Chapter 1

655 17 0
                                    


ICE XYRILLE'S POV

Ilang taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng iyun. At hindi parin mawala sa isipan ko kung bakit ako gustong paslangin ng bampirang yun.

Limang taon palang ako ng mga panahon na yun at ngayon ako ay bente kwatro anyos na. malapit na rin ang ka-arawan ko kung saan pag sumapit ito ay magagamit ko na ang kapangyarihan ko na nakatago ng ilang taon at hindi na mag  babago ang itsura ko kahit pa ako'y tumanda.

Bampira ako pero hindi ko maintindihan kung bakit berde ang kulay ng mga mata ko. Ang lahat ng bampira dito ay pula ang mata. Maliban lang saakin.

Siguro nga ay mawawala ito pag sumapit na ang araw na hinihintay ko

"Iceee!" Tawag saakin ng kaibigan kong si keiffer.

ako nga pala si Ice Xyrille Demonize, green eyes, pointed nose, at may mapupulang labi, kulay pula ang aking buhok, at maputla ang aking balat gaya ng mga kauri kong bampira.

Lumabas na ako ng bahay at bumungad saakin si kieffer. sya ang batang tinutukoy ko ilang taon lang ang nakaka-lipas.

Sya si Kieffer Zorphax, isa rin syang bampira, magandang lalaki ito at may mapupungay na mata, pula ang mata nito at matangos ang ilong, mapupula din ang labi nito pero hindi katulad ng saakin, kung baga ay parang kulay rosas.

"Tara na, mag iinsayo pa tayo, magandang binibini" magalang nitong saad at inilahad pa ang kamay

"hindi bagay sayo kieffer." natatawang sabi ko

Ngumiti lang ito

Naninirahan kami sa isang malaking bundok, lahat kami sa bundok na ito ay bampira. meron din naman ditong mga hayop, ngunit sila ay nakatago, marahil ay natatakot silang saktan ng mga ka-uri ko.

Pumunta na kami kung saan kami mag iinsayo

Nang makarating kami sa pag iinsayohan namin ay narito narin ang  mga istudyante ni maestro

Isa lang din kaming istudyante, nag aaral kami kung pano pumatay ng kalaban sa pamamagitan ng sandata at nang hindi ginagamit ang pangil.

Ni minsan ay hindi ko nakita ang pangil ko o naramdaman ito. ang sabi ni ina ay lalabas lang ito kapag sumapit na ang ika-bente singkong kaarawan ko

"Magandang araw maestro" sabay naming bati ni kieffer

"Magandang araw din sainyo" bati ni maestro pabalik

Lahat ng bampirang 25 pataas ang edad ay hindi na nag babago ang itsura.  Nananatili silang mukhang binata at dalaga kahit na napaka tanda na nila, ang sabi daw kase ng mga ninuno namin pag bata pa kami maari pa kaming mag bago ng itsura o tumanda ang itsura namin. Pero pag dumating na ang ika bente singko na kaarawan ng mga bampira kung ano ang itsura nila bago sumapit ang kaarawan nila. Ay yun na ang magiging itsura nila habang nabu-buhay sila. Hindi kukulubot ang mga balat nila at hindi din tatanda ang itsura nito

"Pumwesto na kayo at sumunod sa mga ituturo ko" saad ni maestro kaya inilapag namin ang bag namin ni keiffer

Bag ang tawag namin dito. Ito kase ang madalas naming naririnig sa mga bagong bampirang naninirahan dito. Naririnig daw nila iyun sa mga tao. Ang bag namin ay gawa lang sa balat ng baboy ramo. Malinis ito at wala itong amoy gaya nang akala ng iba.

(Pa sling bag kase yung itsura nun, Para alam nyo. hehe.)

Pumwesto na kami at nag insayo na. sa kalagitnaan naman nang pag-iinsayo

"Itigil ang pag iinsayo" sigaw ni maestro kaya agad naman kaming sumunod sa utos nya. May kausap itong babaeng bampira

"Ice, halika." mahinahong tawag saakin ni maestro.

She's The Vampire I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon