ZYKE'S POV
"BAKIT BERDEEEE!" napatakbo kami nang marinig kong sumigaw si ice.
Nag unahan pa kami ni cjay, zack at roel sa pag pasok sa cr
"Ice!" Tawag ko. Napatingin naman ito sakin, dali dali akong lumapit at hinawakan ang dalawang braso nito. "ayos kalang? Ayos kalang ba?" Tarantang tanong ko.
"m-master, okay kalang po? Bakit ka po hinihingal?" Tanong nya rin napatingin naman ako sakanya.
napaka inosente nya, pati ang reaksyon nya sobrang hinahon. Masyado syang inosente.
"wala. Bakit kaba sumigaw?" Tanong ko
"wala po, master."
sa pagiging inosente nito parang hindi nya kayang mag sinungaling.
"xyrilleeeee!!" nangibabaw ang boses ni roel. "xyrille ayos kalang ba? Napano ka? Sinong nanakit sayo?" Tarantang tanong ni roel.
Ngumiti lang si ice.
Ibang klase ang pagiging mahinhin.
"WAAAAAAAH!" nagulat kami nang sumigaw si cherry, classmate namin.
"OH MY GOD! anong ginagawa nyo dito king zyke?!" sigaw nya. taranta naman kaming lumabas.
ICE XYRILLE'S POV
"omg girl. Bat ka nag papasok dito ng boys? hindi mo ba alam na cr 'to ng mga babae?" Maarteng sabi nitong babae sa harap ko.
Tinignan ko ito "pasensya na" tumango ako at lumabas. agad naman akong umupo sa tabi ni master zyke
"Master" nakangiting tawag ko sakanya.
"what?"
"ahmm. Wala po." saad ko. Hindi naman nya ako pinansin.
Grabe. Hindi ako makapaniwala. panong nabago ulit ang mata ko sa isang iglap? isa akong bampira pero bakit hindi nanatili ang dapat ay matagal ng kulay ng mata ko? bakit berde parin?
"master" tawag ko ulit kay master zyke.
"umm?" Tanong nito at saka tumingin sakin.
"hmm, master. Alam nyo po ba kung sinong posibleng mag may ari ng green na mata?" tanong ko.
tinignan naman nya ako na para bang sinusuri ang emosyon ko kaya hindi ko yun binago.
"anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
"kung may alam po kayo na may matang katulad ng akin." saad ko.
napa ngiti naman sya.
"sa tao? Wala pa. Pero meron akong alam. Hindi nga lang nag eexist." nakangiting sabi nya.
"Ano po?" tanong ko.
"Lobo" saad ni master.
Lobo
Lobo
Lobo
paulit-ulit na nag echo sa pandinig ko habang nakikita ko ang imahe ng isang lobo. May kulay berdeng mga mata. Yellow green na may pag ka light na katulad na katulad ng mata ko.
hindi ko alam kung bat bigla nalang lumitaw ang imahe nito sa paningin ko at mas lalong hindi ko alam kung bakit na punta sakin ang katulad ng mga mata nila at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang may umi-echo sa pandinig ko habang may imaheng lumalabas mula sa mga mata ko. ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko.
"ice?" tawag sakin ni master kaya nabalik ako sa huwisyo
"bakit po master zyke?" Tanong ko.
ngumiti ito nang malawak.
BINABASA MO ANG
She's The Vampire I Love (COMPLETED)
Romance"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.