Chapter 24

94 6 0
                                    


ICE XYRILLE'S POV

"Hoy, gising!" nagulat ako ng may marahang humampas sakin sa braso.

hindi naman masakit, pero naiinis ako. agad akong nag mulat saka madaliang bumangon.

"ano ba zyke?! bat kaba nang hahampas?!" singhal ko sakanya.

Sumama naman ang tingin nya sakin. "Hoy babae, May kasalanan kapa sakin! wag mokong sinisigaw-sigaw dyan!" Galit na singhal nya kaya natigilan ako.

Hala, inaano ko ba sya? Natutulog lang naman ako tapos na galit sya ng ganyan?

"inaano ba kita?! natutulog lang ako tapos nagalit kana?! Pati ba naman pag tulog ko sisitahin mo paren?!" inis na singhal ko din. bigla naman nyang pinindot yung noo ko kaya inis kong tinapik ang kamay nya. "ano ba?! ano bang problema mo?!" inis na singhal ko ulit.

"sinabi ng wag mokong sigaw-sigawan! Pag ako binanas, sasamain ka." galit na banta nya.

aba? Ako pa tinakot ng lokong 'to!

"ano bang atraso ko sayo?!" Inis na singhal ko parin.

"talagang- hindi ka talaga titigil?" Sobrang dilim ng aura nya.

Nakaka-takot kana nyan?

"inaano nga kita?! Ano ba! sabihin mo nalang kase!"

nagulat ako nang hampasin nya nang malakas ang braso ko dahilan para mahulog ako sa kama, bigla nalang nangilid ang mga luha ko saka naka-ngusong binalikan yung ginawa nya.

dali-dali naman syang lumapit sakin. "S-sorry, Sorry... babe sorry, nabigla lang ako. Sorry." tarantang saad nya at akmang hahawakan ako nang umiwas ako.

"b-babe?"

"napaka-sama mo! Natutulog lang naman ako ah!" Umiiyak na saad ko saka tumungo at niyakap ang tuhod ko at parang batang umiyak.

"b-babe. I'm sorry, di ko po sinasadya" malambing na saad nya at akmang hahawakan ako nang tinapik ko ang kamay nya saka tumayo.

"ansama ng ugali mo! Wag mo na akong lalapitan kahit kelan! I hate you!" umiiyak na singhal ko.

nanlaki naman ang mga mata nya na parang nagulat. Tumakbo ako palabas ng kwarto at nag tungo sa sala.

naagaw ko naman ang atensyon ng mga kumakain sa kusina, gulat silang tumingin sakin nang makita akong umiiyak.

napa-upo ako sa sofa saka pinatahan ang sarili ko pero hindi ko nagawa.

itinago ko nalang ang mukha ko sa dalawa kong palad saka tahimik na umiyak.

narinig ko naman ang mga yabag ng paa papalapit sakin.

"Xyrille? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni sir roel pero hindi ko sya pinansin at patuloy na umiyak.

bigla namang may yumakap sakin. "Ate ice, okay kalang?" Ayon ang malambing na boses ni sweet candy. niyakap ko sya pabalik at sinubsob ang mukha ko sa balikat nya saka dun umiyak.

"ice? Ano bang nangyari?" tanong ni master nick pero hindi ko sya pinansin.

"heart!" umalingaw-ngaw sa buong bahay ang boses ni zyke.

"zyke, Andito yung girlfriend mo umiiyak!" sigaw pabalik ni sir zack kay zyke.

narinig ko naman ang mga yabag ng paa papunta samin. hinagod naman ni sweet candy ang likod ko.

"heart." ayon ang malungkot na boses ni zyke pero hindi ko sya pinansin.

"sino bang nag paiyak dyan? Tara babanatan ko." pag kausap ni sir zack kay zyke.

She's The Vampire I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon