Kabanata 11: Kambal

101 3 0
                                    

[Aezelle's POV]

Naghaharumentado ang puso ko nung marahan niyang dinilaan ang pang-ibabang labi niya at tinaas-baba ang magkabila niyang kilay. Mabilis ako umiwas ng tingin nung maramdaman ang pag-init ng aking pisngi.

"A-ayoko nga! Mas gusto ko si Kishmar maging kaibigan kesa sayo. Troublemaker ka kaya."

"Troublemaker kaming lahat."

"Ah, basta! Siya yung gusto ko." Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay.

"You're picture-perfect when you're with him. You smile and wear your best attitude, but when we're both alone and together, you're real. You always on your most imperfect suit. We both fight and you're not afraid to show me how messed up you are. Kapag ako kasama mo, komportable ka. Kung si Kishmar ang kasama mo, ginagawa mo yung best mo na hindi pumalpak sa harap niya."

Hindi ako makapagsalita. Mga salitang narinig ko ay mula sa isang Uno Navarro... at natamaan ako sa mga sinabi niya.

"M-mali ka. Mas gusto kong kaibigan si Kishmar dahil alam kong mapo-protektahan niya ako."

"Edi po-protektahan din kita. Kaya ko naman yun eh!"

"Hindi eh! Ikaw pa nga ang nagbibigay gulo sa akin." Napatahimik siya sa sinabi ko at napatikom naman ang aking bibig dahil doon.

"Ba't pa iginigiit mo na gusto kitang maging kaibigan?"

"Para hindi ka manghinayang kung lalayuan mo si Kishmar."

"Kahit isang daan ka pa, si Kishmar pa rin ang pipiliin ko. Kaya sayo na ang 25,000 pesos mo. Iba na lang ang iutos mo sa akin."

"No, that's what I want."

"Edi magtiis ka! Ikaw naman ang hindi mababayaran."

Madilim na ang kanyang mukha at tumingin sa baba na umiigting ang panga.

"Ano ba ang pinakain sayo ni Kishmar at patay na patay ka sa kanya? I knew you first."

No, mali ka. Sayo ako patay na patay, Uno.

"Ayaw ko lang na makipagkaibigan sayo dahil mas lalong hindi ako mapapatawad ng best-friend ko. Kay Kishmar, walang gulo at normal lang... parang nung hindi pa kita dorm mate." Napakagat ako ng labi nung hindi naprenuhan ang bibig ko. Kinabahan ako sa pag-igting ng panga niya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Napapikit ako sa gulat nung dire-diretso siyang pumasok ng kwarto at padabog na sinarado ang pinto.

.

"Dapat hindi gaano kakapal ang tela. George, yung pinta ah? Yung mamahalin para matagal mag-fade."

Tinulungan ko sila at panay din inspeksyon ko kung tama ba ang ginagawa nila. Kakatapos ko lang gawin ang uniform at yung designs naman ang ipi-print. Sample pa lang ito para ipakita sa kanila tsaka sila susukatan.

Mga bakla ang kasama kong gumawa ng uniforms, bali sila yung laborer habang ako ay supervisor slash designer. Tatlo sila, sina George, Peppa at Rebecca. Ewan ko kung ano ang trip nila at gusto silang matawag na mga Peppa Pig characters.

"Of course naman, Madaam."

"Yep, the best talaga para sa mga faffy ng Reamwork."

Seniors na sila katulad nina Uno at narinig ko rin mula sa kanila kung paano nabuo yung Summoners. Mula elementart pala ay magkakakilala na silang lahat mula sa isang Summer League. Si Kuya Yvo ang pinakamatanda at hinintay niya muna na makapasok ang lahat ng members para sabay silang mag-try out.

Natalo nila ang mga previous players at makatapos ang isang linggo, nagsi-transfer na sa ibang school kaya silang walo na lang ang matatag na members ng basketball team.

Madaming usap-usapan na baka sa try out ay may pustahan ding naganap sa pagitan ng Summoners at previous players ng Reamwork.

"Heto ang lunch niyo," napatingin kami sa pinto nung may marinig kaming boses. Napangiti ako nung makita si Natalie na may bitbit na dalawang malaking paper bag.

"Yan talaga ang gusto ko sayo, girl," ani Rebecca sabay hablot ng isang paper bag.

"Hindi ka naman mukhang gutom ah."

"Hindi ako gutom ano. Nakakananam lang yung amoy. McDonald's kaya." Napairap kaming lahat nung lumamon na siya na hindi man lang kami hinihintay para magligpit.

"Momsh, kamusta si Kambal?"

"Hindi na kami masyadong nag-uusap nun. Alam mo namang busy na yun sa fashion shows."

"Ay bongga, ibang level na talaga si Mareng Kambal."

Pinapanood ko lang na mag-usap si Natalie kasama si Peppa at George. Hindi ko inaakala na matagal na pala silang magkakaibigan.

"Gala kaya tayo this weekend? Icha-chat ko siya para makasama," sabi ni Natalie sabay kuha ng cellphone niya.

"Oh my gosh! Saan tayo?"

"Nice idea yan, sis. Matagal din kasi since yung huling bonding natin."

"Isama natin si Aezelle." Napaangat ang magkabilang kilay ko nung bigla ko na lang narinig ang pangalan ko.

"H-hindi ako pwede, madami kasing aasikasuhin." Rason ko. Ayoko lang sumama kasi baka ma-op ako. Bagong kilala lang ako samantalang magbarkada na talaga silang lahat.

"No, sasama ka. I think Kambal will really like you. She likes simple and natural-looking girls." Pamimilit ni Natalie.

"Hindi ko naman kasi kilala ang Kambal na sinasabi niyo."

"Si Kambal, ang kapatid ni Uno. Kambal tawag namin sa kanya kasi mukhang kakambal siya ni Uno." I felt my jaw just dropped and I froze.

"A-antoinette Navarro?! Siya yung makakasama niyong gumala?"

Napatawa sila dahil sa OA na reaction ko. Kapit-bahay ko ang mga Navarro at halos araw-araw kong nakikita si Antoinette. Sobrang ganda niya at tama nga sila, carbon-copy ni Uno ang kanyang kapatid. Maingayin din ito at mabilis mairita. Kadalasan ko kasi silang naririnig na nag-aaway ni Uno.

"Haven't you met her before?"

"Personally... no." I never even tried kasi naman, sino naman kasi ako para kausapin siya? Ang buong pamilya Navarro ay hindi alam na may mga kapit-bahay pala silang Cabrera.

"Then good! Sasama ka sa amin o kami mismo ang hahatak sayo." Wala na talaga akong magagawa.

"Dorm mate kayo diba ni Uno? Never pang bumisita si Kambal doon?" Umiling ako.

"Hindi na nakakapagtaka. Kilala niyo naman ang magkapatid na iyun. Parang aso't pusa at walang pake sa isa't isa. Sigurado ako na tahimik na ngayon ang bahay nila at nakaalis na si Uno."

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon