ICE XYRILLE'S POV
Pag baba ko ng sasakyan ni master napatingin ako sa isang dereksyon na may nakatayong mala palasyo din sa laki
"Master zyke, papasok po ba tayo dyan?" Tanong ko at tinuro ang malaking parang tahanan lang din, maraming bintana na gawa sa bakal
"Saan? Sa mall? Oo bibili tayo ng mga damit at gamit mo" saad ni master zyke
Mall pala ang tawag roon. Pumasok kami sa mall, na mangha ako nang makita ko ang loob nito, napaka daming tao at napaka ganda ng paligid ngunit halos karamihan ay gawa sa bakal ang loob nito. Umakyat kami sa hagdan, dalawang hagdan ang inakyat namin, bago kami pumasok sa isang pinto. Nang makapasok kami ay nilibot ko ang tingin ko, puro damit, iba't ibang klaseng mga damit.
Diko ma-itatangging may nagustuhan akong damit, unang natamaan ng mata ko ang kulay itim na bistida na napaka ganda. Ganoon ang suot ng mga matataas na bampira mga dugong bughaw.
"Gusto mo ba yun?" Tanong ni master na nag pabalik sakin sa reyalidad
Kanina pa pala ako nakatingin sa damit na iyon. Nakakahiya, pero gusto ko talaga. tumango-tango ako
Ngumiti ito "Intayin moko dito" saad nya at umalis.
Umupo muna ako sa upuan, ilang minuto lang ay bumalik sya na may hawak.
"Oh ayan, naka maleta.ang dami kase." saad ni master
"Maraming salamat po master zyke" saad ko at yumuko
Ibinigay nya sakin ang tinatawag nyang maleta. Hinila ko iyon at napaka gaan lang dahil may gulong ito na syang nag papadali sa pag hila ko.
"Halika may pupuntahan pa tayo." si master zyke
Nag lakad na kami, habang nag lalakad.
"Ilan taon kana?" Tanong ni master
"18 po" pag sisinungaling ko.
"Mag ka edad lang pala tayo at yung mga lalaking ipinakilala ko sayo kanina kaedad lang din natin."
Mukhang naniniwala naman sya sa mga sinasabi ko.
"Nag aaral kaba?" Tanong ni master. Umiling ako. "Bilang slave naman kita, pag aaralin kita sa university namin." nakangiting saad nito
"Ano po yung university?" Tanong ko
Napa busangot naman sya. "Hysssttt, mamaya bibilhan kita nang libro, para di nako explain nang explain. kakapagod." saad ni master
ano daw?
Tumigil sa pag lakad si master, kaya napatigil na rin ako.
"Hintayin moko dito" saad ni master kaya tumango nalang ako. Pumasok sya sa isang pinto at maya-maya lang ay lumabas ito na may dalang bag
Bag na gawa sa tela? ang ganda!
"Oh, baka mag reklamo kapa." saad ni master at binigay ang bag saakin
Louis Vuitton. Basa ko sa sulat sa bag.
Marunong akong mag basa. Sa katunayan ay magaling akong mag basa, dahil tinuturuan ako ni ina simula nung bata pa ako.
"Salamat po master" nakangiti pasalamat ko
"Halika!" hinila nya ako papasok sa isang pinto. Katabi lang ng pintong pinasukan nya kanina
Pag pasok namin ay agad na tumambad saamin ang napaka raming libro. Lumayo si master zyke saakin at kumuha ng libro sa gilid at medyo mataas. Lumapit naman ito sa may lamesa at sa may babae. Ilang minuto ay bumalik ito papunta saakin
BINABASA MO ANG
She's The Vampire I Love (COMPLETED)
Romance"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.