16 ✌🌸🍦

36 1 0
                                    


ARA's POV



All is fair in love and war... Pero nakaka-guilty naman kung susulsulan ko si Thomas. Gumugulo pa rin sa isip ko ang napag-usapan namin ni Thomas noong Friday. Ayoko namang i-manipulate ang decision niya for my benefit, kasi parang susundin niya kung ano mang sabihin ko. Kaya hinayaan ko lang siyang magkwento ng tungkol kay Arra ng buong weekend.


As in, tuwing magkaka-chat kami o video call, puro reklamo niya kay Arra ang pinag-uusapan namin. Para bang ako ang gusto niya i-convince na patigilin na siya sa panliligaw. Hay.



Sabi niya, kesyo pinaglalaruan lang siya ni Arra, sagot ko naman, playful pala siya kaya dapat masaya sila. Ginagawa daw siyang utusan, sagot ko, syempre nanliligaw siya kaya dapat laging best foot forward. At hindi niya raw nafi-feel na gusto din siya ni Arra.

Wala akong naisagot about doon, hindi ko naman kasi kilala ang ugali at nararamdaman ni Arra. Hmm, pero ni-remind niya lang ako na gusto niya talaga si Arra. Magkikita nga sana kami ngayon sa tambayan pero nag-cancel siya para makasama si Arra. Hay!




"So girls, may ikukwento ako sa inyo!" excited na sabi ni Mika nang dumating siya sa cafeteria.

"Ako din!" sabat ni Kim.

"Mamaya ka na, ako muna!" ---Mika.

"Nasaan si Jeron?" sabat ko naman.

"I don't know! Gusto ko talaga ikwento sa inyo ito in person..." ---Mika.

"Halata nga, kanina pa yan aligaga pero ayaw naman sabihin sa akin agad." dugtong ni Cienne.

"Wait, nagkita kayo ni Jeron last weekend at kayo na?" nanghuhula na si Camille.

"Ano ba?! Wag nga kayo Jeron ng Jeron!" inis na sabi ni Mika.

"Well, kami na ni Mela! Kahapon lang!" nakataas pa ang kamay ni Kim.

"Wow, congrats!" bati namin kay Kim. Hmm, nauna pa siya sa amin pero I'm happy for her and Mela.

"Nice, may dagdag na kaming pang-blackmail at ipang-aasar sayo!" tumaas ang kilay ni Mika.

"Ikaw lang noh!" sagot ni Kim at nagtawanan kami.

"Anyway, ready na ba kayo sa ikukwento ko?" tanong ni Mika at tumango kami. "Umamin sa akin si Axel at gusto niya akong ligawan!"

Nakangiti si Mika pero walang nagsalita sa amin. Natahimik kami at hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko.


"Hmmph! Noong si Jeron ang manliligaw, tuwang-tuwa kayo!" nag-pout si Mika. "Nalimutan niyo agad na sinaktan niya ako..."

"Eh di ba okey na kayo ni Jeron?" nagtatakang tanong ni Camille.

"Ay oo nga! Oo nga!" sagot ni Mika. Mukhang nataranta na naman siya. Nag-iba nga ang trato niya kay Jeron kahit binigyan niya ulit ng chance. Hindi consistent ang sinasabi at kilos niya pagdating kay Jeron.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon