[Aezelle's POV]
"Maybe you did liked Griffin but I guess the spark faded and you seemed to find it in Uno. Gusto mo pala iyung lalaking papakiligin ka araw-araw. Sorry, but my friend is not like that. Griffin cares for you and can even love you silently. Kahit ikaw siguro, naramdaman mo rin 'yun. Hindi ko lang ine-expect na ipagpapalit mo na lang nang basta-basta si Griffin sa isang tulad ni Uno. Honestly... i'm disappointed." Pain flashed through my eyes and I could feel myself saving some tears.
He turned around but I grab his hand. I sniffed when tears started running down my cheeks. I keep biting my lips to prevent myself from crying too loud.
"Y-you're choosing Griffin over me? I'm sorry for disappointing you but please, don't leave me. Kaibigan mo rin naman ako, ah." Sobrang higpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Kishmar is special to me, he's the Summoner I can't afford to lose.
"Elle, kailangan ako ni Griffin. You have a lot of people to comfort you. You have Uno and the rest of the Summoners while Griffin... he only have me." Wala na akong nagawa nung kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya.
"And by the way, it was actually Griffin that made the bullying stop... not me."
.
Nakatulala lang ako at pilit na pinoproseso ng utak ko ang huling sinabi ni Kishmar bago siya umalis.
Nasa bleachers ako at wala sa sariling pinapanood silang mag-practice. Nandito rin si Kishmar na pilit na iniiwasan ang mga tingin ko at si Griffin who is doing everything to be the invisible guy.
"Kishmar, I need you to train two times harder. Hindi makakasama sa atin si Randall at kinakailangan mong pumasok sa laro, mga higit tatlong beses. I'm sorry for putting you in an inconvenience but I need you to surpass your limitations. It's for the team, Kish." Tahimik lang na nakikinig si Kishmar sa sinabi ni Kuya Yvo pero kita ko ang pag-alala sa mga mata ni Griffin.
"Dagdagan mo, Ev, ang pagpasok ko. I don't think it's good for Kishmar to surpass his limit. Bawasan mo yung sa kanya." Halos pabulong na saad ni Griffin na siyang nagpaangat ng tingin ni Kishmar. "No, I can handle it. Mali naman kung hindi ako magdodoble kayod para sa team. Just let me in if you need my assist." Tumango si Kuya Yvo at mukhang nakampante sa tugon ni Kishmar. Magkasalubong ang mga kilay na kinausap ni Griffin si Kishmar gamit ang kanyang mga mata.
"Why did you offer help? Alam mo namang hindi ka pwedeng mapagod."
"What do you want me to do? Panoorin ko na lang kayo na magpakahirap na ipanalo ang team? I don't want to be useless. Gusto ko rin na maalala ako ng mga students na parte rin ako ng Summoners."
Tahimik lang ako na nakikinig kay Kishmar at Griffin na nag-uusap sa likod ng gym. Umalis yung ibang Summoners para bumili ng snacks. Sina Tyler at Vance ay hindi tunigil sa pag-practice. Napagdesisyunan kong sundan sila kanina kasi nakita ko ang pagkagulong ekpresyon ni Griffin nung tawagin siya ni Kishmar.
"Mas uunahin mo pa ang pride mo kesa sa kalagayan mo? Kishmar, you're sick! Sinugod ka na noon sa ospital, hindi ka pa ba nagtatanda? You have asthma. You were unconscious for almost a week because of it. Ba't parang wala lang sayo iyun?" Natigilan ako sa kinatatayuan ko at napatulala.
He has asthma?
"Ano ang magagawa ko? Kulang tayo sa players, Griff. Randall is one of our top player, parehos nating alam na malaking kawalan siya."
Napayuko ako at guilty dahil hindi ko magawa nang maayos ang pabor na hinihingi nila sa akin.
"Are you going somewhere, Aze?" Tanong ni Vance sa akin at tumigil silang dalawa ni Tyler sa paglalaro nung mapansin akong palabas ng gym.
"M-may bibilhin lang, babalik din naman ako agad." Paalam ko at mabilis na lumabas.
It's still early kaya tiyak kong nasa school pa si Randall. I haven't seen him since few days ago but I know he's just avoiding everyone.
Pumunta ako ng soccer field at nadismaya nung walang tao roon. Hindi ko gaano kakilala si Randall kaya hindi ko alam kung saan siya posibleng magtungo.
Hindi ko namalayang napahinto ako sa harap ng Dean's Office. Nasa loob kaya siya?
Gawa sa glass ang pinto kaya lumapit ako at tiningnan kung nasa loob siya pero napaupo ako sa sahig nung biglang bumukas ang pinto.
I gasped after seeing the guy i've been looking for almost an hour. His forehead creased after seeing my face in a humiliating position.
Napalunok ako at mabilis na tumayo. Pinagpag ko ang damit ko at nahihiya siyang hinarap.
"I-i was looking for you and–" Napabuntong-hininga ako nung binanggaan niya ako sa braso at nilampasan lang ako.
That guy! Argh!
"Hey, sandali lang!" Hinabol ko siya. Ang lalaki ng kanyang mga hakbang, basketball player nga naman.
"Please, just spare me a minute or five. May gusto lang akong sabihin– pakiusap sayo. Please, Randall!" Hinihingal na ako sa kakasalita at habol sa kanya pero walang plano ang mukong na huminto.
"Come on! You can't just ignore us forever."
"I actually can," malamig na tugon niya na hindi lumilingon.
"Talk to me and i'll do anything! Please!"
Napahampas na lang ako a bibig ko. Ba't ba kasi hindi ako nag-iisip? Oo, tumigil si Randall sa paglalakad pero ewan ko na lang kung ano ang magiging kapalit.
"Anything?"
Gusto kong sumigaw ng 'no' pero automatic na lang na tumango ang ulo ko.
I hate dares. Na-trauma na ako sa pinagagawa ni Uno sa akin noon. Halos hindi makapagpahinga ang puso ko dahil sa utang.
"Buy me a drink first, doon sa convenience store sa labas ng school. Four Seasons juice drink, dalawa. Hihintayin na lang kita sa may shed." Turo niya sa maliit na shed, hindi gaano kalayo sa classroom building namin.
Bibilhan ko siya ng juice na alam ko kung gaano kamahal at hindi pa iyun included sa ipapagawa niya sa akin in exchange of talking to him.
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
Novela Juvenil[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...