Chapter 4: Lonely Hearts

1.6K 53 9
                                    

ORDINARY HEARTS

Chapter 4: Lonely Hearts           

                KARESPE-RESPETO si Chloe sa suot niyang black na polo shirt na naka-tucked-in sa skinny jeans niyang itim din ang kulay. Naka-ponytail din siya at naka-touch ng simpleng make-up ang kanyang mala-diosang mukha. Idagdag pa ang sosyalan niyang pagdadala ng bag na nakasukbit sa kanyang kanang-may. Lahat ‘IDOL’ siya pagdating sa fashion dahil na rin sa mga magagarbo nitong mga damit na suot sa tuwing papasok siya kaya lahat ay mangha-mangha. Pero isa lang ang di maaalis sa mga kapwa estudyante niya.

                She’s a bitch.

                Wicked witch.

                Maganda nga siya pero masama naman ang ugali.

Iilan lang ‘yan sa mga iniisip ng iba tungkol kay Chloe dahil na rin siguro sa pagka-sopistikada nito. But Chloe doesn’t care what other students say about her because she knows herself better than anyone. At hindi ang tulad ni Chloe sa isip ng iba ang mai-in-love sa isang kagaya lang ni Castiel na kahit ubod pa ng talino at scholar sa kanilang eskwelahan. At iyon ang kinakatakot ni Chloe, ang mahulog siya sa kagaya ni Castiel dahil unang-una na ang popularity niya bilang pinaka-magandang dilag sa university. At she’s not ready to step down sa limelight na tinatamasa niya. Lumalabas na rin kasi siya sa mga magazines at ibang fashion shows pati na rin sa mga commercials. At she can’t lose that limelight just because she’s in-love with Castiel. Isang mahirap na trabahador sa isang coffee shop kung saan sila unang nagkita ng binata.

                Nginingitian ni Chloe ang bawat madaan niyang mga estudyante na nagha-hi sa kanya. Inaamin niya na perfectionist niya at maarte pero dahil iyon sa pagiging cozy at sobrang pag-aalaga ng kanyang Auntie Trinity at ng kanyang abuela.

                Sinalubong siya ni Helena at Graziella pagdating sa may dulo ng hallway.

                “At bakit hanggang tenga ang ngiti mo diyan hah?” Napuna naman ni Graziella.

                “Nothing. I just feel inspired for today.” Nakangiti niyang sagot.

                “Inspired?” Takang Helena. “At kanino naman?”

                “Secret.” Makahulugan niyang sagot saka pa nagpakawala ng malalim na hininga. Nagtungo sila sa tambayan nila sa harap ng university. Doon sila nagku-kwentuhan ng dumating ang isang estudyante. Tila idol na idol niya si Chloe dahil pati kaartehan nitong magsalita ay gayang-gaya niya nang i-approach niya ang grupo.

                “Hi Chloe.” Ani ng dalagang manghang-mangha sa ganda ni Chloe.

                “And who are you?” Taas-kilay niyang sabi.

                “Number one fan mo ako Chloe.” Lumitaw pa ang makapal nitong braces nang nginitian niya si Chloe.

                “Yuck.” React naman ni Chloe nang makita ang braces ng dalaga.

                “I wanna be your friend. K-kaya nga ako nag-transfer dito sa school mo para maging close tayo.” Halos mautal-utal pa ang dalaga.

                “Friend? You want me to be your friend? You must be kidding.” Mapang-insultong singhal ni Chloe.

                “A-ayaw mo?” Biglang nalungkot ang tinig ng dalaga na tila isip bata.

                “Ayaw ko! Specially mukha kang retarded na abnormal na nakatakas sa isang kulungan. Feeling ko nga mahirap ka lang. Feeling ko din bangungot ka.” Mga mapang-insultong salita ni Chloe na tila dumurog sa puso ng fan niya. Ultimo kasi necklace niya ay Chloe ang naka-ukit at pati mga notebooks niya ay picture ni Chloe ang nakalagay. Lalo pang nagpa-iyak sa dalaga ang mga huling salita na binitiwan ni Chloe sa kanya. At hindi lang ang fan niya ang nakarinig kundi pati ang parating na si Castiel na may dalang isang pirasong puting rosas na ibibigay niya sana kay Chloe. Pero natigilan ito nang mapansin kinagagalitan ang kapwa estudyante.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon