Chapter 3: Comes and Goes

1.7K 57 6
                                    

ORDINARY HEARTS

Chapter 3: Comes and Goes

                Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ipagtapat ko kay Emma ang totoo. Ang katotohanang tila gumunaw sa mundo niya at sa buhay naming mag-asawa. Bigla siyang nanlamig at parang nawalan ng gana sa relasyon namin. I can’t blame her because I know for a fact what the reason is. Lumabas na rin ang resulta ng test niya at napatunayan ngang ako ang may problema at hindi siya.

                Napatayo sa sofa si Red sa pagbukas ng pinto. Agad niyang sinipat kung ang asawa na niya ang dumating at hindi nga siya nagkamali sa hinala. Lasing na naman ito at gusot-gusot na naman ang damit na tila ba nagahasa.

                “Lasing ka na naman.” Mahinahong saad ni Red.

                “W-wala kang p-pakialam!” Paduro-duro pa ni Emma na halatang hilong-hilo na sa dami nang nainom sa bar. Muntik na siyang bumagsak at mabuti na lang ay agad siyang nasalo ni Red. Tahimik lang si Red habang buhat ang asawa na wala sa wisyo pero mababakas sa mga mata ang labis na pagdurusa. Maluha-luha ang mga ito habang pinagmamasdan lang si Emma na nagpapaikot-ikot sa kama habang lamon ng maraming alak sa katawan. He keep blaming himself for what’s happening with Emma. He can’t help it but to cry. Cry and cry and cry for a fact that he can never have a child. 

                MATAMANG pinagmamasdan ni Red ang asawa habang tulog na tulog nang tumunog ang cellphone niya. Si Trinity ang tumatawag.

                “H-hello?” Medyo paos pa ang boses niya dahil sa dami na ng alak na nainom niya.

                “A-ayos k-ka lang?” Mahinang tanong ni Trinity pero puno ang tinig niya ng pag-aalala.

Ilang beses na napalunok si Red at napabuntong-hininga bago sumagot.

                “I think she found better than me.” Bulalas ni Red na masamang-masama ang loob dahil sa mga pinaggagawa ni Emma.

Natahimik si Trinity bigla dahil sa sobrang pagka-awa sa minamahal.

                “Just keep holding on. Maaayos niyo pa ‘yan. Mapapag-usapan niyo pa ni Emma ‘yan.” Mga salitang kahit si Trinity ay hindi alam kung saan niya hinugot. Suppose to be ay nagdidiwang na ang puso niya dahil sa mga nangyayari pero she’s not that kind of woman kahit na sobrang mahal niya si Red.

Napailing na lang si Red saka lumagok muli ng alak.

                MAAGANG bumangon si Chloe at bumaba sa garden. Nadatnan niya ang Auntie niya na malalim ang iniisip habang hawak ang kanyang cellphone.

                “Mukhang in-love na si Auntie Trinity ah.” Kantsyaw pa ni Chloe na walang kamalay-malay sa nangyayari.

                “Aga mo atang nagising?” Saad ni Trinity saka nakipag-beso-beso sa pamangkin.

Naupo si Chloe sa katapat na upuan ni Trinity.

                “What’s that face? May problema ba?” Tanong niya pagkuwan.

                “W-wala.” Tanggi niya. Kahit close na close sila ni Chloe ay hindi niya binabanggit dito ang tungkol sa damdamin niya para kay Red though alam na niya na ex-bf niya ito.

                “E bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Tanong muli ni Chloe saka pumapak ng hotdog.

                “Sabi ko nga ‘di ba, wala, wala, wala.” Saka na lang siya ngumiti para hindi na pa magtanong ang makulit na pamangkin. “Mabuti pa maligo ka na at mag-ready ka na para sa school mo. Baka ma-late ka na naman.” Pagkuwa’y utos na lang niya na sinunod naman ng pamangkin.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon