Kabanata 36: Legends

44 2 0
                                    

[Aezelle's POV]

I hesitated dahil sobrang layo ng upuan ko pero si Antoinette, panay tulak sa akin hanggang sa hinatid niya ako sa baba.

"Talk to him, bring him to the game, Aez."

"W-what should I say?" Nanginginig na tanong ko sa kanya nung pagkatangla ko ay nakatutok sa akin ang mga mata ng iba. Nah uh, not this too much attention. "A-antoinette, we should go back, there's nothing I can do. It's their game." Iling ko.

"You're part of their game. You're the Summoners' Muse. Please? Say something to him... I don't know, maybe motivate him?" Turo niya kay Uno na nakayuko sa bench katabi nina Tyler at Kishmar.

I took a deep breath. Sige na, Aez, Uno needs your support right now. Pinanghihinaan na siya ng loob.

"Orus that everyone knows never takes a break. You're sitting... it's almost unbelievable to see you sitting, why so?" I awkwardly smiled before I sat beside him. Nakita ko siyang napaangat ng tingin at bahagyang nagulat.

"Coach is mad at me. Pressured kaming lahat, lalo na siya. The opponent obviously analyzed our moves. Na-try na namin ang lahat ng strategies pero wala pa rin, abanse pa rin sila." Mas lalong lumungkot ang mukha niya nung magsigawan ang kabilang panig.

Reamwork - 65
Empire - 74

"Alam mo ba kung saan napulot ni Griffin yung pagiging analytic thinker niya?"

"Sa Daddy mo, he was his personal trainer."

"Yeah, but do you know what my Dad used to say? When we lost all hopes when using our mind, we shall never forget that we still have our hearts. Uno, last year na nina Kuya Yvo at Faxton, hindi dapat puno ng pressure ang huling laro nila... maybe they need to enjoy na lang, it's their last game here after all."

"Look at them," tukoy ko kay Kuya Yvo at Faxton na mukhang frustrated na dahil sa scores ng laro.

"They're not having fun at all. This is not the kind of game you want them to remember, right?" Napangiti ako nung unti-unting ngumisi si Uno.

.

"What did you do? What did you said?" Naguguluhang tanong ni Antoinette nung makabalik na kami sa upuan namin.

"Some stuffs," kibit-balikat ko.

"This is insane. They all look... insane." Nakahawak si Antoinette sa kanyang ulo dahil sa tensyong nararamdaman mula sa Summoners. Kahit sino ay nakakaramdam. Paano naman kasi? Malaki yung abanse ng kalaban at nakangisi pa sila... yung ngisi na may pinaplanong masama.

Reamwork - 70
Empire - 77

Simula na yung fourth quarter at aliw na aliw ako sa ginagawa ni Vance na hawak-hawak ang bola at pinapahabol si Junjun. Lumusot si Vance sa gilid ni Uno at mabilis namang hinarangan ni Uno si Junjun para mapigilan ito. Napapalakpak kami nung ma-shoot iyun ni Vance.

"They're not taking the game seriously. They're having fun and... it's effective."

"Ano naman ang saysay ng isang competition kung hindi mo makikita na ngumingiti ang mga players, hindi ba?" Sumang-ayon sa akin si Antoinette sa paraan ng pagtango.

Habang nasa break ay pinapanood ko lang silang walo na nagtatawanan, yung tipo ng tawanan na parang nasa inuman. Yung ngiti nila, nakakahawa.

"Boom sabog! Parang utak mo palagi sa klase, sabog!" Hiyaw ni Tyler nung maka-shoot siya na naging dahilan ng pag-ingay at tawa ng mga manonood. Kahit si Coach ay napapailing na lang habang tumatawa dahil sa ginagawa nila.

"Puntos para kay Danvers, Summoner na mas magaling pa sa Lakers!"

"Yowwnn!"

Mabirong pagmamayabang ni Randall. Hindi ko inakala na marunong pala siyang makipagsabayan, to think na hindi lang ang Summoners ang kasama niya. He's also smiling... all of them are smiling and it can't be more winning than to see them enjoying the game.

.

"SUMMONERS! SUMMONERS! SUMMONERS! SUMMONERS!"

Kay gandang bungad nung pumasok ako sa school kinabukasan. Lahat ay masayang-masaya habang winawagayway nila ang kani-kanilang mga mini flags ng Reamwork.

Tumingin ako sa stage at lahat ng Summoners ay naroroon. May mga medalyang nakasabit sa kanilang leeg at si Tito Xavier naman ang may hawak ng trophy.

Hindi ko inaasahang mananalo sila at yung pagkapanalo nila ay sobrang thrilling. Umabanse sila dahil sa free throw na ginawa ni Faxton at dahil 15 seconds na lang yung natira, alam na ng lahat na yung Summoners na ang mananalo.

Yung nangyari kahapon ay isa sa mga inter-high na hindi ko malililimutan at masaya ako dahil alam kong iyun din ang unforgettable para kay Kuya Yvo at Faxton lalo na at malapit na yung graduation.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang malungkot dahil sa naisip. It feels so empty to see the Summoners without the two of them... mapipilitan si Uno, na siyang magiging Captain, na magpa-open ng try out sa mga freshmen. Nevertheless, Kuya Yvo and Faxton are legends. The school and everyone in Reamwork will always remember them.

"Hindi ko kayo nakita noong inter-high, ah." Sabi ko kay Natalie at sa mga bakla nung makasalubong sila namin papunta sa FF-Building. Na-notice ko na hindi talaga naghihiwalay si Natalie at yung mga bakla, parang best friends for life na sila.

"Hindi kami umattend, gumala kami."

"Sayang, hinahanap ka pa naman ni Uno at Tyler." Tukoy ni Antoinette kay Peppa at agad namang bumilog ang mga mata nito.

"Talaga ba?" Seryosong tumango si Antoinette pero alam kong gusto lang niyang maghabol yung mga bakla sa Summoners para bugbugin sila ni Faxton. May pagka-homophobic yung Summoners or nandidiri lang talaga sila sa kina Peppa.

"Huwag kang maniwala diyan. Jujumbagin na naman yung mga feslak nating kay ubod ng beauty. Huwag marupok, besh, i'm telling you."

"Yeah, gurl, madami pa diyang boylet. They don't deserve us."

Tumingin ako kay Antoinette at base sa mukha niya, gusto na niyang masuka.

"May program ba ngayon?" Napatanong si Natalie habang nakatingin sa entrance ng basketball court kaya napalingon din kami at madaming tao ang nagsisiksikan papasok.

"Maybe may celebration ang Summoners? Back-to-back-to-back champions sila ngayong taon."

"Then bakit hindi tayo invited?" Naguguluhang tanong ni Antoinette.

"It's impossible that they would open the court for the whole school. Why don't we check it out?"

Mabilis naman kaming tumakbo at nakipagsiksikan sa mga tao hanggang sa makapasok kami ng court at lubos ang pagkagulo ko nung makita si Uno at si Tito Xavier na seryosong naglalaro ng basketball.

Guarding the DaylightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon