"Doc, naka stable lang po ang pasyente," sabi ng Nurse.
Meron kasi akong critical na pasyente na binabantayan ngayon, dumating lang kanina at naka observation lang siya.
It's been three days since me and my Mom talked, palagi akong nag contact ni Warden pero wala pa din akong sagot na tanggap sakaniya. One week and three days na ang lumulipas pero wala pa din. Napagisipan ko sanang bumalik nalang doon sa Mindanao pero merong critical na patient.
Nag rounds na din ako, some of the patients are complaining at binigyan ko din naman ng mga solutions. Bumalik na agad ako sa office ko, as usual doing some paper works, checking emails and others.
Habang nag rereply ako ng mga email ay merong pumasok sa office ko ng hindi man lang kumatok, so I assume that it's either Tiger or Parker, hindi 'yon kasi sila kumakatok tuwing papasok sila, mga bastos kasi, note the sarcasm.
"My dear, Ace!" tinignan ko sinong sumigaw at just as I expected, si Shenela, bagong member sa mga bastos na hindi kumakatok tuwing papasok sa office.
"Katok ka naman, bastos," sabi ko habang umiiling at tumawa lang siya sa akin.
"Na miss kita! Na miss mo din ako diba? Diba, Ace? Shempre 'Oo' ang sagot mo, diba?"
"Hindi." I shrug.
"How's this for your answer?" she raised her middle finger at me. "Ang bata mo naman, lumaki ka na!" ganti ko.
"So, kumusta ka na? Tumawag si Tita," before I could ask why is she here, I got my answer already. My Mom called her. "Kailan lang?" tanong ko habang nag checheck pa din sa mga emails. "Kanina lang."
Huminga ako ng malalim at pumunta si Shenela sa gilid ko, dinala din niya ang upoan ko at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Her small gesture assured me that she is always here with me, and I know that.
"Nasabi ko na," I said and laughed a little. She went up and squeezed my shoulders. "I'm so proud of you." She said and smiled.
Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng pinag-uusapan namin ni Mommy pero hindi ko na sinali 'yong umiyak ako. It's not necessary anymore, sa akin na 'yon.
After that ay nag check na din ako sa mga pasyente ko bago akong umalis sa hospital, nag out ako ng maaga kasi andito naman si Shenela pero nala on call lang ako kasi merong critical na pasyente.
"Mag shopping tayo!" I gave her a look at tumawa lang siya. Ang corny ng joke niya, gabi na kasi at siguradong mag coclose na ang mga mall, mabibitin nanaman 'to. Bumili lang kami ng pagkain para e take out, ayaw kong magluto ngayon, eh.
Hinanda na ni Shenela ang mga pagkain namin at habang ginagawa niya 'yon ay naligo muna ako para fresh. Pagkalabas ko ay naka handa na ang lahat pero hindi sa island table niya nilagay, nasa harapan ng couch ko, meron kasing glass table, "Saan ang vase diyan?" tanong ko habang pinatuyo ang buhok ko. Tinuro niya lang ang vase na nilagay niya sa coffee table ko at nag thumbs up ako sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/297535274-288-k776117.jpg)
YOU ARE READING
Lost In Your Eyes (Stolen Romance Series #1)
RomansaStolen Romance Series #1 Second Chance Trope Are there any other options if you don't want to go?