ICE XYRILLE'S POV
ILANG ARAW na ang naka-lipas at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paanong nangyari na kayang mag lipat ng kapangyarihan ang mga matataas na bampira sa mga anak nila. Kung si amah ba ay supremo pa ngayon ibibigay nya kaya sakin ang kapangyarihan nya?
pero imposible ang bagay na yun dahil bukod sa maiisip ni amah na mag kakaron rin naman ako ng kapangyarihan sa ika bente singkong kaarawan ko ay pwede rin naman nyang ibigay sa kapatid ko ang kapangyarihan nya at mas lalong imposible ang bagay na iniisip ko dahil bukod sa hindi na supremo si amah, eh patay na sya.
hindi ko lubos maisip na ang kaibigan nya pa na amah ni supremo demonic ang mag wawakas ng buhay nya.
"ina!" Tawag ko kay ina.
"ano iyon anak?"naupo sya sa tabi ko.
tinignan ko naman si ina. "ina, sa tingin nyo po pag sinabi ko po sa lahat na pinatay ng amah ni supremo demonic si amah eh paparusahan sya?" Tanong ko.
"yan ang wag na wag mong gagawin" seryosong sabi ni ina at naka taas pa ang hintuturong daliri.
"ngunit bakit naman ho?"
"hindi pwedeng malaman ng kahit na sino na ikaw ang anak ng dating supremo."
"Bakit ho?"
"Dahil matagal na kayo ng kapatid mo na hinahanap ng amah ni supremo demonic at gusto nya rin wakasan ang buhay nyo. Anak hindi pa'ko handa na mawala ka saamin ng amah mo." Nangilid ang mga luha nya. "Hindi man kami ang tunay na magulang mo ng iyong amah eh mahal na mahal ka namin ice, hindi pa'ko handa na mawala ka anak" niyakap ko si ina at hinagod ang likod nya.
"pasensya na ho ina. Pangakong hinding hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang aking sarili."
ZYKE'S POV
"Zyke! Ano ba lumabas kana jan!"
Sabing ayaw ko nga kumain.
"pwede ba nick?! kung gusto mong kumain, kumain ka. Wag kang mang istorbo, hindi ko hawak ang rice cooker!" inis na singhal ko, mas lumakas naman ang mga katok. Anak ng tupa may balak ba silang sirain ang pinto nang kwarto ko?
"Ano ba! Umalis na nga kay-"
"XYRILLE!!" Natigilan ako nang marinig ko sa labas ng kwarto ko ang boses ni roel.
"xyrille! You're back!!!" masayang sambit ni roel na syang ikina-laki ng mata ko. dali-dali akong tumayo at binuksan ang kwarto ko. Napatingin naman ako kala nick na naka cross-arm.
"Where is heart? Where is she?!" Luminga-linga ako sa palagid nag babakasakaling makita ko sya
"yuck, maligo kana nga tapos bumaba kana at kakain na tayo." ani zack.
"asan nga si heart?" Tanong ko
"tsk, pwede ba zyke? Hindi na sya babalik!" inis na singhal sakin ni nick.
"nick!" suway ni roel sakanya.
"ano? bakit ba kayo nag kaka-ganyan? daig nyo pa ang namatayan, slave lang yung nawala tapos ganyan na kayo maka react!" singhal ulit samin ni nick.
"pwede ba nick? Manahimik ka nga!" inis na singhal din ni cjay.
"Ano bang meron sa kanya at nag kaka-ganyan kayo? Ikaw zyke?" baling sakin ni nick. "bakit mo sinisira ang buhay mo ng dahil umalis yung lintik mong slave? slave lang yun zyke, slave mo lang sya pero kung makaasta ka kala mo namatayan ka ng girlfriend."
"at sinong kinginang nag sabi sayo na sinisira ko buhay ko?" seryosong tanong ko
"at bakit, hindi ba? Mula nang umalis si ice hindi ka na lumabas jan sa kwarto mo ha. Ni hindi ka na pumapasok. Sabihin mo nga sakin? inlove ka ba sa inosenteng babaeng yon?"
BINABASA MO ANG
She's The Vampire I Love (COMPLETED)
Romansa"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.