ORDINARY HEARTS
Chapter 5: Have to Cry Again
(Play the song:)))
MALALIM ang iniisip ni Chloe habang umiinom siya ng juice para sa almusal. Busy rin siya sa pagtitig sa picture ni Castiel. Kinuhanan kasi niya ang binata ng mga stolen shots. Kaya kung nagkataong nakakatunaw ang titig ni Chloe ay malamang tunaw na ang kanyang cellphone sa kakatitig kay Castiel.
Galit ba siya sa’kin? Tanong niya sa sarili saka napabuntong-hininga na lang. Hinamig niya ang sarili nang mapansing sasaluhan siya ng kanyang Auntie Trinity.
Napansin niya na may kakaiba sa aura ni Trinity ngayong umaga. Kahit sino ay mapapansin iyon. Iyong tipong makangiti ay wagas na para bang wala ng bukas. Blooming na blooming din dahil sa fresh na fresh na kulay ng damit niya. Isang light pink na bestida na nakikisayaw sa bawat galaw ng katawan niya.
“Teka.. parang may kakaiba sa’yo Auntie ah.” Komento ni Chloe na napapangiti din dahil sa kakaibang saya sa mukha ng tiyahin. Naupo si Trinity sa katapat na upuan ng dalaga.
“Panong di magiging blooming e nadiligan kagabi?” Biro naman ng paparating na si January na narinig ang sinabi ni Chloe.
“Anong nadiligan?” Natanong ni Chloe na walang malay sa mga gaanong term dahil masyado pa siyang bata.
“Ssshh!” Bawal naman ni Trinity sa bunganga ni January.
“Sorry.” Paumanhin niya na sinamahan pa niya na mahinang hagikgik.
“Ano ngang nadiligan? What’s the meaning of that word?” Pangungulit ni Chloe.
“Enough.” Putol ni Trinity bago pa saan mapunta ang usapan iyon. “Get ready na para sa school mo okay? Baka ma-late ka.”
“Okay po.” Sunod na lang ni Chloe saka tumayo sa kinauupuan at naghanda na nga sa kanyang pagpasok.
“Madaling-araw ka na daw umuwi sabi ng mga katulong niyo ah. Saan ba kayo nagpunta ni Red?” Tanong ni January nang makaalis na si Chloe.
“Ba’t alam mong si Red kasama ko?” Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa mukha ni Trinity na hanggang tenga.
“Gaga! Ako kaya tumawag sa kanya!”
“Ah.” Saka napangiti na naman si Trinity tuwing tila may maaalala.
“Nag-DO kayo ‘no?” Hula pa ni January kung bakit tila napakasaya ni Trinity na dati naman ay hindi ganito ang aura.
“Do?” tapos ay panatawa siya ng malakas.
“May nangyari nga sa inyo?” Lalo pang naging curious ang si Januray tungkol sa nakaraang gabi ni Trinity kasama si Red.
“Gaga!” Saka tumingin pa sa paligid si Trinity as if namang may nakikinig sa kanila. “Akin na lang ‘yun!” Saka siya ngumiti na naman na parang nababaliw. Pero masaya na rin si January para sa kaibigan dahil sa loob ng matagal na panahon ay ngayon na lang niya ulit nakita ang mga ngiting iyon na tanging si Red lang ang nakakapigbigay sa kanya ng ganoong saya.
“Pero friend whatever happen sana alam mong..” medyo natigilan si January. “..m-may asawa pa rin si Red.” Paalala naman ng concern lang naman na kaibigan.
BINABASA MO ANG
ORDINARY HEARTS [✓]
Novela JuvenilThis is a story of people who has ORDINARY HEARTS. Pero kahit kailan hinding-hindi magiging ordinaryo ang kwento ng kanilang mga puso at tadhana.