Kabanata 13: Unworthy

106 4 0
                                    

[Aezelle's POV]

Mabilis na umatras at lumayo sa akin si Griffin. Nakarinig ako ng bola kaya tumingin ako sa ibang members ng Summoners at isa-isa na silang bumaba ng bleachers.

"Salamat, Aezelle."

"Walang kaso, Tito." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang gamit ko. Nagpaalam na ako sa Summoners at natutuwang kumaway naman sila sa akin.

"Ingat, Aez!"

"Maraming Salamat!"

"Ganda ng uniform!"

"See you around!"

Bago ako lumabas ng gymnasium ay nangilabot ako sa mga tingin na binibigay sa akin ni Uno.

.

"Can we talk?" Nagmamakaawa ang mga matang tanong ko habang nakahawak sa pulupulsuhan niya.

Nagsalubong ang kilay niya at bakas ang irita sa kanyang buong mukha. Mabilis niyang binawi ang kanyang braso sa pagkakahawak ko at umatras.

"I don't need to talk with someone who is too selfish. Tantanan mo na ako, I will never be your friend again!" Napatulo ang luha ko pero hindi ako nagpadala.

"Please, Tess. I'm sorry, ano ba ang pwede kong gawin? Nagsisisi naman ako ah, nakikita mo naman yun siguro."

"You know what, dahil sa nangyari, I proved something... and that is, you're not worthy to be my friend. Hindi ko nga maisip kung bakit ilang taon akong nagtiis sayo, sa isang nobody na kagaya mo!" Umaalingawngaw na sigaw niya. Nanaliliksik ang mga mata niya at nakakuyom ang mga palad. Ibang mga estudyante ay napapahinto dahil sa nangyayari.

Napayuko ako at napahikbi. Ba't nga pinipilit ko ang isang nobody na kagaya ko? She's better off without me. She's shining now that i'm not her friend anymore.

"Alam mo, Tess..." Inangat ko ang aking tingin sa kanya at pilit na ngumiti kahit hindi ko na mapigil-pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko.

"... sobrang swerte ko na naging kaibigan kita. Ikaw ang tanging tao na nakaalala at nagtiyaga nung mawala si Dad. I'm sorry to be nothing but a nuisance to you in our six years of friendship. Salamat sa lahat-lahat. You can enjoy your life the way you want to, hinding-hindi na kita didisturbuhin."

Laglag ang balikat at matamlay na akong tumalikod. Naglakad na ako papalayo sa kanya; hindi alam kung saan papunta. I was walking unconsciously, my heart and mind feels so heavy that I don't have any motivation to get into class kung saan magkikita kami ni Tess.

Six years of friendship... nakakatawa. Anim na taong nagtimpi sa akin si Tess.

Napatigil ako sa paglalakad at napasandal sa pader ng English Building dahil sa pagod. Napaupo ako at napahagulgol, pagod na ako. I don't think I have enough reason to live. Dad is dead, I lost my best-friend and my ex cheated on me last year... what a great life I have.

"Hey," napaangat ako ng tingin nung makarinig ng boses. Napaawang ang labi ko nung makita si Griffin. Hinagis niya sa akin ang isang can ng soda na tumama sa kandungan ko.

Umupo siya katabi ko at binuksan ang kanyang soda. Hindi ako nagsalita at ininom din ang bigay niya.

"You shouldn't force yourself to someone who is unworthy." Halos pabulong na sambit niya.

"I am the unworthy one... unworthy to be her friend."

"No, you're not."

"If i'm not unworthy, then why does everyone keep leaving me?"

"Hindi naman basehan kung gaano kadami ang kaibigan mo para masabi na worthy ka. Umalis sila dahil siguro... yun ang dapat." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko gaano makita ang kanyang mata dahil nakayuko siya at natatakpan ito ng kanyang buhok.

"You think worthy ka?" I asked. He has friends but he seemed lonely most of the time.

"Yeah... dahil mahal ko ang sarili ko."

"What about the Summoners? They see you as their friends but you don't hang out with them that often."

"Kailangan kong isanay ang sarili ko na mag-isa. No one is permanent, the more you hold unto someone, the painful it is to let go when that time comes."

He's right. Siguro hindi ko dapat kailangang pilitin ang mga bagay na hindi pwede. I should just let things happen when it does.

"Elle! Kanina pa kita hinahanap!"

Sabay kaming napaangat ng tingin nung makarinig ng pamilyar na boses. Nakatayo sa harap namin si Kishmar na nakakamot sa ulo at nahihiyang ngumiti.

"Mauna na ako," pabulong na paalam ni Griffin at mabilis na umalis.

"Teka!" Sigaw ko at napahinto siya sa paglalakad pero hindi man lang lumingon.

"S-salamat," maluwag sa pakiramdam na sabi ko at parang narinig niya naman nung nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Sa totoo lang, may iba ako nararamdaman kay Griffin."

"Bakla ka, Kishmar?"

"Kadiri ka, Elle!" Sinamaan niya ako ng tingin at napatawa lang ako. Hayy, buti nandiyan ang ibang members ng Summoners, dahil sa kanila ay gumagaan ang pakiramdam ko... maliban na lang siguro kay Uno, siya yung pinaka-idol at crush na crush ko pero imbis na kilig ay sakit sa ulo ang dala niya sa akin.

"Diba sabi ko Ymar na yung itawag mo sa akin?"

"Pasensya, sinasanay ko pa lang. Siya nga pala, bakit mo ako hinahanap?" Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Narinig ko yung nangyari." Umiwas ako ng tingin nung mabahiran ng pag-aalala at awa sa kanyang mga mata.

"If you feel lonely, don't forget that you can approach any Summoners for help. We are your friends, Elle. Kahit husgahan ka ng iba dahil sa pakikipagkaibigan mo sa amin, ayos lang. At least hindi ka namin tatalikuran kahit anong mangyari."

Tipid akong napangiti. Nabuhayan ang loob ko sa sinabi ni Ymar. Tama siya... tama rin si Griffin.

"Tara!" Nagulat ako nung bigla na lang niyang inagaw sa akin ang bag ko.

"Teka, saan na naman tayo pupunta?"

"Edi sa gym. May practice kami at doon ka muna tumambay, mas safe ka roon. You're mentally and physically safe there. Walang Tess na gugulo sa isip mo at walang bullies na ti-tripan ka." Kinindatan niya ako. Napatawa ako nung sinuot niya ang kulay pink kong bag.

Yung ibang estudyante ay napapangisi dahil sa ginagawa niya. Boys find it gay and girls find it cute. Ewan ko nga lang kung alin ang totoong rason kung ba't ako natatawa.

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon