30 🌸🍦

41 1 0
                                    


MIKA's POV



Ngayon ko nararamdaman ang consequences ng paghihiganti ko, at grabe akong usigin ng konsensya...




Nag-decide kami ni Ara mag-take out ng dinner, at ayaw sumama nina Kim pero nagpabili na din. Nagpunta kami sa isang chicken restaurant malapit sa school, at nakita kong nandito din si Axel kasama ang ilang kaibigan.


"Ara, maiwan muna kita dito. Kakausapin ko lang si Axel..." sabi ko habang nakapila kami. Ito ang pagkakataon na makausap ko siya, hindi ko kasing magawang mag-message lang sa kanya.

"Okey, ako na lang ang o-order." sagot niya.




Lumapit ako kina Axel at nakangiti niya akong binati. Tinanong ko siya kung pwede ko siyang makausap at pumayag siya. Umupo kami sa bakanteng table malayo sa mga kaibigan niya.


"Axel, I'm sorry..."panimula ko.

"What for? Hmm, akala ko pa naman gusto mong ligawan ulit kita." biro niya. "No need for apologies because it's normal, may natatalo din sa pag-ibig..."

"Axel naman! Nagso-sorry ako dahil..." sambit ko pero hindi niya ako pinatapos.

"Mika, I don't regret courting you. Syempre gusto ko ako ang sagutin mo... pero if you keep saying sorry, it makes me feel I almost have you, but then, I became a total loser." ngumiti siya. "You can still count on me, aawayin ko pa rin si Jeron kapag sinaktan ka niya ulit!"

"Hmm, thank you..." bahagya akong ngumiti. "Pasensya na sa istorbo ah."

"Pasensya is still sorry, Mika!" nag-smirk siya.




Medyo lumawag ang pakiramdam ko dahil nakapag-usap kami ni Axel. Sana makahanap siya ng babaeng nararapat sa kanya at mamahalin siya ng buo.





"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Ara habang naglalakad kami pauwi sa dorm.

"Nag-sorry ako, pero ayaw niya na marinig ang dahilan..." sagot ko.

"Ayan, nagi-guilty ka sa panggagamit sa kanya!" pang-aasar niya.

"Oo, ganoon na nga..." Pinagsisisihan ko."Ikaw ba, gusto mo na si Von?"

"Hmm, sakto lang..."

"Sakto lang?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ehh hindi pa ganoon ka-strong ang feelings ko sa kanya... Hindi ko pa maisip na magiging kami."

"Dahil kay Thomas?" Ayoko kay Thomas pero hindi makakaila na pinapahalagahan niya si Ara higit pa sa kaibigan.

"Huh? Thomas ka dyan!" pagmamaang-maangan niya.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon