Ordinary Hearts
Chapter 14: I am Chloe Andrada
(Please play the song!)
Tatlong katok ang narinig ni Xavier bago nagbukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Nakaupo siya sa gilid ng kama nang datnan siya ng nakababatang kapatid na si Crowley.
“Kuya?” may pagkagimbal sa tinig niya at napaluhod sa harapan ng kanyang kuya. Nangingig ito at pawis na pawis. “K-kuya....” garalgal na ang tinig ni Crowley dahil alam niyang may nagawa na naman ito na hindi maganda. “K-kuya s-si Chloe? A-anong nangyari sa inyo?!” nanginginig na siya dahil alam niyang hindi magiging maganda ang ibabalita ng kanyang kuya.
“I... I...” hindi makapagsalita si Xavier dahil halo-halong emosyon ang kanyang nasa dibdib at hindi alam kung saan niya uumpisahan ang paliwanag.
“Anong nangyari Kuya!” Crowley’s freaking out dahil gusto na niyang malaman ang nangyari sa kanilang dalawa ni Chloe.
As he stood up ay unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang nakaraang gabi.
HE was on that coffee shop nang makita niyang dumaan si Chloe, ang ultimate crush niya sa campus. Mabilis niyang binayaran ang kanyang kape at lumabas upang sundan ang basang-basang Chloe. Hindi muna siya lumapit at ang plano lang niya ay sumunod upang malaman kung saan ito pupunta. Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita ito sa campus kaya naman nasasabik na siyang kausapin ito. Nabalitaan na rin niyang na-heart broken ito dahil sa pag-alis ng med student na si Castiel.
Nang makita niyang lumiko si Chloe ay binilisan niya ang lakad. Pero huminto siya sa may gilid nang napatigil si Chloe sa paglalakad at marahan itong napaupo sa kinatatayuan.
Umiiyak siya. She needs me. Hindi na pa nga siya nag-atubiling tulungan ang dalaga. Lumapit siya at sinabing...
“Don’t cry anymore...” he said in a husky voice. “Take my hand...” at agad naman iyong tinugon ng dalaga. Nang makatayo na si Chloe ay yinakap niya ito nang napahigpit at hinaplos ang basang buhok. Hindi na pinansin ng binata ang malamig na ulan; ang impotante ay ma-comfort niya si Chloe.
“Don’t you cry no more lady....”
Tila unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ni Chloe habang inaalalayan siya ni Crowley.
“Kaya mo pa?” tanong niya.
“H-hindi—“ saka na tuluyang nakatulog si Chloe. Tatawag na sana ng taxi si Crowley nang madaanan siya ng kanyang kuya Xavier.
“Sino ‘yan?!” tanong nito saka pinasadahan ng tingin ang natutulog na si Chloe sa kanyang mga bisig.
“Friend ko.”
Agad na bumaba si Xavier sa kanyang kotse at pinagbuksan siya para maipasok na si Chloe sa loob ng sasakyan. Sumakay na rin silang dalawa at nagmaneho na nga si Xavier.
“Saan natin siya ihahatid?” tanong ng kanyang kuya nang biglang may maalala. “Alam mo ba ang address niya? Ibigay mo na sa’kin at ako na ang maghahatid. Kanina ka pa pala hinihintay nila Mama at Papa sa bahay.”
Kumunot ang noo ni Crowley. Wala siyang tiwala sa kuya niya dahil sa mga nakaraan nito. Xavier was a drug user and nalulong siya ng husto sa paggamit nito—to the point na kailangan na siyang i-rehab. Gumaling naman siya pero nagkaroon ng komplikasyon.
BINABASA MO ANG
ORDINARY HEARTS [✓]
Teen FictionThis is a story of people who has ORDINARY HEARTS. Pero kahit kailan hinding-hindi magiging ordinaryo ang kwento ng kanilang mga puso at tadhana.