26 ✌🌸

33 1 0
                                    


ARA's POV




Medyo nagtatampo na naman si Thomas, pero nagsabi din na mag-enjoy daw ako. Hay. Nandito ako nakaupo sa Upper Box A, mag-isa kong pinapanood ang exhibition match ng Ateneo against UP. Madami din ang nanonood at sa may side ako ng UP umupo. Niyaya kasi ako lumabas ni Von pero dahil may match sila ngayon, ako na ang nagsabi na gusto ko siya panoorin at pagkatapos ay kakain kami sa labas.


Gusto din ni Thomas makipagkita ngayon pero nauna kaming magkausap ni Von. Sinabi kong lalabas kami ni Von, at ang sagot niya lang nung una ay 'k.'




Nakasuot ako ng black jacket at cap kahit mainit para hindi ako makilala ng ibang nanonood. Pero hindi effective dahil may mga nagpa-picture pa rin sa akin. Wag sana isipin ng La Salle community na kumakampi na ako sa rival team!




Around 4:00pm ay natapos na ang game, in which nanalo ang Ateneo. Inantay ko si Von sa may exit sa likod ng venue, at binati ako ng ibang teammates niya bago kami tuluyang nakaalis papunta sa Rockwell. Dahil Sunday, matao ang mall kaya namili kami ng hindi masyadong crowded na resto.



Binigyan ako ng small gift ni Von pero sa dorm ko na lang bubuksan. Maganda ang pagkaka-wrap at sabi niya sana magustuhan ko ang perfume na laman. Though madami akong natatanggap na gifts, especially from fans, iba pala ang feeling kapag sa manliligaw galing. Hihi.


"Ara, do you want to do something after we eat? Like watch a movie or arcade?" tanong ni Von habang kumakain kami.

"Uhm, ikaw na ang bahala... Hindi ka ba exhausted dahil sa game niyo kanina?" sabi ko.

"Medyo, pero gusto talaga kita makasama... Feeling ko kasi hindi kita naliligawan ng maayos dahil busy na sa basketball."

"Ano ka ba, prioritize your future syempre!"

"Pwede bang future natin?" nakangiti niyang sabi at hindi ako naka-react. Ang lakas mambola eh! "Uhm, Ara, I will be very busy these coming days, but 2 weeks from now, i-invite sana kita to my photoshoot."

"Photoshoot?"

"Actually, my aunt is organizing it, and as far as I know, kasali din sina Mika at Jeron sa shoot... Yun lang kasi ang naisip ko para makasama ka ulit, then we will date pagkatapos or double date if you want."

"Uhm, sige!" Gusto ko mapanood ang pagpo-pose nila at medyo mang-aasar din kay Mika. Hehe.




After kumain ay naglalakad-lakad kami at bumili ng coffee. Gusto ni Von na kausapin ang tita niya para isali ako sa photoshoot pero tumanggi ako. Nagkwentuhan pa kami at pagkatapos ay niyaya ko na siya umuwi para makapagpahinga na din siya.



Madalas pa rin kaming nakakapag-usap ni Von through chatting at video call. Araw-araw siyang nagme-message kahit abala siya sa studies at basketball.



Busy din si Thomas dahil sa UAAP, pero halos three times a week naman kami nakakatambay sa special place ko, sa resto, or sa bahay nila, kasama si Kobe.





Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon