10 ✌

1.5K 46 8
                                    

ARA's POV



Happy birthday to you! Happing-happy ka nga eh! Hindi mo man lang ako pinilit na umattend sa birthday party mo! Kahapon ang birthday ni Thomas at kagabi siya nag-celebrate kasama ang mga close friends niya. Invited naman ako pero sa club na naman kaya tumanggi akong pumunta, siguro kahit pinilit niya ako hindi pa rin ako pupunta. Naiinis lang ako ngayon dahil madami silang picture ni Arra sa facebook at lagi pa siyang nakaakbay!



Mag-iisang buwan na mula noong nakilala ni Thomas si Arra, at 2 weeks na siyang nanliligaw. Pumayag kaagad si Arra magpaligaw dahil gusto niya din naman si Thomas. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami formally napapakilala ni Thomas dahil parang ayaw niya din sa akin. Sa mga kwento ni Thomas, parang gumagawa ng excuses si Arra para hindi niya ako ma-meet. Pero ganoon din naman ang ginagawa ko. Hehe. Minsan nagkakasalubong din kami sa La Salle pero hindi kami nagpapansinan. Hindi naman ako totally inis kay Arra kaso magkaibang klase kami ng babae kaya naiilang ako sa kanya. Siguro kapag naging sila na ni Thomas, saka ko siya kakaibiganin.




Bandang hapon, tumawag si Thomas at pupuntahan ako dito sa dorm. Pagkarating niya ay may dala siyang sasakyan, parang bago pa at maganda.


"Bagay ba sa akin?" nag-smirk si Thomas at suot ang gift kong cap sa kanya. Nagmukha siyang cute na bata dahil pabaligtad ang suot niya. Hihi.

"Nah... o bakit ka napadpad dito? May kotse ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Uhm, this is my own car! Gift ni Papa for my birthday, hindi pa nga lang fully paid. Hehe." Ang mayayaman talaga, big time kung magregalo. "Magbihis ka na, magde-date tayo."

"Date ka dyan!"

"Ehh hindi ka umattend sa party ko kaya iti-treat kita ngayon."

"Kasama ba si Arra mo?" Kung kasama siya, syempre hindi na ako sasama sa kanila. Ayokong maging third wheel noh!

"Hmm, nagseselos ka na naman. Ikaw ang original Ara ko kaya tayong dalawa lang ang gagala." ngumiti siya ng nakakaloko. Tsss, sinimulan niya nang mang-asar.

"Tse!" iniwan ko na siya para magpalit ng damit. Pero masaya ako at hindi ko makikita ang Arra na yun. Hehe.




Nagdesisyon kami ni Thomas na pumunta sa MOA para malapit lang. Habang naglalakad kami ay inakbayan ko siya, medyo magka-height kami kaya napaakbay ako sa kanya.


"Alisin mo nga ang kamay mo, nakakalalaki ka eh!" inis na sabi ni Thomas. Ginalaw niya ang balikat niya pero hindi ko pa rin inalis ang kamay ko. Parang gusto ko siyang pagtripan ngayon. Hehe.

"Okey lang yan, madami namang nagsasabi na pogi ako." biro ko.

"Tomboy ka na ba hah?"

"Hindi, pero mas lalaki pa nga ata akong kumilos kaysa sayo. Umamin ka nga Thomas, bakla ka noh?" panunukso ko. "Kaya siguro wala kang sineryosong babae dati dahil lalaki talaga ang gusto mo noh?"

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon