"Dahan-dahan ka nga lang!" sigaw ni Shenela.
Nagmamadali akong lumabas dito para agad na ako makapunta ni Warden, nagagalit na lahat ng mga pasahero kasi parang tinulak ko na silang lahat para makalabas na agad ako pero hinatak ako ni Shenela.
"Ano ba, Ace! Almost 1:00 AM na!" dagdag niya. Doon lang ako napahinto, hindi ko na pala namalayan na 1:00 AM na, siguradong tulog pa si Warden sa ganitong oras.
Pumunta na kami sa bahay ni Shenela at pagkakita ko sa bahay ni Warden ay parang walang tao. Pupunta sana ako pero hinawakan niya ang braso ko at umiling. "Bukas na, wala din naman siya dyan, eh."
Pagkapasok namin sa bahay nila Shenela ay parang walang tao, madami kasi silang mga maids pero naalala ko lang ay 1:00 AM na pala, baka natututlog na sila.
Naligo muna ako at nagbihis, nakihiram lang ako ng damit ni Shenela, mabuti nalang tagala na meron siyang madaming mga undies na hindi niya pa ginamit baka ma-sakal ko siya kasi hindi niya ako binigyan ng oras mara mag impake. Ewan ko din sa kaniya bakit hindi pa siya umalis na 3:00 PM naman ang flight niya.
***
Madaling hapon na ako gumising at wala na si Shenela sa tabi ko, siguro pumasok na sa office niya dahil hindi din naman siya nakapasok kahapon. Lumabas ako para tignan kung sino-sino ang andito sa bahay niya pero ang mga maids niya lang, pero parang hindi na pareho dati na madami.
"Good morning, Ma'am. Kain na ho kayo," sabi ng maid at ngumiti lang ako. Wala na akong oras pa para kumain kasi andito ako para puntahan si Warden.
Tinawagan ko din si Mommy para sabihinsa kaniya na andito ako ngayon sa Mindanao at nag i-expect na ako na sesermonan niya ako kaya 'yon, na sermonan talaga ako kasi baka mapaano nanaman ako pero wala na akong pake ang gusto ko lang ngayon ay makausap ni Warden.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako, sa damit ni Shenela, sabi niya kasi kagabi. Bibili nalang siguro ako bukas pero parang naiwan ko din namang ang luggage ko sa bahay ni Warden.
Lumabas na agad ako narinig ko pa nga ang mga maids ni Shenela na kumain daw muna ako pero sinabi ko lang na busog pa ako, wala din namang akong gana kumain, eh. I rang Warden's door bell but there were no answers. Pindot lang ako ng pindot pero wala talaga at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
I tried calling Shenela to ask her if she knew where would be Warden at this hour pero hindi din siya sumagot kaya lumabas ako sa subdivision para kumuha ng taxi at pupunta ako doon sa site. Doon sa pinatayo naming branch na Gomdil Hospital dito, nagbabakasakali na andoon siya.
Tumakbo ako papunta sa site at tinignan ang mga tao doon, hindi na ako nagtanong kasi busy din naman sila pero ng nakita kong wala si Warden ay hindi na ako nag dadalawang isip at sumakay ulit ng taxi para hanapin kung nasa Hospital ba siya dito.
Northern Mindanao Medical Center. Wala.
Cagayan de Oro Medical Center. Wala
Cagayan de Oro Polymedic Medical Plaza. Wala.
Maria Reyna-Xavier University Hospital. Wala.
Capitol University Medical Center. Wala.
![](https://img.wattpad.com/cover/297535274-288-k776117.jpg)
YOU ARE READING
Lost In Your Eyes (Stolen Romance Series #1)
RomanceStolen Romance Series #1 Second Chance Trope Are there any other options if you don't want to go?