Chapter 10: Lie Until You Succeed

1.3K 32 3
                                    

Ordinary Hearts

Chapter 10: Lie Until You Succeed

 (Platy the song, please?)

                 BUSY si Chloe sa pagtatahi ng mga damit na irarampa na niya next week sa fashion show sa designated room para sa kanilang mga sastre. Siya na lang mag-isa doon dahil nag-alisan lahat nang dumating siya. Ganoon na siya ka-hate ng mga kaklase niya dahil sa pagbaba ng popularity niya sa school dahil sa pagde-date nila ni Castiel. Para siyang may sakit na nakakahawa at pinandidirihan ngayon. Kaya labis na kalungkutan ang kanyang nadarama. But again, inisip na lang niya muli ang binatang nagpapatibok ng kanyang puso at sandali lang ay sasaya na siya.

                She smiled at mas ginanahan pa siyang manahi. Pinukaw ang kanyang magandang aura nang may pumasok sa pinto. Hindi na niya iyon pinagkaabalahang sulyapan dahil alam niyang isa lang ‘yon sa mga estudyanteng nilalayuan siya.

                “Chloe...” mahinang tawag sa kanya ni Castiel saka naupo sa may kabilang upuan na katabi ng dalaga.

                “O, ikaw pala!” Mas lalo na atang gumaganda ang araw niya, isip niya. “Anong ginagawa mo dito?” Nakangiting tanong niya.

                “May sasabihin sana ako...” ginagap niya ang kamay ni Chloe saka marahan itong pinisil.

                Naku naman! Magtatapat na ata siya ng pag-ibig niya para sa’kin! Mabuti na lang at walang-tao dito! Alam ko kapag nakita nila kami na ganito ay siguradong lalamunin na ako ng mga grupo ni Emerald! But I don’t care! Buhay ko ‘to!

                “Anong sasabihin mo?” Bigla siyang na-excite.

                “Clap! Clap! Clap!” big na namang sumulpot sina Emerald.

                Kapag minamalas ka nga naman! Peste!

                “Nilalanggam na kayo ah!”

                “Ano na naman—“ patayo niyang sinabi iyo at mukhang papatulan na niya ito pero naging maagap si Castiel sa pagpigil sa kanya.

                “Wag mo na silang patulan...” bulong nito sa kanya.

                Mabuti na lang at nandiyan siya sa tabi ko. Dahil kung hindi baka nilampaso ko na naman itong mukhang dimonyang ‘to! Kinalma niya ang sarili saka mabilis na kinuha ang bag sa may mesa niya at pinatay ang ilaw ng table niya.

                “Tara na nga!” aya niya kay Castiel saka na sila lumabas ng room na iyon.

                “Magbabayad ka ng malaki sa ginawa mo, bitch!” sigaw ni Emerald at sigurado niyang narinig iyon ni Chloe.  Pagkatapos niyang panlisikan ang pintong nilabasan ng dalaga ay binalingan niya ang mga tinatahi nitong mga damit. Saka siya ngumiti at siguradong maitim ang balak niyang iyon na pagganti sa dalaga.

                BALISA na si Emma at hindi na niya alam ang gagawin dahil hindi umuuwi si Red. Kung umuwi man ito sa bahay ay mukhang tinityempo nitong wala siya.

                Iniiwasan ba niya ‘ko? Bakit? Natanong niya ang sarili saka napahawak sa kanyang tiyan.  Alam na kaya niya?

                “Parang ang putla mo ‘te?” puna sa kanya ng pababa mula sa hagdan na si Gray. Sinasarado niya ang butones ng kanyang polo dahil papunta na siya sa restaurant. “May sakit ka ba?”

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon