ICE XYRILLE'S POV
SUNDAY MORNING
nagising ako dahil sa ilang dampi sa labi ko.
dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nagulat ako nang makita ko si zyke na nasa ibabaw ko.
sa gulat ko ay naitulak ko sya dahilan para bumagsak sya sa sahig.
"aray! Huhu. Kakagaling ko lang sinasaktan mo na agad ako." biglang umiyak si zyke kaya dali dali akong bumaba.
may sakit nga pala 'tong kupal na 'to.
agad kong hinawakan yung mukha nya. "sorry, sorry. Ano ba kaseng ginagawa mo at nakapa-ibabaw ka sakin?"
"kiss" parang batang saad nya habang naka-nguso.
ah. Kaya pala may dumadampi sa labi ko kanin- anong?!!
"KISS?! BWISIT KA BAKIT MOKO HINAHALIKAN?!" inis na sigaw ko at sinuntok ko sya sa braso.
"aww. Huhu, ano bang problema? babe naman eh. Kaka galing ko lang po sa sakit eh, huhu!" iyak nya.
Psh.
Agad kong hinawakan yung leeg at noo nya, normal naman na ang init non kaso baka mabinat sya.
Inalalayan ko syang tumayo.
"nagugutom kaba?" tanong ko. Naka-nguso syang tumango-tango habang naka hawak sa braso nya, kung saan ko sya sinapak.
bumuntong hininga ako.
"maliligo muna ako" saad ko. Saka nag tungo sa cabinet ko at kumuha ng damit, pag katapos ay nag tungo nako sa cr at naligo.
nang matapos ako ay agad akong nag bihis ng jogger pants at crop top. tapos ay nag sipilyo na rin ako, saka ako lumabas nang cr.
"Halika na" anyaya ko. Ngumuso naman si zyke.
"baket ganyan suot mo?" Parang batang tanong nya habang naka-nguso.
"baket? Anong problema mo sa suot ko?" Tanong ko.
"kita yung whity pusod mo." Naka-ngusong aniya.
"then?"
"ayokong makita yan ng ibaaaaa!" arte nya.
"andami mong arte, saka wag ka ngang sumigaw! Pag ikaw nabinat sasapakin kita." inis na saad ko.
ngumuso naman sya at akmang papasok sa cr nang higitin ko ang kamay nya.
"at san ka pupunta?" Kunot noong tanong ko.
"sa cr, mag totoothbrush" naka-ngusong aniya. Binitawan ko naman sya.
"wag kang maliligo ha! Sasapakin kita tamo" banta ko.
"Oo na"
_________
"Zyke, hijo. How's your feeling?" tanong ni mommy kay zyke at saka sumubo ng pagkain.
"ayus naman ho. Mahal ko parin si ice" agad kong siniko si zyke.
"ang ibig nyang sabihin, kung ayos naba ang pakiramdam mo, puro ka kalokohan!" mariing bulong ko.
ngumuso naman sya. Inirapan ko sya atsaka sumubo ulit ng pagkain.
"ah. Ayus na po ang pakiramdam ko." saad ni zyke.
"syempre, magaling nurse mo eh" masungit na saad ni kieffer, siniko ko naman sya.
"what?" Cold na tanong sakin ni kieffer.
BINABASA MO ANG
She's The Vampire I Love (COMPLETED)
Romance"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.