Chapter 20: Midnight Surprise

1.1K 40 8
                                    

 Midnight Surprise

 (PLEASE PLAY THE SONG.)

          This is the day that Trinity’s have been waiting for. Ang natatanging araw at pinaka-espesyal na araw ng buhay niya; her wedding day. Everything’s in place. Nandiyan na rin ang mga bisita sa kanilang malawak na hardin. The place is very cozy at napaka-private ng pagkaka-ayos ng paligid.

            Hindi ko akalaing lalakid din pala ako sa red carpet. At sa dulo nito ay naroon ang lalaking pinakamamahal ko.

            Mula sa kanyang likuran ay hinawakan ni Lileth ang kanyang magkabilang balikat. Kanina pa siya nakatitig sa ibaba mula sa bintanang iyon dahil sobrang saya talaga niya at ikakasal na rin siya sa wakas.

            “Ma...”

            “Congrats anak.” Humalik sa kanyang pisngin ang ina. “Kayo na ata ni Katherine ang pinakamagandang bride na nakita ko sa buong buhay ko.”

            Napangiting yumuko si Trinity at pinasadahan ang kanyang magarang gown.

            “Yeah. Pero pinagkaiba lang ng kasal namin ni Katherine ay sobrang magarbo ang naging kasal nila ni Nathan.”

            “What important to me is you will be with the one you love so much. I’m glad na ikakasal ka na Trinity.”

            Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa na ang seremonya ng kasal. Si Trinity na nga siguro ang pinakamagandang bride of her time. With that dress length na hanggang sahig; with a silhouette na ball gown ang pagkakabuhaghag, frontslit for skirt details and sleeveless ito.

            Lahat namamangha sa kanyang kagandahan at pagka-amo ng mukha though on her left side ay halata pa rin ang pagka-sopistikada ng kanyang aura.

            “Ang ganda talaga ni Trinity.” Bulong ni Klaus sa kasintahan na si Gray. Going strong pa rin ang dalawa at hindi sila kagaya ng ibang couple na habang lumilipas ang panahon ay nagkakalabuan. Sa pagdaan kasi ng mga araw ay mas lalo nilang minamahal ang isa’t-isa.

            Nagdidilim na naman ang mukha ni Jeboy habang tinititigan ang dalawa pero umayos siya dahil ayaw naman niyang sirain ang wedding ni Trinity.

            “Tayo kaya, anong magiging itsura ng kasal natin?” Tanong ni Crowley kay Chloe habang marahang pumisil pa sa kanyang kamay.

            “Gusto kong wedding gaya ng kay Mama. Sa gitna ng dagat kung saan imbitado ang hangin at tubig kasama na rin ang alon ng dagat.”

            “Hmm.” Ngumiti si Crowley. “Sounds romantic as ever.”

            “Yeah.”

            “Kailangan pala umpisahan ko ng mag-save ng maraming pera.” Saka sila napahagikgik ng mahina.

            Hindi ko alam kung saan ko pa ilagagay ang kaligayahan sa loob ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ko pa o kanino ko pa maaaring ibahagi ang bawat ngiti ko. Nang sagutin ko ang tanong ng pari kung gusto ko bang makasama si Red habang buhay ay tila daig ko pa ang nakikipag-unahan na batang babaeng ubod ng talino na sumagot sa kanyang guro. Siguro nga pwede na rin akong mamatay nito pagkatapos ng kasal dahil sa wakas at sa hinaba-haba nga naman ng prusisyon ay sa simbahan din pala ang tuloy naming ni Red.

            Namamangha si Red sa bawat kislap ng katipan. Every glance of her is like an angel came from the sky.

            I don’t know how to smile thinking that Trinity would be married to me kahit na alam naming parehong hindi kami magkaka-anak. I know everyone’s dreaming a perfect picture of a family; gaya na lang ni Nathan, ang bestfriend kong nasa langit na ngayon kasama si Katherine. May kung anong sa puso ko na nakakadama ng guiltiness for the fact that Trinity loves me so much; na kaya niya ako pakakasalan kahit hindi kami magkakaroon ng perpektong pamilya. But I promise this to you God, I will love her and I will never, ever leave her.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon