Chapter 13

188 8 0
                                    



ICE XYRILLE'S POV

"Ipag-luluto kita, umupo kalang dyan." saad ni master

"pero master. wala ho akong gana" kunway malungkot na saad ko.

"At bakit naman?" Tanong ni master habang naka taas ang isang kilay.

syempre. Kakakain ko lang.

"sobrang pagod na po kase ako master eh." Palusot ko. na tigilan naman sya.

"g-ganon ba? Sige, mag pahinga kana muna."

"salamat po master." naka ngiting saad ko nginitian din nya 'ko.

Tumayo nako sa pag kaka-upo atsaka nag tungo sa dati kong kwarto, pag dating ko ay agad kong inilibot ang tingin ko at saka ngumiti.

grabe, hindi ko akalaing makakabalik ulit ako dito.

nang mahiga ako ay agad din akong naka-tulog.

KINABUKASAN

agad akong naligo at nag sipilyo at nang matapos ako ay agad din akong nag suot ng uniporme, saka lumabas ng kwarto ko at bumaba. nag tungo ako sa kusina kung saan may nakaupong limang lalaki at tahimik na kumakain.

"Hi manang" bati ko kay manang na may dalang walis tambo, ngumiti lang ito. "hi master, hi mga sir."

sumilay naman agad ang mga malalawak nilang ngiti pwera kay sir nick na hindi man lang nag abalang tapunan ako nang tingin

"Good morning, heart." Si master. umupo naman ako sa tabi nito.

"magandang araw din po" mahinang sabi ko. nagulat ako nang lagyan nya ng pagkain ang plato ko. "S-salamat po."

ngumiti lang si master at nag patuloy sa pag kain. Kumain na rin ako. nakakabinging katahimikan at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig ko.

"ice, may sasabihin kami sayo." pag basag ni sir cjay sa katahimikan.

"ano po yon?" Inosente kong tanong. Tinignan naman ni sir cjay si master na parang hinihintay itong mag salita.

"ah, mga sir. Asan po pala si chassy, merry, at sweet candy? bakit tayo lang ang nandito?" Tanong ko.

"Iba ang scedule nila, xyrille. Si merry at sweet candy, 7:00 am, ang umpisa nang klase nila, si chassy naman 6:30 tayo naman 9:00" saad ni sir roel.

"ah ganon po ba? Ano po yung sasabihin nyo?" Tanong ko. Natigilan naman sila.

"ah eh, ano. ahmm. Alam mo bang galit na galit sayo si prof?" saad ni sir zack pero batid kong hindi yun ang gusto nilang sabihin.

hindi ko mabasa ang laman ng isip nila dahil hindi naman sila tumitingin sa mismong mata ko.

"talaga? Bakit daw ho?" tanong ko.

"at talagang tinatanong mo pa? Ikaw ba naman may istudyanteng isang araw lang pumasok at nawala nalang na parang bula, di ka ba naman magalit?" sarkastikong tanong ni sir nick na naka pukaw ng atensyon namin.

Naks, unang beses na buka ng bibig sa araw na 'to sarkastikong tinig agad?

"ikaw ba naman palayasin, tignan ko kung maka pasok kapa." mahinang bulong ko habang nakatingin sa gilid ko. Ayokong tumingin sakanila.

"Ano yon? may sinasabi ka?!" pigil inis na tanong ni sir nick

"hala, wala ho. wala talaga." Umiling-iling ako.

"Tsk." singhal nya.

"ano po ba talagang sasabihin nyo?" Tanong ko kala sir cjay. Tumingin lang sila kay master.

She's The Vampire I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon