Chapter 2: Red

2.1K 73 8
                                    

ORDINARY HEARTS

Chapter 2: Red

                SINALUBONG agad si Chloe nina Helena at Graziella pagdating nito sa school.

                “Oh my gosh girl kalat na kalat na ang nangyari kagabi! Was that true?” Usisa ni Graziella na tsismosang-tsismosa ang dating.

                “Oo nga. Anong nangyari?” Tanong naman ni Helena.

Biglang nag-isip si Chloe kung sasabihin niya sa dalawa ang nangyari. Dahil kung sasabihin niya ay bababa ang popularity niya sa school. Never kasi siyang tumulong sa mga gano’ng gulo. And worst ay hindi maiwasan magbalik-tanaw ng dalaga sa nangyari kagabi.

                AGAD na sinugod sa emergency room si Castiel at nilapatan ng karampatang lunas. Tinahi ang putok nitong kilay at nilagyan ng maliit na band-aid ang putok niyang sugat sa gilid ng labi. Pagkatapos niyon ay naglakad na sila pabalik ng parking lot ni Chloe.

                “S-salamat nga pala.” Mahinang sabi ni Castiel.

Kimi-kiming ngumiti lang si Chloe saka nag-flip ng hair saka sinipit si Castiel.

                “Ako nga pala si Chloe Andrada.” Ngiti pa rin niya saka inabot ang kamay.

Sandali silang tumigil at nagkamay. “Castiel Fontilla.” Kahit masakit ay pinilit ng binata na ngumiti.

                “Gwapo ka pa din kahit puno ka ng sugat.” Tila mas kumerengkeng pa ang tinig ni Chloe.

                “Ano?” Natatawang tanong ni Castiel na kunwari hindi narinig ang sinabi ng dalaga.

                “Wala.” Iwas naman niya saka mabilis na pumasok sa loob ng kotse ng makalapit sila dito.

Iginagala ni Castiel ang mga mata sa loob ng kotse dahil first time niya kasing makasakay.

                “Ganito pala ang pakiramdam sa loob ng kotse ano?” Wika niya.

Tila gustong matawa ni Chloe sa sinabi ng gwapong binata.

                “So ibig sabihin ngayon ka pa lang nakasakay ng kotse? Talaga lang hah?” Namamanghang ani ni Chloe saka ibinalik sa daan ang tingin.

Medyo nahiya naman si Castiel sa ginawa niyang pag-amin. “O-oo. M-mahirap lang kasi k-kami.” Saka tumingin sa labas ng bintana ang bintana.

Hindi na lang kumibo si Chloe at nag-drive na lang hanggang sa maihatid niya si Castiel sa isang lugar na hindi inaakala ni Chloe na mapupuntahan niya. Sa isang eskwater area pero hindi naman ganoon kalala ang lagay ng mga tao. Para lang naman siyang artista pagbaba niya ng kotse dahil halos lumuwa ang mga mata nila sa kagandahan ng dalaga. Hindi na sana nagpapahatid si Castiel pero mapilit talaga si Chloe kaya pumayag na rin ang binata.

                “Alam mo first time ko lang din makarating sa ganitong lugar.” Komento niya habang nagpapaalam na si Castiel.

                “Halata naman e.” Ngiti-ngiti ni Castiel na medyo naiilang pa rin sa presesnsya ng dalaga. “Salamat sa pagahatid saka dun sa hospital.”

                “Okay lang.” Saka na bumalik sa loob ng sasakyan niya si Chloe na may kakaibang ngiti na hindi niya malaman kung bakit.

                MABILIS na napabalik sa reyalisasyon si Chloe dahil baka makahalata ang dalawa niyang kaibigan.

                “Ano ngang nangyari kagabi? Sino ba ‘yung tinulungan mo?” Natanong naman ni Helena.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon