ICE XYRILLE'S POV
Nagulat ako ng biglang nag hubad ng damit si master zyke
"M-master!" Utal kong saad
"Oh bakit?" Tanong nito
"B-bakit ka po nag h-huhubad?"
"Maliligo na kase ako, wag kang matakot sakin." saad nito at ngumiti ng malawak. Naka hinga naman ako ng maluwag
"Halika" mahinahon nitong aya at pumasok sa isang pinto, tumayo ako at pumasok din roon.
"Master zyke, ano po ang lugar na ito?" tanong ko at tinitignan ang paligid
"May bowl" tinuro nya ang isang bagay na kulay puti "May bathtub" dagdag nito at tinuro din ang malaking bagay na kulay puti. "Edi cr"
Ah palikuran. Pasensya na hindi ko naman alam.
"Tumalikod ka" utos nito. Agad naman akong sumunod.
Ilang sigundo lang "Harap na"
Pag harap ko ay nagulat ako ng makita ko itong naka tapis nalang. Katulad nung itsura ng lalaki kanina sa 2nd floor daw
Hindi ko naman kase alam na ikalawang palapag iyon, hindiko naman kasi alam na palapag ang floor.
Pasensya na bampira lang. Bampirang walang ka alam alam, aish.
"M-master"
"Halika, hawakan mo to." saad nya at ibinigay saakin ang isang bagay
"Ano po ito?" Tumingin ako sa bagay na yun
"Sabon, kung inaakala mong shampoo yan, nag kakamali ka, sabon yan na liquid." saad ni master
Kahit wala man akong naintindihan sa sinabi nya ay nanahimik na lamang ako
"Lagyan mo yung bathtub" utos ni master
Lumapit ako sa kaninang tinuro nya at binuksan yung sabon daw. Saka ibinuhos sa bathtub. para lang itong tubig pero malagkit
"Tama na" utos ni master zyke kaya tinigil ko na ang pag buhos
"Buksan mo yung gripo" nanlaki ang mata ko. alam ko kung anong gripo dahil meron rin kami non pero plastic yun, ito ay gawa sa bakal
"Master, masakit po yung tiyan ko." pag sisinungaling ko
"Buksan mo muna yung gripo, mamaya kana bumaba."
Nilibot ko ang paningin ko. Nakakita naman ako ng maliit na panyo. kinuha ko yun atsaka nilagay sa kamay ko atsaka binuksan ang gripo
"Bakit kailangan mong kumuha ng panyo?" Takang tanong nito
"Wala po master, may mga bagay lang po na hindi mo maiintindihan" mga bagay na tungkol saakin
"At anong sinasabi mo, na bobo ako?" Galit nitong tanong
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat "H-hindi po ganon yon"
"Oh sya, teka ano nga palang pangalan mo?" tanong ni master zyke
Ngumiti naman ako "Ako po si Ice Xyrille Demonize"
"Ahh. sige na umalis kana, saka ice dun ang kwarto mo sa katabi nitong kwarto ko, pang anim." saad ni master zyke
Tumango lang ako
"Inuulit ko sa pang anim, baka kung saang kwarto na naman ang buksan mo." paalala nito
"Opo, sa pang anim" nakangiting saad ko. mag lalakad na sana ako nang mag salita ito
"Wait! May mga gamit kaba na dala o damit man lang?" Tanong nito. Umiling ako "Psh, gano kaba kahirap?" Mapang insultong tanong nito
BINABASA MO ANG
She's The Vampire I Love (COMPLETED)
Romance"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.