7 ✌🌸

1.8K 56 4
                                    


MIKA's POV



Masunurin naman pala siya! Wala ng rose o kahit ano pa sa upuan ko! Hehe. Pumasok ako sa mga classes ko at wala na akong gifts na natanggap. Sana nga tigilan na ni Jeron ang panliligaw niya para pumayag akong magpaligaw sa kanya. Pati ako naguguluhan eh! Haha!



Kaso pagdating ng tanghali, may cupcake na naman para sa akin. Iba na ang flavor at design, pero ang cute-cute pa rin! Sigurado masarap na naman ito! Hihi. Tanungin ko kaya si Jeron kung saan niya nabibili itong cupcake? Hay naku, wag na muna dahil ayoko pa rin siyang makita o makausap. Mabuti nga wala siya dito, siguro nahihiya sa mga kalokohan niya kaya hindi nagpapakita!



Wala na ding dumating na regalo mula kay Jeron nung training namin pero nung nasa dorm na kami, meron namang nag-deliver ng basket na may lamang teddy bear at balloons.


"Mika Reyes, para sayo!" sabi ni ate Aby.

"Wow, kanino galing?" ---Carol. Halos lahat ng teammates ko kinikilig, ako lang ata ang hindi.

"Kay Je! Hahaha. Ang sweet talaga ni Je!" ---Kim. Siya na yung tumingin sa card dahil wala akong balak hawakan yun.

"Sinong Je ba yun?" ---Mok.

"Si King Archer, Mok." ---Ara. Oh di ba, sila na ang sumasagot para sa akin. Malamang susunod na ang kambal.

"Wow, si Jeron! Siya din yun nagbigay nung roses kahapon? Nanliligaw pala siya sayo?" ---Majoy.

"Yup siya nga, pero hindi pa pinapayagang manligaw ni Mika. Nagpapasuyo pa eh." ---Camille. Tsss, hindi ako nagpapasuyo noh!

"Wag ka mag-alala Mika, hindi ka namin isusumbong kay coach. Payagan mo na si Jeron manligaw." ---ate Aby. Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko namang hindi sila magsusumbong dahil may nanliligaw at boyfriend din ang ilan sa amin. Tinatago lang kay coach. Hihi. Saka disiplinado at responsable naman kami kaya hindi na masyadong pinapansin ni coach kapag may nalalaman siya.

"Oy Cienne, wag mong kalikutin, hindi iyo yan!" ---Kim. Sinisilip-silip nga ni Cience yung loob nung basket.

"Baka may chocolate pang kasama eh. Hehe." ---Cienne. Sige, tingnan niya nga kung may chocolate. Mas gusto ko yun. Hihi.



Nang nakakain na kami ng dinner, tumambay muna ang ilan sa amin sa living room para manood ng TV.

"Hindi mo ba talaga gagalawin yun?" tanong sa akin ni Ara at itinuro ang basket with teddy bear na nasa table.

"Hayaan mong pang-display dito." sagot ko. Wala naman ding chocolate eh.

"Hindi mo man lang naa-appreciate ang binibigay ni Jeron!" ---Cienne.

"Ang kurips niya kaya, ang liit-liit nung teddy bear. Kung kasing laki ko, baka ma-appreciate ko pa! Haha." biro ko. Masyado kasi silang seryoso, eh kaso hindi sila natawa. Mga kampi kay Jeron!

"Kahit onti, hindi ka kinikilig sa kanya?" ---Camille.

"Hindi, ang kukulit!Siguro medyo lang. Hihi.

Infinite ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon