ADVERTISEMENT: Bago niyo po simulan basahin ang bagong yugto ay gusto ko lang pong ipaalam sa mga avid readers na nag-upload po ako ng isang buong libro para sa inyo. RENDITION OF BROKEN HEARTS. Please click the EXTERNAL LINK. Salamat.
. . .
Growing Pains
“Wala ka na ba talagang balak na ituloy ang fine arts?” Crowley asked her.
She rests her back on the porch and looked at him and smiled after a second.
“Yup. I don’t care kung hindi na ako mag-aral. Besides kahit naman siguro tumanda ako e, hindi mauubos ang perang iniligay ni Dad sa bank account ko. I’m planning to shift on another path. I wanna try something; something that would fire me up.”
“From the start I really adore your bravery, your personality. Kahit na nga may nangyari pa sa Auntie mo e patuloy pa rin ang laban. That’s why I’m falling in love you every now and then.”
Her face became serious for a moment. She probably thought of her Auntie Trinity. It’s been three months since the accident happened. Lahat naging malungkot sa nangyari. Lahat nakakaramdam ng awa para kay Red. But then she still gathered all her thoughts and ngumiti dahil sa huling sinabi ng kasintahan.
“Let’s not talk about her. Nalulungkot lang ako. Dadalawin ko na lang siguro siya mamaya. Ako rin naman e, mas minamahal na kita ngayon.”
“Okay.” Tango ni Crowley saka kinuha ang coke in can na binaon nila para sa picnic nila ngayong araw dito sa park. He stretched his arms at inakbayan si Chloe at marahang dinampian ng halik sa pisngi.
PINASADAHAN ni Gray ang papel sa clipboard na hawak niya. Binilang niya ang mga supply sa stock room at muling ibinaling ang tingin sa board na hawak saka nagsulat. Pagkatapos niyang i-check ang mga stock nila sa storage room ay lumabas na siya at tinungo ang cashier.
“What a wonderful day.” Ika niya sa isang staff na babae.
“Oo nga sir. Punong-puno tayo ngayon. Patok na patok na talaga tayo sa mga estudyante sir.” Maligayang tugon naman nito dahil sa magandang pamamalakad ni Gray sa kanilang restaurant. Malapit kasi ito sa isang exclusive na university kaya naman ito na ang nagiging tambayan ng mga mayayaman na mga estudyante.
“Kaya keep up the good work.” Tinapik ni Gray ang balikat nito saka iniwan na. Dumiretcho siya sa kanyang opisina at nag-dial sa telepono.
“Hi!” Masayang wika niya sa kabilang linya.
Klaus sighed heavily. Halatang pagod na sa pagta-trabaho dahil wala pa siyang tulog dahil sa magdamagan niyang pagbabantay sa nira-rush nilang mga imprints ng libro. Ayaw naman niyang iwanan ang kanyang publishing house dahil gaya ni Gray; tutok din siya sa sariling kabuhayan. Mahal na mahal niya ang publishing house na ito dahil naging puhunan niya ang sariling pera at pagod dito kaya naman pinag-iigihan niya ang pamamalakad dito.
“Get yourself a rest. Baka mapano ka niyan.” Alalang sabi ni Gray sa kasintahan dahil ilang araw na ngang pagod si Klaus.
“Yeah, right. I should take a rest dahil sobrang sakit na nga ng ulo ko.” Daing niya saka sumapo sa sintido.
“See? Hayaan mo na ang OIC mo diyan. Kaya na niya ‘yan. Baka mapano ka pa niyan e. Ilang araw ka ng hindi nakakatulog ng tama ah.”
BINABASA MO ANG
ORDINARY HEARTS [✓]
JugendliteraturThis is a story of people who has ORDINARY HEARTS. Pero kahit kailan hinding-hindi magiging ordinaryo ang kwento ng kanilang mga puso at tadhana.