Kabanata 21: Teamwork

79 3 0
                                    

[Aezelle's POV]

Napangiwi ako sa sakit nung bigla niya akong hawakan sa pulupulsuhan. "Wala naman akong pagsasabihan, e. Randall... Randall... bitawan mo ako... ang sakit." I whined and felt my tears hiding on the side of my eyes.

Randall's piercing eyes daggered into my soul like he wants to rip my organs out.

I let out a sigh when he finally released my wrist. It's swollen. His grip is tighter and it hurts two times more compared to what Uno did to me.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Ako ang naiiba sa Summoners, Aezelle. Hindi kita kaano-ano at huwag mong isipin na magkaibigan tayo."

Napayuko ako dahil sa lamig ng kanyang boses. Bago siya umalis ay pinagbantaan niya muna ako gamit ang kanyang mga tingin.

.

"Here are your uniforms. Teka, teka! Huwag atat, mga pops. Slowly lang, feel ko tuloy deserve ko talagang pagkaguluhan pero kung ako naman ang habol niyo ay, abah,  come to mommy!" Napasapul ako sa aking noo dahil sa salitang lumalabas sa bibig ni Peppa. Yung mga Summoners naman ay napapangiwi at tila nandidiri lalo na nung umakto si Peppa na gusto niya ng halik.

Yung excitement nilang makita ang kanilang uniforms ay nawala. Agad silang tumalikod at parang nawalan ng ganang suotin ang bagong uniforms nila na siyang ikinasimangot ni Peppa.

"Mga KJ nga naman."

Si Tito Xavier na lang mismo ang namigay ng uniform sa kanila. Habang nakaupo ako sa bleachers ay ramdam ko ang mga nakakapasong tingin ni Randall sa akin dahilan para mapalunok ako.

Ilang araw na lang bago ang inter-high kaya kailangan nilang mag-practice nang mas maigi. Nagiging mailap sa akin si Uno at lahat sila ay nakapansin ang paraan ng kanyang pakikitungo sa akin. Sa dorm naman ay hating-gabi na siya dumadating at hindi pa ako nakakagising ay umaalis na siya.

Hindi ko siya maintindihan. Ni isa sa mga Summoners ay wala ring alam kung ano ang nangyayari sa kanya kasi hindi na masyadong nagsasalita o nagkukwento si Uno. Most of the time ay si Ymar pa rin ang aking kasama. Si Griffin ay hinahatid ako minsan at kadalasan naman ay umuuwi agad siya pagkatapos ng practice. Sa campus ay makikita siya namin ni Ymar na nasa library at natutulog.

All of the Summoners are odd for me. They have unpredictable characteristics and the longer I bond with them, the stranger they become.

"Randall, ipasa mo sa akin!"

"Tumingin ka sa guard ng kalaban!"

Randall gritted his teeth when he failed to shoot the ball. He obviously didn't heard his team mates. He turned his back around them and went to the bleachers to drink some water.

In all of them, it is not Griffin who is always late and lazy, it is not Tyler who sucks at basketball hand signs and it is clearly not Kishmar who has poor stamina... but it is Randall who hates team work that pulls them down.

In basketball, team work is everything. Sports that has team work puts more pressure than individual ones, that's why you need to trust your team mates to share that pressure.

Sinundan ko siya ng tingin at madilim ang kanyang mukhang umiinom ng tubig habang nagbibingibingihan sa paratang ng kanyang mga kasama. Dumapo ang kanyang tingin sa akin at mabilis naman akong umiwas bago ipinagpatuloy ang paggawa ko ng scrapbook.

"Makinig ka naman kasi, Randall. We can't play like that!" Sermon sa kanya ni Kuya Yvo at binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi na mukhang napikon siya.

"We can't play like that cause y'all not taking this practice seriously. Sa baba nga dapat ipasa, hindi rin kayo nakikinig!" Sigaw niya pabalik at nakakuyom ang mga palad.

"Sa baba, yun ay kung kinakailangan. Yung timing mo, Randall, hindi sakto. Dapat alam mo kung kailan tayo magfo-focus sa baba at kailan naman sa taas."

"Huwag kang magmagaling, ah. Kung magsalita ka ay parang pasok ka palagi sa Mythical Five. E, dalawang pasok mo nga palang ay hinihingal kana. Pabigat ka lang, kaya huwag mo akong angasan."

Agad nilang inawat si Randall nung unti-unti itong maglakad papalapit kay Kishmar. Umiigting ang panga nito at masama ang tingin. Mainitin talaga ang ulo niya at napakasuplado.

"Ano ba ang problema mo, Randall? Kapag may inter-high ay ganito na lang tayo palagi? You should fucking learn how to respect your team mates!"

"Respect? Gusto mong respetuhin ko ang mga bobong yan?" He chuckled as he pointed Griffin, Kishmar, and Tyler.

"Gago ka, ano ang sinabi mo?!" Napatili ako nung mabilis na sinuntok ni Tyler si Randall. Namumula ang mukha ni Tyler at kita ang galit sa kanyang mga mata.

"Hey, stop it you two!" Nahati ang grupo para awatin silang dalawa pareho. Matalim ang mga tingin na binibigay ni Kishmar kay Randall habang si Griffin naman ay tahimik lang na pinipigilan ang braso ni Tyler.

I looked at Coach when he was just silently watching the Summoners on the other side of the bench. It looks like he's observing them.

"Fuck! I can't continue with this shit anymore! Bitawan niyo ako!" Kinalas ni Randall ang mga kamay na nakahawak sa kanya at kinuha ang kanyang bag bago umalis ng court.

"That narcissistic idiot is making it hard for us." Reklamo ni Uno at napailing.

"Coach... may magagawa pa ba? O hahayaan na lang nating umalis nang tuluyan si Randall?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Yvo kay Tito Xavier.

"You should all talk to him. Kapag lalaban kayo sa inter-high, dapat ay kompleto kayo. You are all brothers inside and out of the court, and brothers don't leave each other." Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ni Tito.

"Pero, Coach, lumalala na si Randall, e. Yung pagkasuplado niya ay wala na sa lugar. He clearly thinks only of himself, we don't need a team mate like that." Faxton ranted.

"Hindi lang kayo team mates, magkapatid kayong lahat. Matagal na ang samahan niyo at dapat nga kayo nga mas nakakilala kay Randall higit kanino man."

I really think something is wrong with Randall. Oo, suplado nga siya pero noon ay minsan lang magsalita. Sobrang prangka at grabi kung mang-insulto pero hindi niya talaga ugaling pagsalitaan ng masama ang mga kasamahan niya. Kung tinutuyo ay tahimik lang siya at mas pipiliing huwag pansinin ang kanyang mga kasama.

Tumingin ako sa entrance ng court kung saan lumabas si Randall. Kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa pag-alala. Nung ibinalik ko naman ang mga mata ko sa court ay nakatitig sa akin si Tito habang nakahalukipkip.

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon