Ordinary Hearts
Chapter 9: Wildest Stray of the Day
(Paki-PLAY naman po ng song kahit paulit-ulit. Ma-a-appreciate ko po iyon ng sobra. Tapos pabasa rin po ng new series ko na IMMORTAL DIARY. Sa EXTERNAL LINK po.)
GUMUHIT ang malaking ngiti sa mukha ni Gray nang makitang paparating si Jeboy. Dadalawin siya nito. Ilang linggo na rin kasi simula nang magbukas ang Paradise of Sunsets and boom na boom ito lalo na sa mga estudyante dahil malapit ito sa isang exclusive na University.
“So how’s the business?” nagagalak na tumayo si Gray at sinalubong ang yakap ni Jeboy. Nagtapikan sila sa likod at naupo na sila.
“Fine. Everything is fine and perfect.” Sagot niya.
“Aba dapat ay painumin mo niyan ako mamayang gabi. Magdadala ako ng mga chicks natin ‘wag kang mag-alala,” dagdag pa ni Jeboy na ikinadismaya naman ni Gray.
Chicks? Sawa na ako sa mga babae, kaya nga lalaki naman ang gusto ko! Matawa-tawa pa siya sa loob-loob niya.
“Aba ayos ‘yan!” kunwari ay okay lang sa kanya. “Saan ba? Sa condo mo o sa bahay?” dagdag niyang tanong.
“Sa unit ko na lang para diretso na...” makahulugan na ngiti niya. Normal na nga siguro sa mga lalaki ang pag-usapan ang mga gaanong bagay. Tumawa na lang si Gray saka tumango.
PINAGTITINGINAN sina Chloe at Castiel habang magkasamang naglalakad sa hallway papasok ng university. Lahat ay hindi makapaniwala dahil never na nakisama ang dalaga sa mga mahihirap. Dati kasi ay lagi niyang inaapi ang mga mahihirap na estudyante doon, ‘yung mga scholar, lagi silang minamaliit ni Chloe pero mukhang nagbago na ang ihip ng hangin.
“Chloe?!” nanlalaki ang mga ni Helena at Graziella.
“So, totoo palang nagde-date na kayo ng janitor na ‘yan?” matapobreng tanong naman ni Graziella.
“O-oo.” Pormal na sagot niya.
“Yuck! What the hell happen to you my dear friend? You became a pathetic person kahit hindi mo man sabihin!” Nagtupi ng mga kamay si Helena. “From now on, hindi mo na kami kaibigan ni Graziella, right?” Binalingan niya ng tingin si Grazie.
“Right, sasali na lang kami sa grupo ni Emerald. Dahil mas popular na siya keysa sa’yo. Magsama kayo, mga freak!” sabay walkout ng dalawa.
Labis na nagdamdam si Chloe dahil sa pagkawala ng mga kaibigan niya at lahat ng iyon ay dahil kay Castiel. Pati popularity niya ay mukhang wala na sa university na iyon. Nanamlay siya bigla. Sa isang iglap lang ay hindi na siya sikat sa eskwelahang iyon, dahil kay Castiel; pagpapaalala niya sa sarili.
“Ayos ka lang?” nahihiyang tanong ni Castiel sa kanya habang nagpatuloy sila sa paglalakad. Chloe is upset, really upset and you can see it in her face.
“O-oo naman.” Pinilit niyang siglahan ang kanyang tinig at ‘wag ipahalata kay Castiel ang mukhang iyon.
“Gusto mo ba layuan na kita para bumalik ang –“
BINABASA MO ANG
ORDINARY HEARTS [✓]
Fiksi RemajaThis is a story of people who has ORDINARY HEARTS. Pero kahit kailan hinding-hindi magiging ordinaryo ang kwento ng kanilang mga puso at tadhana.