[Aezelle's POV]
"Aezelle."
"P-po?" Naalarma ako nung tinawag ako ni Tito. Sinenyasan niya akong lumapit at nag-aalangan man ay bumaba rin ako ng bleachers.
"Bakit po?" Tanong ko at ang mga mata nilang lahat ay nakatutok sa akin. Hindi na ako masyadong naiilang dahil nasanay na ako sa kanilang presensya... maliban na lang siguro kay Randall at Uno.
"I want you to talk to Randall."
"P-po? Eh diba, Tito, ikaw din ang nagsabi na mas kilala nila si Randall higit kanino man, bakit ako?"
"Pero gusto ko na ikaw ang magkumbinse kay Randall para makipag-usap sa team. Knowing him, he would do anything to avoid any of his team mates."
"Hindi ko po makukumbinse si Randall, hindi naman po kasi kami malapit sa isa't isa."
Yeah, after what happened on the other day, I bet he would try to hurt me if I stand near him.
"Paano mo nasabi? E, hindi mo pa naman nagagawa. Come on, Aez, you're the only one we got and the inter-high is approaching, we can't waste time."
"Sige na, Aez. Don't worry, kami ang gagawa ng scrapbook mo." Vance said with a thumbs up and he even winked at me.
"Yeah, we'll finish your scrapbook before even dawn arrives." Malumanay na ngumiti sa akin si Faxton at nakikiusap ang kanyang mga mata.
Si Kuya Yvo naman ay naroroon na pala sa bleachers at mukhang sinisimulan na ang paggawa ng scrapbook ko.
"Sinimulan ko na para wala ka nang magagawa." Ngisi nito.
Napabuga na lamang ako ng hangin dahil wala na nga akong magagawa. Well, they're the only family I have.
"I'll try to talk to him bukas kung matyiempuhan ko siya. Yung scrapbook ko ay next week pa naman yung deadline, hindi niyo naman kailangang madaliin." Sabi ko sa kanila nung sabay kaming lahat na lumabas ng gym.
"Don't worry, tatapusin namin ito bago sumapit ang alas dose," mayabang na sabi Faxton nung makarating na kami ng parking lot.
"Ninyo? Saan naman kayo magsi-sleep over para gawin yan?"
.
"Seryoso?" Napanganga ako habang nakatingin sa kanilang nakaupo sa sahig sa loob ng room namin ni Uno.
"Yeah, you don't need to mind us. You can go to sleep, we promise we won't disturb you." Kishmar reassured me pero mukhang malabo iyun. Sa matinis pa lang na boses ni Vance ay kahit sa baba ako ng dorm matulog ay aalingaw-ngaw pa rin ang ingay niya.
"Mmm, bango mo, Aezelle."
"Amoy shower clean." Nahihiya naman akong yumuko bago dumiretso sa kama ko matapos kong makalabas sa banyo. Naka-pajamas na ako at bagong ligo na rin. Nakakahiya namang makita nila na hindi ako naglilinis ng katawan bago matulog
"Ayos lang ba kayo rito? Gusto niyo ba ng snacks?" I offered but they all shook their heads in refusal.
"Parang minamaliit mo naman kami, Aez. We can afford to buy snacks, malapit lang naman ang convenience store rito." Kuya Yvo said.
Nakaupo ako sa aking kama at yakap-yakap ang aking mga tuhod habang pinapanood sila. Hindi ko inaasahan na magiging tahimik sila at kahit hindi sila masyadong nagsasalita ay naiintindihan nila ang bawat galaw ng isa't isa. Hindi sila masyadong nag-aaway sa kung ano ang design, fonts or frame ng scrapbook. Ang sarap nilang panoorin na basang-basa nila ang isip ng bawat isa... parang may hidden connection silang pito.
"Kung gaano kayo nagkakasundo ngayon sana ganoon din sa practice, noh?"
Napatingin silang lahat sa akin nung magsalita ako. Ginawaran ko sila ng matipid na ngiti at bahagyang napayuko sa hiya.
"We're only loud during practice. Kung sa laro na talaga ay hindi na kami masyadong nag-uusap lalo na kung nakapag-brainstorm kami nang maayos bago ang laro." Paliwanag sa akin ni Kuya Yvo bago nagsimulang lagyan ng glue ang mga ginupit nilang designs.
"Si Randall lang naman kasi ang nagpapagulo," pagmamaktol ni Vance.
"Pero gusto mo namang maglaro siya kasama ninyo sa inter-high diba?"
"Oo," nakangusong sagot niya.
"Hindi ko man maipapangako na maibalik ko si Randall sa team pero gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa inyo." I said.
Humiga ako at hinihintay na malipasan ng antok habang pinapanood sila nung aksidenteng mapunta ang mga mata ko kay Uno na nakatitig sa akin nang seryoso. Mabilis akong tumalikod at binalot ang sarili ko ng kumot.
"Tapos na!"
"Magpapaalam pa ba tayo kay Aezelle?"
"Huwag na, tol, mukhang mahimbing na yung tulog niya, e."
Gising pa ako pero wala na kasi akong energy para bumangon pa at ihatid sila sa labas. Malalaki na sila at tsaka malapit na ang hating-gabi.
Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto at mukhang umalis na talaga sila dahil biglang tumahimik ang buong kwarto hanggang sa... "I know you're still awake. Chanelle, can we talk?"
Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Uno. Napalunok ako bago dahan-dahang bumangon para harapin siya.
"B-bakit?" Tanong ko. Naka-upo siya sa maliit na plastic chair katabi ng kama ko at nakaharap din siya sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga bago ibinuka ang bibig. "Pwede ba kitang samahan sa pag-usap kay Randall?" Hindi ko maiwasang maguluhan sa kanyang tanong lalo na sa kalmado at malambing niyang boses.
"I don't know. Sabi ni Tito ay iiwasan ni Randall ang bawat isa sa inyo."
Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi habang tumatango. "I badly want to treat you an ice cream, pwede ka ba after school?"
Ipinilig ko ang aking ulo dahil nagiging weirdo si Uno. Hindi ko maintindihan ang kanyang pinaplano o kung bakit nag-iba na naman ang kanyang ugali. "I know you're puzzled but I just badly want to eat ice cream while talking to you. Pwede ba?"
"O-oo naman."
"That's great. Can I have your phone number, Chan? Susunduin kita kung tapos na ang klase niyo," he took out his phone and I gave him my number. I want to settle things with him. I'm not comfortable that we're living in the same room yet we're not communicating.
"Good night," he said and turned the lights off for me. I laid back again and close my eyes until I felt him pulling up my blanket to cover me with it.
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
Teen Fiction[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...