Chapter 24: An Ephemeral Moment

799 20 4
                                    

NOTE: Unang-una po ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa sobrang tagal na hindi ko po pag-a-update. Nagta-trabaho na po kasi ako sa BODEGA SALE sa DIVISORIA. Kaya po hindi na rin po ako nakakapagsulat. Pero sa pag-a-update ko pong muli ay hindi ko po mapapangakong makakapag-post ako ulit ng kasunod na chapters. Sana po ay naiintindihan niya. Sana po ay wala pa rin po kayong sawang sumuporta sa'kin. Maraming salamat po at God bless.

 An Ephemeral Moment

[Please play the song]

          Holiday’s past so swift. It was just like a snap. Christmas and New Year’s was just a usually holiday nowadays lalo na sa pamilya nila. They just ate and chatted, lit up the fireworks pero bakas sa kanilang mga mukha ang mga sari-sarili nilang mga problema. Kahit pilitin man nilang magpakasaya upang makisabay sa diwa ng mga okasyon ay may mga sikreto pa rin sila na pilit itinatago. Pero sa kabila ng lahat ay tama lang ipagdiwang nila ang Pasko na may ngiti dahil sa malaking pagbabago ni Trinity. Yes, she improved a lot and better than before.

            Ilang araw lang at kinailangan na nilang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho. Tambak ang trabaho ni Klaus sa kanyang opisina nang pagbalik niya. Marami pa siyang pipirmahan, deliveries at kailangan na i-approve na mga manuscripts.

            Napahawak siya sa kanyang ulo at itinukod ang kanyang siko sa mesa at marahan niyang hinilot ang kanyang sintido. Nang hindi na niya nakayang tiisin ang sakit ay humingi na siya ng gamut sa kanyang secretary at ininom ito.

            “Mukhang madalas na ang pagsakit ng ulo niyo sir ah.” Puna ng kanyang sekretarya.

Napatingin sa kanya si Klaus at alam na niya ang ibig sabihin nito.

            Inilapag ni Gray sa mesa ang juice na itinimpla niya para kay Chloe. Narito kasi ngayon sa kanyang restaurant ang dalaga upang kumuha ng mga good ideas mula sa kanya para ma-umpisahan na niya ang pina-plano niyang Coffee Shop.

            “I know you’re not here just because you want to ask me about business. Alam ko meron pang iba Chloe. So what is it? Voice it out. I know there’s a reason kung bakit may kakaiba na naming kinang ang mga mata mo.”

            Muntik na masamid si Chloe sa sinabi ng matalik na kaibigan. Nabitin sa ere ang baso ng juice at tinitigan niya ang nagtatanong na mga mata ni Gray bago inilapag ang baso sa may mesa.

            “Ano bang pinagsasabi mo? Wala ah..” Pagtatanggi niya.

            “Alam ko nag-aaway kayo ni Crowley dahil sa pagbabakasyon mo sa Baguio ng biglaan. And some point in your conversation noong Christmas eve eh narinig ko ang pangalan ni Castiel. So you have two options now. Speak or speak.”

            Natawa siya at napailing.

            “Tsismosa.” Singhal niya habang nakatawa.

            “Hindi ako tsismosa. Just concern lang naman. So magkwento ka na…”

Kumuha ng buwelo ang dalaga at huminga ng malalim saka tila ba bumalik ang kanyang balintataw pabalik sa nakaraang buong linggo ng kanyang pagbabakasyon sa Baguio kasama si Castiel.

            It was a brand new feeling but still old. Maituturing kong naging napakasaya ng linggong iyon. I was with my first love again at walang mapagsidlan ang saya sa puso ko. It was a coincidence or at least pinagmukha kong pagkakataon ang nagtagpo sa’ming dalawa doon. Tapos na ang fourth semester at dahil isa siya sa pinakamatalino sa kanilang klase ay sinagot ng Harvard ang pag-uwi niya dito sa Pinas.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon