8 ✌🌸

1.8K 56 16
                                    


MIKA's POV



It's Sunday funday! Puro relaxation at kain lang ang gagawin ko, kasi uuwi din ako sa bahay namin mamaya. Tamad-tamadan mode muna. Hihi. Pero syempre kaya lalong naging masaya dahil walang Jeron! Pinagbawalan ko na siya magbigay ng gifts sa akin at sinunod naman niya, except lang sa cupcake. Alam niya kasing gusto ko kaya patuloy niya akong binibigyan. Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero madami na siyang naibigay sa akin, lalo tuloy akong nahihiya! Ba't kasi ang kulit niya?!



Pagdating ng tanghali, hindi muna ako kumain para umidlip. Himala nga eh! Haha. Pero itong si mama, tumatawag sa akin.



(Phone Conversation)


Me: Ma, maya-maya na ako uuwi...

Mama: Anak, ngayon ka na umuwi! (Parang excited si mama.)

Me: Di pa ako kumakain ma. Di pa din ako naliligo.

Mama: Maligo ka na! Hindi pa rin kami kumakain, sumabay ka na sa amin. (Isang sakay sa LRT lang naman ang pauwi sa amin, mga 30 minutes makakarating na ako doon pero tinatamad pa rin ako. Hehe.)

Me: Kumain na kayo, Ma.

Mama: Masarap ang tanghalian namin dito, Korean food!

Me: Wow, nag-takeout kayo? May okasyon ba? Tirahan niyo na lang ako ah!

Mama: Napakadami mong tanong Mika. Surprise dapat ito pero ang hirap mo pauwiin, galing kay Jeron Teng ang pagkain. Nandito siya ngayon kaya umuwi ka na!

Me: Ano po?! Bakit siya nandyan?!

Mama: Bilisan mo na! Mamaya na ang mga tanong!

Me: Okey po, bye Ma!



Jeron!!! Gusto kong sumigaw ngayon pero mas minabuti kong mag-ayos na. Dali-dali akong kumilos at wala pang 10 minutes ay natapos na akong maligo.


"Akala ko mamaya ka pa uuwi?" sabi ni Ara habang nag-aayos ako ng gamit.

"May emergency sa bahay, nandoon sa drawer yung doll shoes na hinihiram mo." sagot ko sa kanya. May lakad kasi sila ni Thomas mamayang gabi kaya siya nanghiram ng sapatos sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung nanliligaw ba si Thomas sa kanya o sila na, pero laging sinasabi ni Ara na walang gusto si Thomas sa kanya. Halos hindi mapaghiwalay sa school kapag magkasama sila tapos walang ligawan na nangyayari? Ewan! Pero masaya ako para kay Ara. Hihi.

"Anong emergency?"

"Si Jeron!" Hindi ko na hinintay ang reaction ni Ara at lumabas na ako ng kwarto.



Sa LRT pa lang ay hindi na ako mapalagay, sigurado kasing sasabihin ni Jeron kina Mama ang tungkol sa panliligaw niya. Hindi ko rin siya maintindihan eh, dinededma niya lang ako dati tapos ngayon gustong-gusto na manligaw?

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon