[Aezelle's POV]
"Here, eat some. Baka nagpapagutom ka na sa sobrang pag-aaral mo diyan." Nakangiting dinalhan ako ni Ymar ng pagkain. Napagdesisyunan ng mga Summoners na mag-take turns sa pagbibisita sa akin. So ngayong araw ay sina Ymar at Vance. Nasa labas si Vance at nakikipag-usap kay Uno, na expected niyo na... buong linggo na nandito sa hospital.
Unti-unti namang nawawala yung mga pasa, so baka next week ay makakapasok na ulit ako.
"I need to study hard, yung pagbalik ko naman ay two days before ng exam tsaka kailangan kong humabol."
"You're so punctual... you really care about your grades." Humila siya ng upuan bago umupo sa tabi ko.
"I need to study well and have a stable job, I only have myself, Ymar." Sagot ko na hindi inaangat ang tingin. Seryoso kong binabasa ang bawat salita na nasa libro.
"Not anymore, you're not alone anymore. You have us, Elle." Tumingin ako sa kanya at lumapad pa lalo ang kanyang ngiti nung makita ang pagka-overwhelm sa mukha ko.
"I haven't said sorry for what I said in the library. I hurt you and I can't be more sorry for letting the upsettedness consume my tongue. I didn't mean any of those things, Aez." It was my turn to smile when I saw how genuine he is with his words. His eyes show how guilty he is.
I took his hand and licked my lip. "You meant what you said back there, Ymar, but I know that you didn't purposely want to say it in a harsh way. It's okay to be upset, it's okay to feel sorry in Griffin's behalf, it's okay. I understand and we are okay now." I gave her a genuine expression, telling him that it doesn't bother me anymore.
"I am still sorry." Nginitian ko lang siya bago nagsalita para ibahin ang topic. "So it was Griffin that threatened the whole school?" Tinikom niya ang kanyang bibig bago sumandal sa kanyang upuan at napayuko.
"He said to pretend that it was me, you know how he hates attention." Tumango ako. Yeah, I know him. Hindi ko nga lang maiwasang makonsensya. He likes me for sure, hindi lang niya alam kung paano ipakita.
"Kamusta ang training niyo?"
"We're getting better especially that we are now complete. Na-move nga yung inter-high, mas napaaga. Gaganapin iyun pagkatapos mismo ng exam."
"Can't wait for it, pero paano si Uno? Hindi na siya nakakapag-training dahil nakabantay-sarado siya sa akin dito."
Ngumisi si Ymar dahil sa aking turan. "That jerk doesn't needs training, he's naturally good in basketball compared to Yvo who works day and night to get better. Mabuti nga iyun at nakahanap na siya ng isang bagay na matutukan niya talaga, isang bagay sa sobrang passionate niya."
"Anong bagay?" I cluelessly asked.
"Loving you." I awkwardly laugh before getting the bowl of cereal. Loving me? I don't think Ymar has any idea how passionate Uno is to achieve his dream. He wants to play basketball internationally and I think, akala ng Summoners ay naglalaro lang siya para makahanap ng scholarship sa isang prestigious university sa USA for background purposes kapag mag-aapply siya ng trabaho sa hinaharap.
Bumukas ang pintuan at pumasok sina Vance at Uno na nakangiti habang nag-uusap. "Uno, may training daw sina Kuya Yvo ngayon, why don't you join them? I'm fine here, nandito naman si Vance at Uno."
"Yeah, bro, it's not good to skip practice for a whole week. Your energy needs to be maintained for the inter-high," dagdag ni Ymar.
"You sure you're gonna be fine here?"
"Come on, man! Parang wala ka namang tiwala sa akin. Mas katiwa-tiwala pa nga yung pagmumukha ko kesa sayo. Boom, yaers!" Tumawa ako sa pagsali ni Vance sa usapan at napipikon na binatukan naman siya ni Uno.
"Yaers ka diyan, baka nakalimutan mo kung sino mas matangkad sa atin." Laban ni Uno na ikinatahimik ni Vance. Basta sa labanang pang-height, talo talaga si Vance.
"Babalikan kita bukas."
"Hindi naman kailangan, magaling na ako. Kailangan ko lang ng ilang araw na manatili rito sabi ng doctor." Iling ko. Uno needs a proper rest, hindi siya gaano nakakatulog dito lalo na at sa sofa pa siya nakahiga. Born with a silver spoon yata yan kaya alam kong sumasakit yung likod niya pero tinitiis lang niya.
Agad na kinuha na ni Uno ang kanyang mga gamit bago naglakad papaunta sa pinto. "Whatever, basta babalik ako rito bukas. Buti pa ako bumabalik, yung ex nga ng iba, ilang taon na, hindi parin nakakabalik." Pananama niya mismo sa pagmumukha ni Vance at mabilis itong tinalikuran.
"Tangina–" Hindi na nakasabat pa si Vance dahil agad na lumabas si Uno at sinarado ang pinto. "Gagong 'yun talaga."
.
Dumating na rin yung araw na pinakahinihintay ko. Pumasok na ulit ako sa school and just what I expected, none of my classmates nor teachers noticed my absence.
Everything went back to normal except na lang nung napansin ko ang pagkawala ni Tess, Cassie, at Trice.
"I haven't seen the three of them," kinuwento ko kay Faxton na hindi ko nakita ang tatlo nung makita ko siya sa cafeteria.
I kinda feel comfortable to talk to the Summoners publicly now that Trice and Cassie are gone. Malaki ang pakiramdam ko na may kinalaman ang Summoners sa pagkawala nila.
"Randall's Father expelled Trice and Cassie out of Reamwork. Kahit yung parents nila ay tinanggal sa board ng school at binalik ang mga perang ininvest nila. Yun din ang rason kung bakit nagkamabutihan na si Randall at ang Father niya."
"Alam mo?" Gulat na tanong ko at napataas naman ang kilay niya sa aking naging reaksyon.
"Why wouldn't I?"
"He told me not to tell anyone."
"Yeah, but except for us because the entire Summoners already know about it." I nodded. It makes sense, they're brothers and I don't think they have anything to hide from each other.
"What about Tess? She got expelled too?" I'm worried to hear Faxton say yes.
"No, they move out of the country. It was actually her that called Randall for help."
BINABASA MO ANG
Guarding the Daylight
Novela Juvenil[COMPLETED] Aezelle Cabrera is the ultimate definition of invisibility, not until Uno Navarro, the Reamwork University's basketball star became her dorm mate. After ruining the basketball star's favorite possession, Aezelle found herself indebted to...