ba niya nagagawang tumayo nang sobrang chill lang at nakahawak pa sa kanyang bewang? Kita ko ang sobrang pressure sa mukha ni Kuya Yvo habang si Randall naman ay nagsisimula pa lang ang laro ay mukhang pikon na.

"Ano ba yan si Kuya!" Si Antoinette naman ang naiinis sa ginagawa niya pero ako... nagtataka.

Kilala ko si Uno... alam ko kung gaano siya ka-competitive, lalo na sa basketball.

Reamwork - 8
Empire - 13

Pinisil ko ang palad ko dahil sa kaba. I was secretly praying na makahabol sila, first quarter pa lang naman pero iba talaga kung malaki yung abanse nila para mahirapan ang kalaban sa paghabol.

Unti-unti na akong kumalma nung humingi si Tito Xavier ng time out at nakita ko si Uno na nilapitan si Griffin. Griffin is explaining something and Uno just keeps nodding his head seriously. He's obviously taking into account the words Griffin said.

Griffin can manipulate the flow of their game as long as every members cooperate.

Reamwork - 32
Empire - 33

"ZERO! ZERO! ZERO! ZERO!" Sigaw ng lahat nung pumasok na si Vance sa laro at hindi ko maiwasang mapangisi. I don't think anyone from the Empire can handle Vance's energy.

Sabay kaming napatawa ni Antoinette nung maagaw ng kalaban ang bola pero agad namang nabawi ulit ni Vance. Sobrang bilis siyang tumakbo papunta sa frontcourt at pinasa iyun ni Uno. Napatayo ako at napapalakpak nung ma-shoot niya iyun nang three points.

Thrilling ang laban dahil magkadikit lang yung puntos nila, parang nanginginig ang kalamnan ko nung pumasok na sa wakas yung reigning Mythical Five ng Summoners na sina Yvo, Uno, Vance, Randall, at Faxton.

Reamwork - 57
Empire - 52

Abanse sila ng limang puntos pero hindi iyun rason para maging kampante sila.

"Tignan mo, ang tangkad-tangkad pero hindi naman marunong mag-shoot ng bola." Bumulong sa akin si Antoinette habang nakaturo sa rebounder ng Serpents. Naka-headband siya na kulay puti at mahaba ang kanyang buhok.

"Kanina pa siya nagf-free throw, kinukuhanan niya ng foul sina Vance at Faxton." Reklamo ko habang pinapanood sina Vance at Faxton na nagbubulungan habang nakakamot sa kanilang ulo.

"That's gross, they're playing dirty."

"No, I don't think so. Yung rebounder nila, mukhang freshman." Kita ko ang pamumutla sa mukha ng rebounder ng kalaban, mukhang baguhan din at mukhang unang competition niya 'to.

"Oh, no, here he comes."

"Sino?"

"JUNJUN! JUNJUN! JUNJUN! JUNJUN!"

Napalaglag ang panga ko nung makitang pumasok ang isang point guard ng kalaban. Mas maliit pa siya kay Vance at sobrang itim niya... well, i'm black pero yung pagkaitim niya, nakakadiri. Yung mga adik na nakikita mo sa kanto, parang ganoon siya.

Parang nasusuka ako nung makita ko ang mukha niya. Sobrang laki ng butas ng mga ilong niya at yung labi niya, sobrang kapal na parang tinusukan ng petroleum jelly.

"I never heard of him."

"Nakita ko na noon kung paano maglaro ang Empire Serpents, they're just an average basketball team hanggang sa pumasok yung point guard nila. Parehos sila ng energy ni Vance pero mas mabilis nga lang siyang tumakbo at three-point shooter din."

"You think they stand a chance against them?" I asked her and I got nervous when she just shrugged.

Paktay, 50/50. Hayyst, ba't ba kasi pinapasok pa ang dewendeng 'yun?

Reamwork -61
Empire - 69

Come on, come on! Third quarter na at hindi pa sila lubusang nakakahabol. Please, Summoners, do something!

Napaupo kami ni Antoinette at hindi maiwasang kabahan nung mag-call ng time out si Tito Xavier.

Pawisan na si Tito at nakahawak sa kanyang bewang habang kinakausap ang Summoners. Bigla akong nag-alala dahil base sa posture at mukha ni Tito ay sinisigawan niya si Uno. Nakayuko lang si Uno na namumula ang mukha at leeg dahil siguro sa init at kaba. Tinuro ni Tito si Griffin at mabilis namang tumayo ito habang si Uno yung pumalit sa kanya sa bench.

"Why don't you go talk to your suitor? Kanina pa sablay yung mga tira niya."

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon