15 ✌🌸

65 1 2
                                    


ARA's POV



Sana mabilis lang matapos ang mga klase ko... Unang Monday ng bagong taon, simula na ng 3rd trimester at excited na ako makita si Thomas. Hindi ko kasi siya pinayagang pumunta sa probinsya noong birthday/debut ko kaya sa Friday na lang gaganapin, sa opening ng Salas Resto Bar.


Alam kong nami-miss na ako nun dahil lagi niyang binabanggit buong bakasyon na hindi kami nagkita. Nakakakilig sana pero ako na mismo ang nagbabago ng usapan, tinatanong ko about sa kanila ni Arra kahit hindi ko naman talaga gusto malaman. Ang kaso, madalas niyang isagot ay 'Mas miss kita!', sabay kindat. Hay, Thomas! Kailangan kong pigilan na mahumaling sayo!



Napapangiti ako mag-isa habang papunta sa first class kong Marketing Management, kaya lang nawala ang ngiti ko...

"Good morning, Ara!" bati sa akin ng nakangiting si Jeron. Tama si Mika, nakakainis nga ang wide smile niya na halos labas na lahat ng ngipin. Imbyerna pa rin kaming lahat sa kanya dahil sa ginawa niya kay Mika tapos magfi-feeling close.


Nilagpasan ko lang siya at nakakunot ang noo ko. Three times a week pa naman ang klase ko dito!

"Ara naman!" humawak sa braso ko si Jeron. "Wala bang sinabi sayo si Mika?"

"Bakit ka naman namin pag-uusapan huh?" sagot ko sa kanya.

"Ara, pinatawad niya na ako at pinayagan ulit manligaw." nag-pout pa siya. "Sana kayo din mapatawad niyo na ako."

"Hmm, kung okey na talaga kay Mika, eh di okey na din tayo. Pero tatandaan mo kapag sinaktan mo pa ulit siya, madami kaming mambabato ng volleyball sayo!" banta ko sa kanya. Nakakapagtaka lang dahil walang kwinekwento si Mika, halos araw-araw kami magkaka-chat at pumunta pa kami sa kanila bago magbagong taon.

"I understand, condemn me if you must... Hindi ko talaga sinasadya yung ginawa ko sa kanya." lalong naging malungkot ang tono ng boses niya. Tsk, naalala ko na naman na idea ni Thomas yung ginawa ni Jeron.

"Okey, don't worry na, mapapatawad ka din nung iba kung approved ka na kay Mika." bahagya akong ngumiti.

"Really?" bumalik na ulit ang wide smile niya at isinukbit ang braso niya sa braso ko para hilahin ako. "I'm so lucky since last year, pumayag ulit si Mika na magpaligaw tapos ngayon, classmate pa kita."

"Oy Jeron, hindi na kita tutulungan sa kanya noh!"

"Kahit moral support lang? May kapalit naman eh, I'll help you with Thomas..." nagsimula na siya mang-asar.

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Tsss. Kunwari pa kayong dalawa. It's so obvious na napipilitan lang siya doon kay Arra." Minsan ganoon nga din ang nararamdaman ko pero, Erase! Erase!

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon